Chapter 1 - 1st Day of School

17 2 1
                                    

THIS STORY PURELY MADE BY MY IMAGINATION. DIDN'T PLAGIARIZE NOR COPY ANYONE'S WORK.

***
Trip ko lang, bakit ba?

***
A/N: Ang mga makikitang larawan sa kwentong ito ay walang kaugnayan sa istoryang Ito pero makakatulong Ito sa inyong imahinasyon. Gets? Ah! Bahala ka sa buhay mo!

***
Chapter 1 agad! Wala ng paligoy-ligoy pa!

---

JUNE 6, 2005 Monday

Makoy's POV

Hi!!!

Ako si Makoy...

Makoy Ostellio

Isa akong istudyante na mahilig manguha ng mga litrato pero Hindi ako photographer ha! Mahilig lang talaga ako manguha ng litrato.

Pero.. Isa din Yun sa mga pangarap ko. Ang maging isang phographer.

Nakatira ako sa One of the Richest Local Government Unit in the Philippines o mas kilala rin bilang Manhattan of the Philippines.

Ang Makati City.

Sa isang lugar sa Makati ay matatagpuan ang isang famous, modern, bulky, immense and nobby school.

Ang Echaniz University.

Kilala ang paaralang ito dahil sa...

maganda ang kalidad ng edukasyon,

kompleto ang mga gamit sa pag-aaral,

respetado, matatalino at may magagandang pag-uugali Ang mga istudyante at mga guro dito.

Dahil nga sa mga magagandang katangian ang meroon ang paaralan na ito at kahit may kamahalan Ang tuition   ay dito ko naisipan mag-aral sa loob ng apat na taon.

Tanging mga citizen lang ng Makati City ang maaaring mag-aral dito.

Kung hindi ka taga-Makati, Hindi ka maaaring mag-aral dito. Dipende, kung mag-ooffer ka sa kanila ng scholarship para sa mga kapus-palad na mga mag-aaral na gustong matuto.

Ang galing diba?

And luckily! Hindi ko na kailangan magbayad pa ng tuition dahil Isa ako sa mga student na nabiyayaan ng scholarship! at syempre Hindi ko hahayaan mawala iyon sa akin.

Unang araw ng pasukan.

Suot Ang malinis na school uniform na white long sleeve polo with  black necktie, yellow blazer Kung saan nakatatak Ang logo ng Echaniz University, black plain pants and white rubber shoes ay masayang naglalakad ako sa quadrangle para puntahan ang aking bagong classroom.

Tell Me Why.Where stories live. Discover now