EIGHT

18 1 0
                                    

Bitter si Sweet*

EIGHT

Salitan kami sa paggamit ng fork. Gusto sana nito na subuan ako pero hindi ako pumayag. Sapat na yung pumayag ako na salitan kami sa fork. Okay, aaminin ko. Alam ko na hindi yun ang last spaghetti and last fork. But the moment he said na share kami, I knew that he just wants to share it with me. Pinilit ko nalang ang sarili ko na last na nga yung spaghetti and fork, kunwari naniwala ako. But we all know that I'm smart. Its his reward by the way dahil napagtitiisan niya ang ugali ko, ang hindi ko pagreresponse sakanya kapag kausap niya 'ko, ang pagsusungit ko sa kanya lagi, and I even pushed him away sometimes.

Nang matapos kaming kumain ay bigla itong nagsalita. "Alam mo ba na indirect kissing yun." Sabi nito.

Para akong nabilaukan sa sinabi nito.

"Are you okay." Tanong nito at inabutan siya ng tubig.

"Don't say words like that again, okay?" Sabi ko dito.

"Okay." Sagot naman nito.

Dahil maaga pa naman ay pumunta muna kami ng garden. Umupo kami sa isa sa mga benches dun.

"Bakit ka nga pala late kanina?" Tanong nito.

"Si Manong Gary kasi dinala sa talyer yung sasakyan kaya kailangan kong magcab, eh hindi ko naman alam na mahirap pala makasakay ng cab dun." Kwento ko dito.

"Dapat tinawagan mo'ko para sana nasundo kita."

"I don't have your number." Simpleng sagot ko dito.

"Ayaw mo naman kasi ibigay sakin number mo eh." Parang nagtatampong sabi nito.

Well, para nadin may matawagan ako pag may kailangan ako. "Give me your phone."

"Why?" Nagpapanic na tanong nito.

"So that I can enter my number."

"Just dictate it tapos ako nalang mag-eenter." Sabi nito.

Naningkit ang mga mata ko nang tingnan ko ito. "And why don't you allow me to touch your phone?"

"I-its embarrassing."

"Edi hindi ko nalang ibibigay number ko." Nacucurious tuloy ako kung bakit ayaw niya ipahawak sakin ang phone niya. Siguro may porn yun o kaya may iba siyang babae.

"Okay, okay. Here." Inabot na nito ang phone nito.

Natawa ako sa nakita ko. Ang wallpaper niya ay kaming dalawa, pero natutulog ako sa klase nun. "Whats with your wallpaper?"

"Eh kasi, yan lang yung picture natin together eh." Sagot nito na parang nahihiya pa.

"You should've told me. Para naman nagpicture tayong dalawa diba." Sabi ko dito.

I clicked the camera and we took a picture together. Isa lang, okay na yun. At least, may maipapalit na siya sa wallpaper niya.

Kinuha ko rin ang phone ko at nagpicture din kami dun.

-----------

Pag-uwi ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto para magbihis at magpahinga narin saglit bago maghapunan. Kakatukin naman ako ng isa sa mga katulong kapag kakain na eh.

Patulog nako nang biglang magring ang phone ko. Unregistered number yung nakalagay. Sino naman kaya ito?

"Hello." Sagot ko sa kabilang linya. Yung boses ko halatang inaantok pa eh.

"Hi My Princess! Sleepy?"

Si James.

"Oh you. Why?" Tanong ko dito.

Hindi ko lang pinapahalata pero naexcite talaga ako nang malaman ko na siya ang tumawag.

"I missed you." Malambing na sabi nito.

"Already?"

"Yes. Why? Don't miss me?" Tanong nito.

"No." Sagot ko.

Totoo naman eh. Hindi ko siya namimiss. Pano ba naman, kahit saan ata ako lumingon andun siya ehh.

"Ouch. Why you're so mean to me."

"Is telling the truth refers to being mean?" Sabi ko dito.

"Ma'am, nakahanda na po ang dinner." Sabi ng katulong nila.

" sige, bye na." Paalam niya dito.

Pagpasok ko ng dining area, nagulat ako sa aking nakita.

Si Reiji?!

-----------

Sorry po. Mali yung una kong napost. Sorry po talaga 😪

Bitter si SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon