Chapter 5 - Phobia

5 2 0
                                    

Iryn's POV

11:30 AM

"Wait.. are you done?" Pigil sakin ni Micca.

Nasa cafeteria ako ngayon at kakatapos ko Lang kumain.

"Nagmamadali ako.. maiwan ko na kayo." Agad Kong isinabit sa aking balikat Ang black shoulder bag ko at nagmadaling iwan sila.

"W-wait!" Pahabol pa ni Micca.

Naramdaman ko naman Ang pagsunod sakin ni Micca at Jyzmin.

Agad akong pumunta sa faculty room Kung saan gaganapin Ang meeting NG mga teacher at lahat ng dating student council nung nakaraang taon Kung kaya't naiwan si Belle SA cafeteria mag-isa. Tulad ng kahapon, nagpaiwan sa classroom si Makoy. Siguro.. ayaw nya kami kasama.

Halos lakad takbo na Ang ginawa namin. Malayo Kasi Ang faculty room sa cafeteria at kailangan pa namin dumaan sa track-and-field bago kami tuluyang makapasok sa another building. Na Kung saan.. nandoon Ang library at syempre.. ang faculty room.

Actually, paglumagpas ka na sa faculty room, madadaanan Ang dance studio na  Kung saan, Doon nagprapractice Ang mga dancer na student tulad namin nila Micca, Jyzmin at ako para sa mga event na ginaganap dito sa paaralan. At Ang kasunod na non ay Ang gate.

Tagaktak Ang pawis namin sa noo dahil sa sobrang init. Nang makarating na kami SA faculty room ay naghintay pa kami ng ilang minuto para sa Hindi pa dumarating. Nang makompleto na Ang lahat, saka na nagumpisa ng discussion about sa darating na general examination day at election student council week.

Nang matapos Ang meeting ay agad na kaming lumabas. Sinabi sa Amin na simula ngayon ay tatanggalan na kami ng pwesto bilang student council. Dahil sa darating na ESCW ay magkakaroon na NG bagong mga miyembro o bagong mga student council ng University of Don Echaniz.

Sa ngayon ay normal students muna kami nila Micca at Jyzmin.

Tumingin ako sa wrist watch ko.

12:40 PM

"Iryn.. look oh.." turo ni Micca sa mga nagkukumpulang mga istudyante sa quadrangle nang mapadaan kami.

Ang init nilang tignan dahil sa yellow blazer school uniform namin na tinernuhan ng black plain miniskirt.

"Ang init ng sikat ng araw tapos nagkokompulan pa sila quadrangle.. gosh.. Hindi kaya ma-heat stroke sila nyan." Tugon ni Micca.

Tama sya. Sobrang init ng panahon ngayon Kaya, napakaimposible na pumunta sila Doon ng walang dahilan.

Sinong tanga Ang gugustuhing mabilad?

Masama Ang kutob ko rito.

Hindi na ko nagdalawang isip na pumunta roon.

"Iryn! Hayaan mo na sila!" - Jyzmin

"Masyadong mainit baka umitim ka!" - Micca.

Sigaw nilang dalawa. Pero Hindi ko manlang sila nilingon dahil malakas talaga Ang kutob ko na may Hindi magandang nangyayari Doon.

Wala man Lang malamig na hangin na dumapo sa aking balat at tanging matinding init ng sikat ng araw na mahapdi sa Mata at balat Ang sumalubong sa akin pagkarating ko sa medyo gitnang bahagi ng quadrangle.

Nang makarating na ako sa gitna. Nakita ko si..

Sinasabi ko na nga ba...

Kalmadong nakatayo lang si Belle sa harapan ni Virsavia na tila galit na galit at may hawak pa itong racket sa kanang kamay.

Tell Me Why.Where stories live. Discover now