“ARCHER’S DOWN! Kailangan namin ng back up!” narinig ni Zai na sigaw ng kasamahan niyang si Charity na kasama naman ang leader nila na si Archer sa loob ng villa.
Shit! Nabaril ang leader nila. Mula sa pag-assist kina Hunter at Earl ay in-adjust niya ang position ng hawak na riffle sa nakabukas na French door ng second floor ng villa. Nakadapa siya sa damuhan na napapaligiran ng nagtataasang puno dalawandaang metro ang layo mula sa villa.
Pilit niyang kinalma ang sarili, alam niyang seryoso ang lagay ni Archer base na rin sa panic sa boses ni Charity. They were trained to keep their cool on this situation, pero ibang usapan na kapag isa sa mga kasama nila ang casualty.
Sumilip si Zai sa scope ng riffle at inasinta ang loob ng isang kuwarto kung nasaan ngayon sina Archer at Charity. Ang mga ito ang in-charge sa pagkuha ng papeles na ebidensiya laban sa kay Ronnie Zamora na siyang target nila sa misyong iyon. Nagkataong nasa villa rin ang anak ni Ronnie na si Louie at hindi naiwasan na magkaroon ng engkuwentro sa pagitan nila at ng mga tauhan nito. Ayon sa impormasyong nakuha nila ay konektado rin si Louie sa drug business ng ama nito.
Zai is a member of VIGILANTES. Isa iyong sikretong grupo na ang pangunahing misyon ay ang siguraduhin na mapaparusahan ang mga kriminal. Kadalasan ng mga misyon nila ay may kinalaman sa mga kriminal na kung hindi maimpluwensiyang mga tao ay ginagamit ang pera para takasan ang mga kasalanan. Kumukuha sila ng mga sapat na impormasyon at ibinibigay iyon sa kinauukulan.
Ramdam ni Zai ang mabilis na tibok ng puso niya at ang pagdaloy ng dugo sa ugat niya. Pati na rin ang paggguhit ng pawis niya mula sa noo hanggang leeg. Nagconcentrate siya at inalis sa isip ang mga putok ng baril sa background. She took a deep breath to calm her self. When her target came on her sight, she fired.
Kitang-kita niya ang pagbagsak ni Louie Zamora. Hindi sila nananakit ng ibang tao kung hindi naman kinakailangan. Puwera na lang sa mga pagkakataong buhay na nila ang nakataya. Hindi na niya kailangan pang makita ng malapitan pero nasisiguro niyang tumama ang bala niya sa pagitan ng mga kilay nito.
Nagpakawala si Zai nang malalim na hininga bago muling ibaling ang atensiyon niya sa paligid. Isa sa trabaho niya ang siguraduhin na wala ng natitirang tauhan si Ronnie Zamora na magiging banta sa mga kasamahan niya. “Clear,” bulong niya. Mula sa scope ng riffle ay kitang-kita niya ang magkasunod na pagpasok nina Hunter at Earl sa loob ng villa. Zai remained on her position looking for something that may be amiss or looking for any threaths.
Matapos ang halos limang minuto ay nakita niya ang mga kasama na tumatakbo papunta sa gawi niya. Mabilis siyang tumayo at sumunod sa mga ito. Kahit na sabihing bagsak na ang lahat ng tauhan ni Ronnie Zamora ay ayaw pa rin nilang pakasiguro kaya naman nananatili silang nakaalerto hanggang sa marating nila ang service van na nakaparada ilang daang metro ang layo mula sa dulong property ng mga Zamora. Mabilis niyang isinakay sa likod ng van si Archer kasunod siya at si Charity.
Silang dalawa ang trained medics ng grupo.“How is he?” tanong niya kay Charity habang dinadama ang pulso sa leeg ni Archer. Wala itong malay pero ipinagpasalamat ni Zai na buhay pa rin ito.
“Maraming dugo ang nawala sa kanya,” sagot ni Charity na kasalukuyang binibigyan ng pressure ang dibdib ni Archer kung saan ito nabaril.
Matapos ang dalawampung minuto ay nakarating sila sa mansiyon ng benefactor ng VIGILANTES na si Almario Trinidad. Mayroong isang kuwarto sa mansiyon kung saan kumpleto ang medical equipments na kakailanganin nila kapag nagkaroon ng emergency sa mga misyon nila. Nagkataon na nagkaroon ng biglaang emergency ang doctor na kakilala nila kaya kailangan pa nilang papuntahin doon si Fei- isang doctor at ang espesyal na babae sa puso ni Archer para lang gamutin ito.
BINABASA MO ANG
VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPER
RomanceIsa sa trabaho ni Zai bilang miyembro ng VIGILANTE ay ang siguraduhin na ligtas ang mga kasama niya. As the sniper, she had to be calm and patient. Pero hindi siya naging handa sa biglang pagsulpot ni Claude sa buhay niya. Ginulo ng lalaki ang nana...