Chapter 20 - In Dean's office

0 0 0
                                    

Josh's POV

Kakatapos ko Lang magturo sa 4th year section A. Tulad nga ng mga bali-balita ay inaasahan ko nang Wala na naman si Belle. Pati na rin si Iryn at Micca.

Si Micca..

Naalala ko Ang batang iyon.

Masyado nya akong pinipilit na maging tutor nya para sa math. Ayaw ko man syang tanggihan pero masyado talaga akong busy sa pagiging daddy at pagiging subject teacher. Kahit tinanggihan ko na sya ay patuloy pa Rin sya sa pangungulit.

Pero Hindi ko magawang mainis, dahil Alam Kong ginagawa nya Lang Yun para sa grade nya, pero naandyan naman Ang mga kaibigan nya na matatalino. Si Jyzmin, si Iryn at pati narin si Belle na bagong rank 1 na dito sa Echaniz University at Hindi ko talaga inaasahan Yun. Nandyan Ang mga kaibigan ni Micca para tulungan sya, Kaya palaisipan sa akin na bakit sa akin kaagad sya humingi ng tulong eh meron naman syang mga kaibigan na matatalino? Oo, responsibility ko sya dahil istudyante ko sya pero responsibility din nya bilang istudyante na magreview ng mga itinuturo ng teacher nya sa gayon ay mas maintindihan at matutunan pa nya Ang mga itinuturo ko.

Hay... Kung magsasama si Micca at Ang anak ko na si Ian ay siguradong magkakasundo Ang dalawang iyon. Parehas makulit, parehas sakit sa ulo.

Ako nga pala si Yehoshua Garcia o mas kilala bilang Josh Garcia. 15 years na akong nagtratrabaho bilang math teacher dito sa Echaniz University Kaya Ang karamihan dito ay kilala na ako pero Ang halos kasabayan ko na nagtratrabaho dito at pinakaclose Kong kaibigan ay si Yira Madrid. Sya Ang adviser ng mga section A student.

Sa sobrang close namin ay lagi kaming tinutukso ng mga kapwa guro namin. Pero Wala eh, Wala akong nararamdamang special sa kanya kundi matalik na kaibigan Lang at saka kuntento na ako sa Kung anong meron ako ngayon. Ang anak ko Lang Ang nagpapasaya sa akin at Wala ng iba.

Papunta na ako sa faculty room nang mapatigil ako sa paglalakad.

Bakit may ambulansya at may mga pulis dito?

Anong meron?

Nagkalat din Ang mga istudyanteng nag-uusisa Kung ano ba Ang nangyayari Doon sa lugar na Yun.

Dala ng curiousness ay lumapit ako sa lugar Kung saan naandon Ang mga ambulance at mga pulis.

Nang makalapit ako ay rinig kaagad Ang ingay dahil sa mga bulu-bulungan sa paligid at kaguluhan ng mga Tao na parang Hindi Alam Ang gagawin.

Sa paglilibot ng aking paningin ay Nakita ko si Jyzmin kasama si Belle na may benda sa ulo at parang nahihilo.

Nakalabas na pala sya ng ospital. Teka, akala ko major injury Ang natamo nya eh bakit parang Ang bilis naman nya makalabas?

Nakita ko Rin si Makoy Ostellio na nakaupo Lang at tulala, pati na rin si Ms. Jayiko, Ang principal. Kinakausap sya ng mga pulis at mukha syang balisa.

Ano ba talaga Ang nangyayari?

Akala ko ba ay aayusin Lang nila Ang naging problema nung biyernes? Eh bakit may mga pulis na at Ang mas NaKakapagtaka eh bakit may ambulansya?

Hindi na ako nakatiis. Nakipagsiksikan na ako sa mga istudyante at pinilit na makarating Kay Ms. Jayiko.

"Ma'am! Ano po Ang nangyayari?" Tanong ko kaagad sa kanya ng makarating na ako sa kinaroroonan nya.

Kitang-kita Ang panginginig sa kanyang mga kamay. Sandali muna nya akong tinitigan na parang sinusuri Kung Sino ang kumausap sa kanya.

"S-s-sa office ng Dean.." natatakot na Sabi nya.

Tell Me Why.Where stories live. Discover now