Chapter 19 - Doubt

0 0 0
                                    

Jyzmin's POV

Malapit na Sana ako sa office ni Dad na medyo malapit Lang sa faculty room nang mapahinto ako sa paglalakad.

Parang familiar Yung babaeng papalapit sa akin..

"Jyzmin!!" Tawag nya sa akin.

Teka.. Boses Yun ni Belle.

Wait. What?

"Belle! Anong ginagawa mo dito?!" Sermon ko sa kanya ng makalapit na sya sa akin.

"Ang tagal nyo kasing dumating. Teka, nasan sila Iryn?"

"Papunta pa lang ako sa kanila para sabihin na nagising ka na. Pero teka nga. Ok ka na ba?"

Paano sya nakarating dito? I mean.. sinong naghatid sa kanya rito. Wala syang tagabantay sa ospital at mas lalong Wala syang pera! at saka, saan sya nakakuha ng damit?

Ang dami ko pa sanang tanong sa kanya pero para syang nagmamadali na Ewan.

"Makakapaglakad ba ko Kung Hindi at saka sagutin mo na kaagad Ang tanong ko-- aray!" Napahawak sya sa benda sa kanya ulo.

Natataranta naman akong inalalayan sya.

Ok ba Yan?! Eh naaakit nga ulo nya!

"Bakit ka ba Kasi nagmamadaling pumunta rito eh Hindi ka pa pala ok! At saka paano ka napunta rito? Saan galing yang suot mo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya Kasi nalilito na talaga ako.

"Wala na tayong oras.. nasaan ba talaga sila Iryn?!" Nanghihinang tanong nya.

Kahit Hindi ko Alam Kung anong nangyayari ay sumagot nalang ako sa kanya.

"N-nandoon na sila kanina pa sa office ni Dad kasama si Virsavia para-"

"Dalhin mo ko don-" naputol ang sasabihin nya ng may biglang familiar na Boses Ang sumingit sa usapan naming dalawa.

"Dalhin mo kami don." Napalingon kaming dalawa ni Belle nang marinig iyon.

At ganon na lamang Ang gulat ko ng Makita ko si..

"V-versania???" Tanong ko sa kanya pero tinapunan nya Lang ako ng tingin.

"Bakit ka pa sumunod dito? Diba Sabi ko sa iyo, umuwi kana at ako na Ang bahala!" Napabalik Ang tingin ko Kay Belle.

"Ano?! A-ano ba talaga Ang nangyayari dito?! At saka bakit nandito Ang baliw na to?!" Tanong ko ulit dahilan para mapalingon silang dalawa sa akin.

"Wala na tayong oras!" Sabay na Sabi nila na naikinakunot ng aking noo.

"Dalhin mo na kami sa kanila. Ngayon na." Maawtoridad na utos sa akin ni Versania.

Naguguluhan man ay sumunod  nalang ako sa kanya.

Inalalayan ko si Belle na hanggang ngayon ay nanghihina parin. Maputla Ang kanyang balat at labi. Halata sa kanya na kakagaling palang nya sa ospital pero Hindi Yun Ang issue ngayon. Ang issue ngayon ay bakit magkasundo ngayon Ang magkaaway na Ito? At bakit nila sinasabi na Wala na daw oras?

Ano ba talaga Ang nangyayari?

Naguguluhan na ako!

Iryn's POV

Tell Me Why.Where stories live. Discover now