Chapter 24 - This Feeling.

0 0 0
                                    

Iryn's POV

"Ibang klase ka talaga Belle.." hangang-hanga na sambit ko sa kanya.

"Tss.. Yan Ang tinatawag na two stone in one bird." Sabay kindat na Sabi nya.

"Baka Ang ibig mong sabihin ay hitting two birds in one stone." Kunot-noo Kong tanong sa kanya.

"Tss. Inulit mo Lang Yung sinabi ko eh.."

Nakalabas na kami ngayon ng room ni Virsavia at sabay na naglalakad papalayo sa lugar na Yun.

"Pero teka, ano ba kasing Plano Yung sinabi mo sa kanya."

Napatigil kami sa paglalakad. "Hindi mo ba narinig?"

"Paano ko maririnig eh binulong mo Kay Virsavia."

May palabas-labas pa sya Kay Makoy. Tss.

Napailing-iling sya sa sinabi ko at hinilot-hilot pa nga Ang sintido nya.

"Halika, panonoorin mo." Sabay hila nya sa akin.

Huminto kami sa di kalayuan sa pinto ng room ni Versania.

"Ano bang meron...?" Nababagot na tanong ko sa kanya.

"Basta..."

Hindi na ako nagtanong pa. Makalipas siguro ang 15 segundo ay may nagsidatingan na mga pulis. Bumati pa sila sa Amin bago pumasok sa room ni Versania. Pagkasara ng pinto ay Dali-dali akong hinila ni Belle sa tapat ng pinto at itinapat nya Ang tenga nya roon.

Ginaya ko sya. Itinapat ko din Ang tenga ko sa pinto at don, narinig ko Ang usapan.

"May mga gusto Lang kaming tanungin sa kapatid mo Ms. Virsavia Tollero."

"Ano po Yun.. tulog pa po Kasi Ang kapatid ko, baka pwedeng ako na Lang po Ang tanungin nyo?"

"Hhmm. Sige. Total, naandon ka Rin naman sa pangyayari.. isang tanong Lang naman Ito."

"Sige, ano po Yun?"

"Sino Ang gumawa nyan sa kakambal mo?"

"Po?"

"Yung Tama ng baril sa binti nya, Sino Ang may gawa.."

Biglang bumilis Ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. Mukhang naramdaman naman Ito ni Belle Kaya ngumiti sya at sumenyas ng "shhh, relax Lang."

Badtrip! Eh paano ako magrerelax nyan eh ako Ang may gawa non?!

"Ms. Virsavia Tollero, tinatanong ka po namin Kung Sino Ang may gawa nyan sa kakambal mo?"

May mga ilang segundo pa bago ulit may nagsalita.

"Aksidente po Kasi Ang nangyari... Hindi po Kasi marunong gumamit ng baril Ang kapatid ko Kaya sa Hindi sinasadya ay nabaril po nya Ang sariling binti." Tuloy-tuloy na pahayag ni Virsavia at mababakasan mo talaga sa Boses nya Ang walang kakaba-kabang pakiramdam.

"Ganon ba?"

"Opo."

"Kung gayon, aalis na kami. Salamat sa pakikipagkuoperasyon. Mauna na kami." Pagtatapos ng isang maskuladong Boses ng isang pulis.

Tell Me Why.Where stories live. Discover now