Chapter 21 - Multo & Kapre

0 0 0
                                    

Jyzmin's POV

Umalis na Ang ambulance at mga pulis pagkatapos nilang dagipin si Virsavia o Versania... Ahh Ewan Basta Yung dalawa! Dahil Wala naman akong kinalaman sa nangyari ay naiwan ako dito sa school. Bumalik sa normal Ang lahat simula nung umalis sila.

Nakakalungkot.. naiwan na naman ako mag-isa. Si Belle ay pinabalik sa ospital dahil sa injury nya sa ulo tapos si Sir Garcia naman ay nasa prisinto, iniimbistigahan kasama si Iryn at Yung magkakambal habang si Micca naman ay nasa ospital din kasama si Makoy.

Oo nga! Si Micca... Sinong magbabantay sa kanya doon sa ospital?

"Eh Kung puntahan ko Kaya..?" Mahinang bulong ko sa sarili ko.

Tama!

Agad akong tumakbo papuntang classroom at Kinuha Ang bag ko. Buti nalang at lunch time na, walang makakapansin sa akin.

Sandali akong napatigil sa pagtakbo ng may maalala ako.

Kailangan ko magplano.

Kung sa front gate ako dadaan... Siguradong Hindi ako papalabasin ng guard..

'eh ano naman! Ikaw naman may ari ng school!' Sabi ng utak ko.

Oo nga no.. ay Mali mali!! Hindi ko pwede gamitin Ang antas na meroon ako. Unfair Yun sa iba.

Inilibot ko Ang aking paningin sa paligid.

Eh Kung sa likod Kaya ako dumaan kaso walang gate don! Kailangan ko tumawid sa pader...

Huhuhuhu eh Kung mag-aral na Lang Kaya ako at hayaan si Micca sa ospital?

'ang sama mo!'

Aishh!! Sige na sige na!

Nakapagdesisyon na ako! Sa likod ako dadaan!

Kaya naman ay Dali-dali akong tumakbo papunta roon.

Habol-habol ko Ang aking hininga nang makarating sa pinakalikuran ng school.

Kung pagmamasdan ang paligid, nakakatakot itong tignan. Tahimik at  malamig. Sa likuran ko ay isang mahabang silid na Kung saan Doon inilalagay Ang mga sirang gamit. Doon din kaming apat madalas pumunta kapag may mahahalaga kaming pag-uusapan. Perfect Ang lugar na Yun dahil Wala talagang makakarinig sa inyo kapag nag-uusap kayo Doon at walang mga istudyanteng dumaan dahil nga mukhang nakakatakot Ang paligid. Mala-horror movie Ang datingan.

So back to the main reason Kung bakit ako naandito.

Nakatingin ako ngayon sa Hindi kataasan na pader. Mga kasing taas siguro ng dalawang Micca na pinagpatong. Tumingala ako para mas pagmasdan pa Ang kalawakan ng pader. Tanging mga halaman, magagandang mga bulaklak, mga malaking puno at mga naglalakihang bato Ang meron sa paligid.

Lumapit ako sa malaking bato na nakadikit sa pader at nagsimulang umakyat roon.

Kulang pa.

Hindi ko pa abot Ang pinakatas ng pader.

Humawak naman ako sa malaking puno na katabi ko. Sobrang laki ng puno, sa sobrang laki, lumagpas na Ang mga malalaking sanga nito sa likod ng pader.

Hhmmm...

Napatango-tango at napangiti ako sa naisip ko.

Sisimulan ko na Sana Ang pag-akyat sa puno ng may marinig akong kaluskos.

Tell Me Why.Where stories live. Discover now