Chapter 17 - Offence

0 0 0
                                    

Micca's POV

Lumipas ang tatlong araw. Ang biyernes, sabado at linggo. Hindi pa rin nagigising si Belle. Araw-araw namin syang dinadalaw sa ospital. Nawalan si Belle ng malay dahil sa major injury na natamo nya sa pagkakatama ng bato SA kanyang ulo.

Habang si Makoy at Versania ay kakalabas Lang kahapon galing sa ospital.

Si Makoy ay nagtamo ng minor injury sa ulo dahil sa pagkakatama nya sa bato nung itulak sya ng malakas ni Belle. Buti na Lang ay Hindi na sya nagreklamo pa dahil Sabi nya ay Hindi naman daw sinasadya ni Belle na itulak sya. Ngayon ay nakauwi na sya sa pamilya nya.

Samantalang si Versania naman ay  nagtamo ng maraming pasa sa katawan at mukha. Nakomperma din na may mental di Dinala naman sya SA isang professional psychologist dito sa Makati.

At ngayon.

Nandito kami sa Echaniz University Hindi para pumasok kundi para ayusin Ang nangyaring gulo.

Sinuong namin Ang kainitan makapunta Lang sa office ni Dean Echaniz.

Ang tanging makakasama ko lang ngayon ay si Iryn dahil Hindi maaaring magbigay ng testimony si Jyzmin dahil anak sya ng owner ng Echaniz University.

Nandito na kami ngayon sa opisina ni Dean Echaniz, Ang ama ni Jyzmin pero Hindi Ito makakapunta dahil sa dami ng aasikasuhin nito. Kaya si Ms. Jayiko, Ang principal ng University of Don Echaniz Ang mag-aasikaso Muna sa Amin.

As I've said, Wala si Jyzmin dito at Hindi sya pwedeng mangialam. Ang kasama ko Lang sa loob ay si Iryn na seryosong nakatingin Kay Virsavia. Si Virsavia na nakatungo lang at maga na Ang mga Mata dahil kanina pa sya iyak ng iyak at si Makoy na nakatungo lang at mukhang kinakabahan.

Katabi ko si Iryn at magkatabi naman sila Virsavia at Makoy. Ang tanging pagitan Lang sa aming apat ay isang malaki at mahabang lamesa at sa dulo ng lamesa ay naandon si Ms. Jayiko na busy kakatingin ng mga information SA aming apat.

"Iryn.. 17 years old. Micca.. 17 years old. Makoy.. 18 years old and Virsavia.. 17 years old." Huminto sya sandali saka nagpatuloy.

"Tsk. Tsk. Ang babata nyo pa pero Ang laking gulo ng pinasok nyo, Lalo na ikaw Virsavia.." baling nya Kay Virsavia na ngayon ay nakayuko pa rin at patuloy na humihikbi.

"At ikaw Makoy. Alam mo ba Kung bakit ka na ospital? Alam mo ba Kung bakit ka narito?"

"Opo Ms. Jayiko"

"Base on our investigation, three present students Ang Hindi nakapagboto nung nakaraang biyernes."

Tatlo?

"Si Mr. Ky Ian Garcia na nasa clinic dahil natagpuan na nakahandusay sa labas ng comport room ng mga panlalaki, si Ms. Belle Pezares at ikaw Mr. Makoy Ostellio."

Tinanggal nya Ang kanyang paningin sa hawak nyang

" Sabihin mo nga Mr. Ostellio. Anong kinalaman nyo ni Ms. Belle sa nangyari Kay Mr. Garcia? Ha Mr. Makoy?"

Hindi nakasagot si Makoy sa tanong ni Ms. Jayiko at lalo itong pinagpawisan at nanginig dahil siguro sa sobrang kaba.

"Ahm Ms. Jayiko.. naalala ko po nung biyernes ng umaga, kakarating lamang po namin nila Iryn, Jyzmin at Belle dito sa school ng biglang lumapit sa Amin si Ky Ian at marahas na hinila palayo sa amin si Belle." Mahinahong pakikipag-usap ko Kay Ms. Jayiko dahil parang wala namang balak na magsalita si Makoy.

Tell Me Why.Where stories live. Discover now