TWELVE

28 1 0
                                    

Bitter si Sweet*

TWELVE
(James' POV)

Nandito kami ngayon ni Sweet sa canteen. Akala ko talaga basted nako for real, yun pala nagseselos lang ito.

Tinitigan ko ito. "Napakaganda mo magselos." Sabi ko dito. Totoo iyon, siya na ata ang pinakamagandang babae kapag nagseselos.

Bigla akong inapakan nito. "I'm not jealous!" Tapos nagwalkout.

Sinundan ko ito. Nakita kong nabangga ito ng isa sa mga estudyante rin marahil ng RU.

Lalapitan ko na sana sila pero kusang huminto ang mga paa ko sa paghakbang nang makita ko ang reaksyon ni Sweet pagkakita sa mukha ng lalaki. Makikita mo ang galit sa mata nito.

Kung ganon, hindi lang simpleng estudyante sa RU ang lalaking yan.

"Si Alex Marasigan yan."

Tiningnan ko kung sino yung nagsalita. Si Carla.

Tinuro niya yung lalaking nakabangga kay Sweet. "Yan, Alex Marasigan ang pangalan niya. Ex ni Sweet." Sabi nito.

"Ex? As in ex-boyfriend?" Tanong ko.

Tumango ito. "Siya din ang dahilan kung bakit nagbago si Sweet."

"Pwede ko ba malaman ang buong kwento?"

Ngumiti ito bilang pagsang-ayon.

Pumunta kami sa garden.

"Sisimulan ko naba?" Tanong nito sakin.

Tumango ako.

"Si Sweet na ata ang pinakamabaet at pinakasweet na nakilala ko. Kapag may kailangan ka, lapitan mo lang siya. Kapag birthday mo, kahit hindi kayo close, reregaluhan ka niya. Palangiti din siyang tao. Perfect na nga siya eh. Marami ding nagkakagusto sa kanya." Pagsisimula nito. "Kilala mo si Reiji Razon?" Tanong nito.

"Oo. Bakit?"

"High school palang kami, gustong-gusto na siya ni Sweet. Si Sweet na nga ang nanligaw eh, pero lagi siyang basted. Mas matanda si Reiji sa kanya ng isang taon. Fourth year na nun si Reiji, siya naman ay third year, parang nagbago ang lahat, kahit papano bumaet si Reiji kay Sweet. Tinatanggap na niya lahat ng binibigay ni Sweet. Pumapayag nadin si Reiji na magdate sila ni Sweet. Akala nga namin magiging sila na ehh." Tiningnan ako nito. Para siguro siguraduhin na nakikinig ako.

"I'm listening." Sabi ko nalang.

"Pero biglang umalis si Reiji. Kalahati na ng school year yun ehh. Syempre broken hearted si Sweet. Dun papasok sa eksena si Alex at Nicole. Classmate sila ni Sweet. Dinamayan nila si Sweet, lagi silang magkakasama. Hanggang sa nagfourth year. Magbebestfriend na nga sila eh. Pero isang araw, flag ceremony nun eh, pumunta sa unahan si Alex, at dun, nagtapat siya ng nararamdaman niya kay Sweet, pumunta din sa harapan si Sweet, sabi niya si Reiji lang daw ang gusto niya, hihintayin daw niya na bumalik si Reiji. Akala namin susuko na si Alex, pero hindi. Niligawan parin niya si Sweet, araw-araw niya binibigyan ng kung anu-ano si Sweet. Siguro nafall narin naman siya kaya sinagot niya si Alex. Super sweet nga nila ehh."

"Eh bakit sila nagbreak?" Tanong ko dito.

"Dahil kay Nicole." Sagot nito.

"Nicole? Kala ko ba magkaibigan sila?"

"Yun din ang akala namin. Pinilit ni Sweet na dito nalang sa RU magcollege si Alex at Nicole. Iba ang course na kinuha ni Sweet, samantalang si Alex naman at Nicole ay magkaparehas kaya magclassmate sila tapos si Sweet nahiwalay sa kanila. Nung una, madalas pa silang magkakasamang tatlo, nung tumagal na si Alex nalang ang laging kasama ni Sweet. Hindi ko rin alam kung bakit hindi nila kasama si Nicole. Nang magsecond year college na sila, kahit si Alex bihira narin makasama
ni Sweet. Ang lagi kong nakikitang magkasama ay si Nicole at Alex. Tapos isang araw nabalitaan nalang namin na break na si Sweet at Alex tapos girlfriend na niya si Nicole."

"Gago pala yun ehh." Nasabi ko nalang.

"Isang linggo namin hindi nakita si Sweet. Ibang Sweet na ang bumalik. Yung Sweet na laging galit, hindi ngumingiti, tingnan mo lang siya ay susungitan kana."

"So pains changed her." Comment ko.

She continued. "One time, naisipan kong tumambay sa Gym. Dun ako pumwesto sa sulok dahil wala lang trip ko lang. Maya-maya may narinig akong nagsalita. Sinilip ko kung sino, si Sweet at Alex. Sabi ni Sweet, kakalimutan daw niya na nangyari ang lahat ng yun basta iwan ni Alex si Nicole at bumalik na sa kanya. Pero sorry lang ang narinig niya kay Alex at umalis na. In short, si Nicole ang pinili ni Alex."

"Grabe. Seryoso ba siya? Si Sweet? Pinakawalan pa niya?"

"Ang shunga niya no? Biruin mo, ginto na yung nakuha niya, but still he let it go." Sabi din ni Carla.

"Pero salamat narin sa kanya, kasi kung hindi sila nagbreak ni Sweet, hindi ako magkakaroon ng chance na ligawan siya." Sabi ko.

"Sweet build her own walls to protect him from another pain. Pero alam mo, nakikita ko na you slowly breaking it." Sabi nito. Tumingin ito sa relos. "May class pa'ko. I gotta go." Tumayo na ito.

"Thank you."

Ngumiti ito at tuluyan nang umalis.

Bitter si SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon