Chapter 6 - Planning

3 2 0
                                    

Iryn's POV

"Iryn..." Napatingin ako kay Belle ng tawagin nya Ang pangalan ko.

Actually, kakatapos lang namin magdinner , pero nasa table parin kami so means nasa kusina parin kami nila Jyzmin, Micca at Belle. Yes.. dahil Friday naman ngayon, napagdisisyon ng dalawa na dito muna sila matutulog.

Alam Kong gusto nyang itanong Kung anong nangyari nung tulog pa sya.

Umayos ako ng pagkakaupo at nakipagtitigan Kay Belle.

At nagsimula na magkwento.

"Pagkatapos mong mahinatay...

-FLASH BACK-

Natutop ko Ang sarili Kong bibig ng tuluyan ng bumaksak si Belle sa kanyang kinakatayuan.

Kahit na natataranta ako ay lumuhod ako sa tabi nya at niyakap sya.

Ang gulo ng pangyayari, idagdag pa Ang sobrang init at ingay ng paligid.

Pero buti na lang,  may isang  istudyante na tumulong sa akin sa mga oras na yun. Isang lalaki na sobrang tangkad Ang lumapit sa akin para tulungan ako.

Binuhat nya si Belle at inilayo sa mga istudyanteng nakikiusisa SA nangyari.

Naghalo na Ang pawis at luha ko sa mukha dahil sa nangyari Kay Belle. Dahil natatakot ako na baka mangyari na naman Yung dati.

Nang malapit na kami sa clinic, agad kaming nakita ni Jyzmin at Micca na natataranta na Rin SA mga oras na yun.

"What happened Iryn?!" Tanong ni Jyzmin pero di ko sya pinansin.

Lakad takbo na Ang ginawa namin para mabilis na makapunta sa clinic. Pagdating namin don ay agad syang ibinibaba sa kama na nasa clinic. Agad Rin syang inasikaso ng nurse na naroon.

"Ok na sya.. Ang pagdugo ng kanyang ilong ay sanhi Lamang ng init ng panahon at init sa buong katawan nya. Wag kayong mag-alala  nawalan Lang sya ng malay. After a few minutes, magigising Rin sya." Sabi nung nurse ng makaharap namin sya.

Sana nga.. Sana nga magising sya kaagad..

Lumipas Ang ilang minuto, ilang oras na paghihintay namin pero di pa Rin sya nagigising.

Natakot na kaming tatlo na baka umulit na naman Ang nangyari dati, na natulog sya ng tatlong araw.. Sana nga hanggang tatlong araw Lang..

Napagdesisyunan namin na iuwi na si Belle SA mansyon at doon ipagpatuloy Ang kanyang pagpapahinga. Pero Lumipas na Ang apat, lima, anim, pitong araw.. Hindi parin sya nagigising.. Pinatignan na namin sya sa iba't ibang doctor pero Isa Lang Ang naging sagot nila.

"Maayos Ang kalagayan nya.. natutulog lamang sya.."

Wala kaming nagawa kundi Ang maghintay sa pagbalik nya, Ang maghigtay na muli syang magigising.

Tell Me Why.Where stories live. Discover now