Chapter 15 - Mess

0 0 0
                                    

Belle's POV

Hindi ko Alam Kung ilang segundo pa bago unalis Ang dalawang Tao na nasa ibabaw ngayon ng kinalulubugan namin. Laking pasalamat ko talaga dahil 15 ft Ang lalim nitong swimming pool at nasa pinakailalim na kami ni Makoy dahilan para medyo Hindi kami Makita.

Nakatingin ako sa taas habang pinapakiramdaman ko Kung meron pa bang Tao sa taas.

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Makoy Ang kamay ko at pinisil iyon Kaya agad na napalingon ako sa kanya.

Nakita ko na kagat-kagat nya Ang labi nya at mukhang nahihirapan na sya.

Agad Kong hinila sya papalapit sa akin at hinawakan Ang magkabilaang balikat nya.

Ok Lang ba? Yan Ang gusto Kong itanong sa kanya pero paano?

Pinagmasdan ko Ang inosenteng itsura nito. Ang buhok nya na sumasabay sa agos NG tubig at Ang mata nya na parang Nakita ko na dati.

Hays.. tuloy, nagsisisi ako Kung bakit kami napunta rito.

Nanlaki Ang mata ko ng hinawakan nya Ang mga pisngi ko at inilapit nya Ang mukha nya sa akin.

Mahigpit na napahawak ako sa puting polo nya ng maramdaman ko Ang mga labi nyang nakalapat na sa mga labi ko.

Bigla akong napapikit dahil sa ginawa nya. Sobrang lalim ng pagkakadikit ng aming mga labi at namalayan ko na Lang Ang aking sarili na nakahiga na sa pinakasahig sa ilalim ng swimming pool.

May Kung ano SA dibdib ko na gustong kumawala. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para akong pinagpapawisan kahit na sa ilalim kami ngayon ng tubig.

Alam Kong Hindi halik Ang ginagawa nya. Kumukuha lamang sya ng kaunting hangin Mula sa aking baga. Pero iba Ang dating non sa akin.

Wala sa sarili na napahawak din ako sa mukha nya. Hindi na matino Ang utak ko. Kusang gumalaw na Ang mga labi ko  SA mga labi nya at binigyan sya ng malalim na halik.

Ano bang ginagawa ko?

Hindi naman sya humiwalay sa akin bagkus binitawan nya Ang pagkakahawak sa mukha ko at dahan-dahan na ibinaba nya Ang kanyang mga kamay SA aking bewang at mahigpit nya ako niyakap.

Ramdam ko ang pagkadikit ng aming katawan Kaya ipinalibot ko Ang aking mga braso sa kanyang leeg para mas lalo kaming magkadikit. Palalim ng palalim Ang paghalik ko SA kanya at Ganon Rin sya.

Wala na talaga SA katinuan Ang utak ko pati na Rin Ang puso ko.

Ano ba Ang nangyayari sa akin?

Maya-maya pa ay naramdaman ko Ang pagsara ng pinto dahilan para dahan-dahan ko imulat Ang aking mga Mata. Humiwalay na Rin Ang mga labi namin at tumama Ang mga Mata ko SA paningin nya.

Pinagmasdan ko Ang kilay nya na makapal na mas lalong nagpagwapo sa kanya,  hanggang sa mga Mata nya na kulay itim na itim na maipagkukumpara sa gabi at bumababa SA maputlang labi nya.

Hindi ako makagalaw, Hindi ko matanggal Ang paningin ko sa kanya. Masyado akong nabulag SA halik nya.

Hindi ko na namalayan na hinila na nya ako pataas habang nakapalibot pa Rin Ang mga braso nya SA aking bewang.

Habol namin Ang aming hininga ng makaahon na kami sa tubig. Pasimpleng humiwalay ako sa yakap nya at Dali-dali akong lumangoy pumunta sa bilog na bakal na hagdan at umahon roon.

Walang pasabi na lumabas ako sa lugar na yon.

Nababaliw na ko!

Kailangan ko munang mag-isa.

Tell Me Why.Where stories live. Discover now