ELEVEN

22 1 0
                                    

Bitter si Sweet*

ELEVEN

Kukunin ko sana ang mga libro ko sa locker nang matanaw ko si James, kasama niya sa Carla. They are talking to each other. Nagtatawanan pa nga ehh.

Hindi siya pumasok sa first subject dahil pala kasama niya yang babaeng yan ha.

Lumapit ako onti para sana marinig ang pinag-uusapan nila. Pero, wala! Wala akong marinig! Ano ba naman 'to! Bakit ba kasi sila nag-uusap? Kailangan talaga ganyan sila kalapit sa isa't-isa? Akala ko ba sakin lang siya titingin! Teka! Pakelam ko ba sa kanila? Eh hindi naman kami ni James.

Kumuha na ako ng libro at tumuloy na sa next class ako. Pero hindi ako makapagconcentrate kaya nagheaddown nalang ako ang inisip ang mga nakita ko kanina.

Nagbago naba ang isip ni James? Ayaw naba niya sakin? Arghh! Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Mas okay nga yun eh, atleast wala ng laging susunod at mangungulit sakin. Wala ng tatawag ng My Princess, wala ng nakahandang pagkain kapag pupunta ako sa canteen pag lunch, wala ng magpapacute sakin, wala ng magbibigay sakin ng bulaklak.

Arghhh! Sumasakit na naman brain cells ko. Sabi ko na eh. Sakit talaga sa ulo yang mga lalaking yan.

Lunch na at dumiretso ako sa canteen. Nakita ko agad si James pero hindi ko siya pinuntahan. Umorder ako ng pagkain ko at umupo sa ibang pwesto. Nakita kong tiningnan ako ni James, halata ang pagtataka sa mukha niya. Bahala siya diyan, naiinis ako.

Maya-maya lang ay lumapit sa akin ai James at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Bakit hindi ka dun umupo? Bakit umorder ka ng sarili mong pagkain? Ayaw mo na ba sa pwestong yun? Or..." Nagyuko siya ng ulo at mukhang malungkot. "Ayaw mo talaga sakin?"

Hindi ko ito sinagot. Bahala ka diyan.

"Ano nga kasi? Bakit ha?" Sabi pa nito.

Sumubo ako ng spaghetti.

"Ayaw mo na bang makita pagmumukha ko?" Tanong ulit nito.

Kain ulit.

"Basted naba talaga ako for real?"

Yum yum yum.

"Siguro nga." Tumayo ito at mukhang aalis na.

"Sige, umalis kana. Puntahan mo na yung Carla mo." Sabi ko tapos kain ulit.

Bumalik ito agad sa pag-upo. "Sinong Carla?"

Tiningnan ko ito. "Yung kasama mo kanina sa hallway, malapit sa mga locker." Sagot ko dito.

"Ah oo. Groupmate ko siya sa thesis." Groupmate?!

"Mukhang hindi naman tungkol sa thesis pinag-uusapan niyo."

Lumawak ang ngiti nito. "Nagseselos ka?" Tiningnan pa siya ng malapitan.

"Hindi ako nagseselos." Sagot ko.

"Weh? Kung hindi, ano ang dahilan ba't dito ka kumakain at hindi dun sa usual nating pwesto?" Sagot nito.

Aba nga naman talaga. Kung suntukin ko kaya 'to! "Para naman maiba." Syempre, alam naman natin na palusot ko lang yan. Alangan naman sabihin ko na kasi naiinis ako dahil may kasama siyang ibang babae.

"Tiisin mo muna yang selos mo My Princess, kasi madadalas ang pagsasama namin dahil nga sa thesis." Sabi nito.

"Hindi nga kasi sabi ako nagseselos."

Tinigitigan ako nito. "Napakaganda mo magselos."

Inapakan ko ang paa nito. "I'm not jealous!" Sabay walkout.

Ang taray diba? May pawalkout walkout pa'kong nalalaman. Napakakulit kasi ehh. Ako nagseselos? Like duh! Ako talaga ha? Bakit naman ako magseselos diba? Hindi naman niya ako girlfriend.

"Ouch!" May nakabunggo sakin! Napakagaling diba!

"Miss, sorry!" Tinulungan niya ako makatayo.

"Sw-sweet?" Sabi nito.

Parang nagrewind ang lahat. Ang mga alaala na ayoko nang balikan pa, mga alaala na pilit kong kinakalimutan na. Mga alaalang masasakit. Mga alaalang nagsasabi sakin na huwag magtiwala.

"Are you okay?"

Okay ha? Ako okay? Nakabangga ko ang kalahi ni Satanas? Paano ako magiging okay? Nakadrugs ba'to?

Napansin kong hawak-hawak niya sa magkabilaang balikat ko. Inaalis ko iyon at tumayo.

"Sorry." Sabi nito.

Sorry? Yan ang mga huling salitang narinig ko sa kanya dati. Nung mga oras na mas pinili niya yung babaeng yun.

Bitter si SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon