Chapter 13

0 0 0
                                    

Ky Ian's POV

Aish.. bakit walang nagsabi sa akin na ngayon na pala Ang last campaign? Bwiset.. mukha tuloy akong tanga na naiwan sa classroom namin habang natutulog at bad trip ah? Walang gumising sa akin maski si Nick! Bwiset..

At ngayon nasa theater na ko at mukhang kanina pa nagsisimula ang last campaign.

Agad akong humanap ng bakanteng upuan and luckily! Meron.

Kaso makakatabi ko si siga. Si Belle na siga. Tsk.

Mali ata Yung word na luckily, dapat pala unfortunately. Tsk.

Kaya no choice ako kundi umupo SA tabi nya. Kesa sa tumayo ako diba?

Mukhang di naman nya napansi na tumabi ako SA kanya Kasi tutok sya sa dalawang Tao na kumakausap kay Micca na nasa stage.

"Kasi Ito daw si Ms Manzanares ay bumagsak daw sa mathematics?!"

Eh? Talaga?

"Hala! Totoo po ba Yun Ms Manzanares?"

Napatingin ako kay Micca na blangko ang mukha. Parang Wala kakaba-kaba. Inilibot nito Ang paningin nya sa mga audiences. At saka tumingin SA katabi ko.

Kay Belle.

Syempre, napalingon ako Kay Belle na dahan-dahan umiling habang kunot noong nakatingin Kay Micca.

Anong ginagawa nya?

Kinuha ni Micca Ang Mike at saka nagbuntong hininga.

"Totoo po iyon."

Ano?!

Nagsimula ng magbulungan Ang buong paligid dahil sa sinabi nya.

Tsk. Bagsak sya?

Nagulat rin ako sa marahas na pagtayo ni Belle SA kanyang kinauupuan.

Tsk. Ano bang ginagawa nya? Alam nya bang may nanonood din sa likod nya?

Agad ko naman Kinuha Ang kanyang kamay at hinila ko Ito pababa dahilan para mapaupo ulit sya.

Halatang nagulat sya sa ginawa Kaya humarap sya sa akin.

"Tsk. Gulat ka sa kagwapuhan ko no?" Nakangising Sabi ko sa kanya.

Magsasalita na Sana sya Kaya Lang biglang nagsalita Yung babaeng host na nasa stage.

"Ano pong rason Ms Manzanares?"

Ngumiti muna sya bago nagsalita.

"Could be a lot of reasons." Huminto sya sandali at saka nagpatuloy. "I'm not a kind of person who having all the qualities you want. Hindi ako perpekto. Nagkakamali Rin ako."

Natigilan kami sa sinabi nya.

"I know.. na Hindi ako katalinuhan sa paningin nyo. I don't know if I can do it but I'll try to be a better person. Hindi lang para sa inyo, kundi para sa sarili ko." Pagtatapos nya.

Galing...

Nagsimula ng magpalakpakan Ang mga istudyanteng nasa paligid namin.

"Wow.. what a beautiful answer.." papuri nung lalaking host.

"Nobody's perfect ika nga."  Sabi nung babae.

"Well.. pabunutin na natin si Ms Manzanares ng tanong dito sa ating kahon ng katanungan!"

At bumunot nga si Micca.

"Sana nga lang Hindi sya makakuha ng walang kwentang tanong Mula sa ating mga ka schoolmates."

"Haha Tama ka dyan partner!"

"Maaari nyo po bang basahin ng malakas Ms Manzanares?"

Kinuha naman ni Micca Ang Mike na inabot SA kanya nung lalaki.

"From.. 4th year section C" panimula nya sa binabasa nya.

Oh! Section ko Yun ah!

"Kung ikaw Ang mananalo... Anong paki ko?"
.
.
.
.
.

Pfft...

Bwhahahhahahha Gago nagsulat nyan ah hahahhaha!!!

Napuno ng ingay NG Nagsitawanan Rin Ang mga istudyanteng nasa paligid namin.

"Pfft.. hahahaha!!"

"And you think it's funny?"

Napalingon ako NG biglang magsalita si Belle.

Epal...

"Tsk! Ang kj mo! E di wag Kang tumawa!" Inis na Sabi ko sa kanya.

Inikutan Lang nya ko ng mata sabay nag-crossed arm sya.

Tsk.  Pero teka.. Ang ganda nya ngayon ah..

"Nice question huh?" Panimula ni Micca.

"Hindi lang bilang student ka kundi bilang isang Tao... Ay kailangan magkaroon ka ng paki sa paligid mo para malaman mo Kung ano Ang nangyayari sa mundong kinagagalawan mo."

Ayus... Nakalusot..

"Kung ako Ang mananalo bilang secretary, kailangan mo magkaroon ng pakialam sa mga gagawin naming proyekto para maisaayos Ang ating paaralan. Hindi lang mismo sa mga kapwa mo istudyante kundi pati ikaw ay makikinabang sa mga gagawin naming hakbang para sa ikabubuti ng ating paaralan, Yun Lang at salamat."

Nagsipalakpakan naman kaming lahat dahil sa sagot nya.

Not bad...

Bumalik na si Micca SA kanyang kinauupuan.

"Haha.. hanggang ngayon Hindi pa Rin ako makarecover sa tanong partner!" Natatawang Sabi nung babae.

"Haha oo nga eh! Ano naman Kaya Ang katanungan na nasusunod na mabubunot natin?"

Bumunot Ang babae sa fishbowl at kumuha NG isang pirasong papel.

"Nako partner!"

"Hala! Bakit?!"

"Nabunot ko Ang may ari ng University of Don Echaniz!"

"Nako haha mag-ingat ka sa itatanong mo sa kanya partner.. baka matanggal ka SA school ng Wala sa oras."

Nagsitawanan na naman Ang mga istudyante sa paligid.

Pagkatapos nilang ipakilala Kung Sino nabunot nila. Syempre! Sino pa ba? Eh di si Jyzmin!

"Good morning Ms Echaniz!"

"Good morning."







Tell Me Why.Where stories live. Discover now