Chapter 10 - Iryn Vs. Khristonie

2 2 0
                                    

Jyzmin's POV

"Halika Micca!! Tignan natin Ang result nung exam!!" Masayang Sabi ko Kay Micca. Eh pano! Pinapansin na nya kami kaninang umaga, I mean kaninang pagpasok namin.

Ngayon, nasa tapat na kami ng bulletin board dahil lumabas na Ang result!

Hila-hila ko si Micca habang hinahawi ko Ang mga istudyanteng nakaharang SA tapat ng bulletin board.

"Hanapin natin pangalan natin!" Malakas na Sabi ni Micca. Masyado kasing maingay Ang paligid nung makarating na kami SA tapat nitong board.

"Anong meron?!"

Napalingon kami NG marinig namin Ang Boses ni.

"Iryn!! Halika rito!!" Tawag ko sa kanya.

Agad naman syang lumapit at hinawi Rin Ang mga istudyanteng nakaharang SA Amin.

"Anong meron dito?! Bat Ang gulo?!" Malakas na sabi ni Iryn habang ang isang kamay nya ay nakatakip sa kabilang tenga nya.

Ngumiti ako." Nasaan si Belle?!" Tanong ko sa kanya. Mukha kaming tanga na nagsisigawan kahit magkaharap Lang  naman kami.

"Ewan ko don! "

"Geh! Hayaan mo na! Tignan nalang natin Ang result!"

Humarap na kami sa result ng final general examination day. Ang rank 10!

Itinapat ko Ang hintuturo ko Doon sa glass Kung saan nahaharapan nito Ang result.

"Rank 10... Mitch Lila - College student.. Oh! Anak ni Ma'am Lila!" Tugon ni Micca.

"Rank 9... Micca Manzanares.. Congratulations Micca!!!" Sabi ko sabay binigyan ko sya ng mahigpit na yakap!

"Good job!" Sabi ni Iryn Kay Micca. Binigyan Lang nya kami NG matamis na ngiti.

"Rank 8... Lana.. tsk! Di ko kilala next! Hmm rank 7... Ky Ian Garcia, Hoy Micca! Nataasan ka na ng future stepson mo! Hahaha!" Sabi ni Iryn.

Napalingon naman ako Kay Iryn dahil sa sinabi nya. "Ano daw?" Bulong ko Kay Micca.

"Wala! Hayaan mo na Yan!" Sagot Lang sakin ni Micca.

Ok.

Nagkibit balikat nalang ako sa kanila. Binalik ko Ang tingin ko sa bulletin board.

"Rank 6.. Daniel.. ha? Sino naman Yun.. ah! Nevermind! Next.. rank 5... Virsavia.." pabulong Kong Sabi.

So. Talagang matalino sya...

"Akalain mo nga naman.. nakapasok pa Ang baliw.. tsk." Inis na Sabi ni Iryn.

"Rank 4... Jyzmin.. OH!" Napatingin ako kay Micca dahil SA naging reaksyon nya.

Alam ko na Ang iniisip mo...

"Bumaba ka.." pagtatapos ni Iryn.

Yumuko ako ng marahan at saka hinarap sila sabay Ngiti.

"Hash.. ano ba kayo! Ok lang.. at saka isang rank Lang naman Ang binaba ko eh.. Kaya ok Lang." Sabi ko SA kanila.

Inakbayan Lang nila ako.

Actually, Wala naman akong paki Kung bumaba Ang rank ko. Tsk.

Pero.. inaamin ko na nalungkot ako.

Tell Me Why.Where stories live. Discover now