READ AT YOUR OWN RISK.
ATTENTION ! ! !
I AM NOT A GOOD WRITER SO EXPECT SOME GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOS.I AM HOPING THAT YOU GIVE SOME TIME FOR READING THIS STORY OF MINE
THANK YOU ! ❤️
Start Date of Writing : March 17 2020
_________________
(Audrey's POV)
Wala ako sa sarili habang tinutungo ko ang isang madilim at bakanteng lote na iyon.
"Hindi ako maaring magkamali, ito nga ang nasa panaginip ko."
Sambit ko sa sarili.
Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking desisyon.
"Maligayang pagdating sa kaharian ko aking Reyna."
Bungad ng isang lalaki na nababalot ng kadiliman ang mukha.
DEMONYO !
Tama, isang demonyo ang kaharap ko ngayon.
Ang demonyong hindi maalis sa panaginip ko.
Matagal na kaming nagsasama ni Esmael subalit hindi kami mapagkalooban ng anak.
Hanggang isang gabi nagpakita siya sa akin.
Si Hadeus. Ang demonyong gabi-gabing nagsasamantala sa akin sa panaginip.
Halos gabi-gabi niya akong ginagahasa sa panaginip ko.
Nangako siya sa akin isang gabi sa aking panaginip na bibigyan niya kami ng anak ni Esmael kung makikipagkita ako sa kanya sa bakantong lote na ito.
at heto na nga ako.
Isang malik-mata ko lamang ay biglang nasa likod ko na si Hadeus.
"Hindi mo ako binigo aking Reyna."
"Alam mo kung ano ang ipinunta ko dito Hadeus." sambit ko rito.
"HAHAHAHAHA" halakhak nito.
Nakipagkasundo ako sa kanya.
Makikipagtalik ako sa kanya kapalit ng isang supling.
Supling na kung saan ay matagal na naming pinapangarap ni Esmael.
Wala na akong ibang paraan na maisip kundi ito lang.
Isang makapangyarihang Demonyo si Hadeus. Tanging siya na lamang ang pag-asa ko, Ang pag-asa namin ni Esmael.
"Hmmmm, bakit kasi ayaw mo pa ako samahan sa kaharian ko aking reyna?"
Tanong nito.
"Hindi ako kasing sama mo, para tigilan mo na ako sa panaginip ko. Ibibigay ko ang gusto mo."
sambit ko rito.
"Sasakupin natin ang mundo, Lahat ng nais mo ibibigay ko. Kayamanan, Kapangyarihan. Sumama ka lang sa akin."
"Alam mong kahit kaylan ay hindi iyan mangyayari Hadeus."
"Mangyayari iyan dahil iyan ang Gusto kong mangyari at iyan ang nakatakda."
"Ang usapan natin ay bibigyan mo lang ako ng supling. wala sa usapan ang paninirahan ko sa kaharian mo."
"Tama, hindi ikaw kundi ang magiging supling mo."
Agad akong natigilan sa pagsasalita dahil sa narinig ko.
Nakaramdam ako ng napakalamig na ihip ng hangin.
"Kung yan ang nais mo, hindi ko na itutuloy ang usapang ito. Aalis na ako!"
Pamamaalam ko rito.
"Huli na ang lahat Audrey, Huli na ang lahat....HAHAHAHA"
Naramdaman ko na lang na hindi ako makakilos.
Hanggang sa hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Nagising na lamang ako umaga na.
End of Prologue
![](https://img.wattpad.com/cover/217182599-288-k270717.jpg)
BINABASA MO ANG
THE DEVIL INSIDE ME [ON GOING]
Mystery / Thriller"Everyone of us has a bad side or an evil side. You'll never know kung kailan ito lalabas. Minsan kapag sobrang Galit o kadalasan kapag naiisip natin ang mga ala-alang nagpapabigat ng ating damdamin. Ang mga Ala-ala kung saan nag-umpisa ang pagpapam...