Chapter 29

82 18 0
                                    

Diary Point Of View

"Nasan na bayun?" napatinggin tinggin ako sa paligid habang hinihintay si Vill. Ang manliligaw ko. Napagusapan kase naming magkikita ngayun sa canteen dahil wala naman ng klase ngayun.

"Diary!" nakarinig ako ng sigaw at napangiti agad ako habang tinignan ang taong tumawag saken bago tumakbo sa pwesto niya.

"Upo kana ako na bibili ng pagkain mo" napangiti naman ako. Ang sweet niya! mahaaarrt huhuhu

"Ok lang ba? gusto mo ambag ako ng pangbayad" pag presinta ko pero tumanggi naman siya.

"Naku wag na, ako yung nanliligaw dapat ako yung bahala sa gastos" sambit nito na kumindat pa, syempre dakilang maharot pako dahil baby pako huhuhahaha

"Sige bili mona ako Diary ah" sasagot na sana ako ng bigla nalang akong may naramdamang umakbay sakin mula sa likod.

"Sino to ha?" nagulat nalang ako ng makita si kuya Xandrex ito habang sumisipsip pa ng lollipop.

"Ikaw ah kung dipa namin nakita wala kang balak ipakilala samin to?" mas lalo pakong nagulat ng sunod na umakbay sakin ay si Kuya Beygo na poker face na tinitignan ang manliligaw ko. Nakupo wag niyo naman kameng i hot seat. Naiilang na napalinggon ako sa likod at halos lumuwa na ang mata ko ng makitang lahat ng boys sa warriors ay nandito.

"Hoy! baka gusto mong magpakilala" umupo si PJ sa tabi naming upuan at ganun din ang ginawa nilang lahat. Ngayun para na kameng pinalilibutan ni Vill ng mga demonyong anghel na nanlilisik ang mata.

"V-vill" matipid na sagot ni Vill na nagpatampal sa noo ko. c'mon wag ka kabahan mga monggoloyd kong kuya langyan.

"Bakla bato?" tanong ni Kiyoshi sakin ng sagutin  siya ni Vell ng nauutal. Yawa naman kase sino banamang hindi ma uutal kong ganyan na tinatakot nila yung tao. grrr

"Mga kuya duon na kayo please" mga istorbo kase eh huhu

"Bat kame aalis? mamaya saktan kapa ng unggas nato eh" nangbabantang tinignan ni kuya Beygo si Vill na akala mo'y sindikato.

"Oh baket?" nanghahamon si kuya beygong tinignan si  Vill na tinititignan lamang siya. juskopo kuyaa wag kayong ganiyan huhu

"Wala ho, tiyaka isa pa hindi ko ho sasaktan si Diary" nakangiti nitong sagot kay Beygo na ikina blush ko. mygad vill why so papol

"Eh sino yung nakita kong kaakbayan mo sa kanto kanina bunso?" nanlaki ang mata ko ng mang asar si Kuya PJ na palihim pang ngumisi. Agad konamang tinignan si Vill para iparating na hindi totoo yun. Naloko na! pag nasira talaga relasyon namin huhu kakalimutan kong mga kuya ko tong mga to.

"Imbento ka kuya PJ wala kameng kanto" natawa naman yung iba kung mga kuya habang inaasar si Kuya PJ

"Sus magsisinungaling kapa kilala koyun eh si Bertong yun eh yung anak ni aling puring" Gusto kona sanang tadyakaan si kuya PJ mula sa ilalim ng lamesa kaso pinigilan ako ni Kuya Beygo.

"Tama nayan PJ wag mona asarin si Diary" agad kong dinilaan si kuya PJ ng ipagtanggol ako ni Kuya Beygo na ngayun ay tinarayan lang ako.

"Hoy ikaw" napatinggin ako kay kuya Beygo habang tinuturo si Vill na nananahimik lang.

"Pag nalaman laman kolang na pinaiyak mo tong bunso namin" pinakita ni kuya beygo ang muscle niya sa braso at tinignaan ng masama si vill.

"Kung nakikita moyan congrats may mata ka" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dito kay kuya Beygo eh

"Isa pa, Seven kameng lalake dito ngayun, pag tong si Diary nagsumbong sakin na sinaktan mo ipapakasal kita sa isa sa mga yan" nagsilakihan naman ang mga mata ng boys sa sinabi ni Beygo.

The Lower and Last Section #F&AcompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon