Jea Point Of View
Pilit kong iniintindi at pinapasok sa isip ko kung paano niya ako nakilala, at kung paano niya nalaman ang pagi-imbestiga ko. Bat ganon? Naging
Maingat naman ako ah? Pero isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayun kong baket niya ako nakilala. Malamang siya yung killer na hinahanap ko sa section warriors.Stranger siya, at hindi naman talaga siya part ng Warriors, mayrong 95.04% na posibilidad na pwede maging siya ang killer
My name is Jea Sollano. A secret Agent and of course a Quiet One. Yung father ko namatay--no pinatay siya. Madame na akong na kalap na imbestiga at dito ako sa Section na ito tinuro. Isa ito sa mga secreto ng Warriors. May isang mamatay tao sa kanila. Sa totoo lang hindi na talaga ako estudyante, nagpapanggap lang ako.
Tahimik na tinignan ko silang lahat. Sa unang tinggin mo akala mo normal na estudyante lang sila pero pupusta ako ng Sampong libo darating ang araw na may isang mag ta-traydor talaga na ikakabagsak ng Warriors.
"Ayusin niyo naman yung Pag arte niyo! Aba para kayong mga adik eh! Lasing ba kayo! " rinig na rinig ko ang sigaw ni Jermie na ngayun ay pinapagalitan sila. Buti nalang tagagawa lang ako ng props. Pero wala naman akong ginagawa, nakatunganga lang ako wala pa kaseng materials at wala ata silang balak bumili dahil mga naghaharutan lang sila habang si Jermie ay Stress na Stress na.
Tinignan ko si Tress, kampante na nanunuod lang siya ng TV sa malaking TV nila Vhendell. Jusko isa patong si Tress, hindi talaga kame u-unlad pag tamad Creatress eh!
"Pagod na ako! Pahingga naman tayo, girl yung beauty ko baka mapasma" narinig kong reklamo ni Paula na bigla nalang umalis sa harapan ni Jermie at tumabi kay Tress. Ibang klase tong mga to! Nag mamadali na nga kame pero pa chill chill lang sila!
"Guys laro kaya tayo! " biglang sumulpot si Beygo na may hawak na mga lobo.
"Lagyan natin to ng Tubig tapos kung Sinong pinaka panget ratratin natin! Hahahahah" eh? Siya kaya ratratin ko!?
"Teka ah! Lagyan kolang to ng Tubig" umalis na Siya kung saan pero wala padin pumansin sa kaniya, bahala Siya diyan!
"Usapan practice hindi harutan diba!?" Nakasimangot na tanong ni PJ. Na wala manlang pumansin dahil busy sila sa lawak ng bahay ni Vhendell. Hindi naman kame pwedeng umalis dito dahil bukod sa libre na yung pagkain, sagot pa ni Vhendell lahat ng Gastos.
"Ok langyan may bukas panaman eh! Kaya natin yan! " kampanteng sambit ni Bethrain Gungong! Hindi natin kaya!
"Guys meryenda muna kayo! " ambilis nang pangyayare, paglinggon konalang wala na akong katabe at kaharap. Nakita konalang silang nag aagawan sa dinala ni Vhendell. Juskopo! Wala talagang silbi tong mga mandirigma na to! Sa to too lang ako kase yung taong Hindi nag re-reklamo ng harap harapan, plastic ganun haha. Mas maganda nalang kaseng maging tahimik kasee once na nagsalita ka asahan mo may mag ju-judge na agad sayo. This society and World is full of Judgemental Humans.
Dahil mga gahaman sila ay hindi na ako Nakakain. Ok lang sanay nako hahahah
"Gusto niyo pa? " tanong ni Vhendell na nahalatang kulang pa sa kanila.
"Naku Vhendell wag na nakakahiya" alanganing sambit ni Jermie. Ako? Baka gusto niyoko bigyan?
"HAYAAN MOYAN SI JERMIE! AKO VHENDELL! GUTOM PA AKO!!! PENGEEEEEEEEE" natakot bigla si Vhendell ng pagapang na nilapitan Siya ni Herland.
"Ha? Hehe. Alis muna ako dude ah" bigla tumakbo si Vhendell sa kung saan at hindi kona nakita. Langhiya hindi manlang ako Nakakain.
"UWAAAA! GUTOM PAKO EH HUHYHUHUHUHU" sigaw ni Herland ang namayani sa Aming lahat. Buysit nato! Patayin koto tapos ilaglag ko sa sapa.
BINABASA MO ANG
The Lower and Last Section #F&Acompetition
Fiksi Remaja#GA19A Lower and Last section is about Happiness and HIghschool life that can bring you back in past AWARDS: -Wattpad Pen Awards (Winner) *Teenfiction category Impressive Ranks -#8 In goals -#10 In Classmates