Chapter 12

0 0 0
                                    

Belle's POV

Kailangan ko makaisip NG paraan Kung paano ko makukuha ang loob ni Makoy, dahil malakas Ang kutob ko na may parte sya SA buhay ko o SA buhay ng mga kaibigan ko.

Bakit Wala syang place of birth sa birth certificate? At saka Wala ring nakalagay Kung ano Ang pangalan ng tatay nya. Ang tanging nakalagay lamang ay Ang pangalan ng kanyang Ina. Si Mariville Ostellio.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Iryn sa akin.

Nasa labas ako ngayon at nakasandal sa gate habang naninigarilyo.

"Gusto mo?" Alok ko sa kanya ng isang stick. Umiling Lang Ito Kaya ibinalik ko Ang aking tingin sa kawalan.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?"

"Sakto Lang"

"Tsk."

"Iryn.." tawag ko sa kanya. Siguro, kailangan ko ngayon ng isang advise ng kaibigan.

"Hm?"

"Sabi mo.. marunong makipaglaban si Makoy."

"Oh?"

"Base sa information na nakuha ko. Katulong Lang Ang nanay ni Makoy, paano sya natuto makipaglaban Kung Wala silang pera para makapag-enroll sa mga paaralang nagtuturo ng martial arts?"

Huminga Muna sya ng malalim bago nagsalita.

"Hindi ko Rin Alam Ang sagot dyan Belle.. tinanong ko na Rin sya tungkol dyan pero Wala daw syang Alam."

"At naniwala ka naman?"

"Oo, Dahil mukhang Hindi Rin nya Alam Kong paano nya natutunan makipaglaban."

Napahinto ako sa sinabi nya. "What do you mean?"

Huminga sya ng malalim at humarap sa akin. "Hindi nya kilala Ang sarili nya."

Wait, what?

"Teka.. bakit bigla ka naman nagkainteresado sa kanya?"

"Anong tingin Yan?" Kunot noo Kong tanong SA kanya dahil sa mga tingin nya na mapanukso.

"Hhmm... Don't tell me-"

"Wala akong gusto sa kanya." Putol SA sasabihin nya.

"Kahit?"

"Tsk. Look.. Wala pa SA isip ko Ang mga nasa isip mo. Ang goal ko.. mahanap Ang kapatid ni Jyzmin, mapalayas si Versania sa school at mahanap ko Kung Sino ang pumatay SA mga magulang ko." Malungkot na Saad ko.

Naramdaman ko naman Ang pagkapit nya SA aking balikat. "Isa-isahin mo Muna Kasi.. wag mong pagsabay-sabayin. Ikaw din!"

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi. Tama sya.. baka, mabaliw pa ko sa kakaisip ng solusyon sa problema ko.

"At saka.. naandito naman kami eh.. tutulungan ka namin. Sabihin mo Lang Kung anong problema Muna Ang una nating sosulusyunan."

Napaisip naman ako sa sinabi nya.. ano nga ba Ang uunahin ko?

Tell Me Why.Where stories live. Discover now