Chapter 22

102 23 0
                                    

Jea Point of View

Napahigop ako sa kape ko habang nagsusuot ng itim na jacket. Kasalukuyang kausap ko ngayun sila Sheena, Drex At Jhecelle sa cellphone dahil ngayun nanamin isasakatuparan ang planong pag kuha ng test paper sa office at ng walang bumagsak sa Warriors. Sa ngayun kailangan na kailangan namin ma accomplished tong plano na ito dahil lahat kame walang na review at dahil yun sa away sa pagitan nila Vhendell at PJ isama mopa si Herland na unti nalang talaga masasapok kona lalo na ang Lumabas na Video ni Paula na kasalukuyang tinatrack na daw ni sheena kung sino yung nag pakalat ng video ni Paula.

"Asan na daw si Xandrex?" Rinig ko mula sa telepono ang boses ni Sheena na mukang gising na gising.

"He text me a while ago he's on his way na daw" malamig na sagot din ni Jhecelle na mukang kanina pa gising. Hindi ko alam pero sa hindi malaman na dahilan bigla akong kinabahan at naisip si Beygo. Diko alam pero may kung ano sa sarili kona gusto ko siyang bantayan dahil feeling ko may masamang mangyayare

"Jea umalis kana diyan magsisimula na tayo ikaw din sheena" ma autoridad na utos ni Jhecelle saamen kaya inubos kona agad ang kapeng iniinom ko. Pinatay kona ang tawag at chineck ang oras. Alas tres na nang madaling araw. Kinuha ko sa upuan ang jacket kong itim dahil mukang malamig at madilim pa ngayun. Napahinga ako ng malalim bago humarap sa pintuan namin. Jea pag binuksan moto may gagawin kang kasalanan at once na tuluyan kanang lumabas kailangan mona to panindigan, hindi dapat kame magkamali. Nakasalalay dito ang Grade namin at ang pinaka mahalaga ay saamen nakasalalay ang Section Warriors. Isang pagkakamali lang talaga Jea wasak ang pinaghirapan niyong plano kaya umayos ka. Hinawakan kona ang door knob matapos kausapin ang sarili ko sa isip. Pinihit kona ito at tuluyan nang lumabas. Ito na yun Jea. Move

Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong agad saaken ang malamig na simoy ng hangin at madilim na palagid. Buti nalang talaga dala kotong jacket ko. Habang naglalakad ay sinuot kona ang jacket sobrang tahimik ng kalsada at halos lahat ng tao ay tulog na sa kani-kanilang bahay mukang ako lang tao ngayun ah? Himala wala atang mga adik na tambay na mambabastos? Ganun sa mga palabas diba? Hahaha

Napangiti nalang ako sa iniisip ko at nagpatuloy sa paglalakad h---teka?

Bigla akong napaistop sa gitna nang paglalakad ko nang makarating ako sa tulay kung saan laging tinatambayan ni Beygo hindi to dahil sa nandito ako sa tulay kungdi dahil may natanaw akong dalawang taong naguusap nanakatayo duon. Teka mukang kilala kotong dalawang to ah?

Patago akong lumapit sa kanila para ma klaro kung sila nga ang nasa isip ko at dinga ko nagkamali na sila Beygo at Vhendell ito. Teka nga ano bang ginagawa nila sa tulay nato ng ganito kaaga? Hindi ako pwedeng dumaan dahil makikita nila ako at pagnakita nila ako matik yan na magtataka at paghihinalaan nila ako ayzows baka dipa matuloy ang plano namin nila Jhecelle. Siguro aantayin konalang muna sila umalis. Medyo lumapit lapit pako para marinig sila at nagtago medyo sa halaman. Buti nalang naka black jacket ako kaya hindi nila ako mahahalata.

"Bat ayaw mo sabihin saamen?" -beygo

"Nahihiya nga ko" - Vhendell

Parang kelan lang magkaaway pato ah? Isa din pala to sa problema ko ngayun matapos yung away kahapon hindi pakame nagkausap usap lahat maski sa gc namin puro si Herland lang nagpapaingay dahil kinakausap niya ang sarili niya habang yung iba siniseen siya. Ngayun lang to na naging ganto kame, madalas kase wala pang isang oras bati nakameng lahat pero ngayun walang gustong magpakumbaba lahat sila galit at ang kinakatakot kolang talaga eh pag kinain na sila ng pride nila kalimutan nanila yung warriors at lalo kameng mabuwag.

"Babayaran ko utang niyong kalahating milyon" bigla akong naubo nang marinig yun. Potaaaaa seryoso batong Beygo nato!? Buti nalang talaga ay dinila ako narinig dahil sa pagkagulat shemay apakayaman naman nito

The Lower and Last Section #F&AcompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon