CHAPTER 11

949 54 9
                                    

This chapter is dedicated to QueenSuarez7

“CLAUD?” hindi makapaniwalang bulalas ni Zai nang makita ang lalaki na mukhang naghihintay sa kanya sa labas ng Sweet Pages. Pasado alas siyete pa lang ng umaga.

“Hi!” ganting bati nito. He looked tired. Suot pa rin nito ang damit kanina nang makaengkuwentro niya ito kaya malamang na wala pa rin itong tulog.

“Ang aga mo yata? Wala ka bang trabaho?” kaswal na tanong niya rito. “At ano ang nangyari sa mukha mo?” Mabilis niya itong nilapitan. Nakaramdam ng guilt si Zai nang makita ang injury ni Claud na siya ang may gawa.

“Galing ako ng trabaho. Nagkaroon lang ng kaunting problema kaya ganito ang hitsura ko,” nakangiting sabi nito.

Parang may pumiga sa puso ni Zai lalo na at alam niyang siya ang dahilan kung bakit nasaktan si Claud. “Nagpahinga ka na lang sana sa inyo, Claud.”

Nagkibit-balikat lang ito na parang wala lang para rito ang bumiyahe kahit na mukhang pagod at puyat ito. “I just had this strong urge to see you.”

Nagpakawala nang malalim na hininga si Zai. “Ang mabuti pa, pumasok na tayo sa loob. May couch sa opisina ko sa likod. Kung gusto mo doon ka na magpahinga para hindi ka na maistorbo ng mga customers na pupunta rito sa store.”

Umaliwalas ang hitsura nito at gumuhit ang isang ngiti sa labi nito. “I like you worrying about me.”

Napailing na lang siya para pagtakpan ang nagwawalang tibok ng puso niya. Nakasunod ito sa kanya hanggang makapasok siya sa opisina. Umupo si Claud at pagod na isinandal ang likod sa may backrest ng couch.

“Ibibili kita ng kape,” ani Zai.
Pero bago pa man siya makalayo ay pinigilan na ni Claud ang kamay niya. Napasinghap siya nang maramdaman ang init ng palad nito. Pinigilan niya ang mapangiwi nang maramdaman ang kirot sa parteng iyon ng kamay niya. Nakasuot siya ng long sleeved blouse kaya natakpan ang pasa sa kamay niya dahil sa pagsipa nito sa kanya kaninang madaling araw. Kahit ang nangingitim niyang pisngi ay tinakpan niya ng concealer.

“Please stay.” Tinapik nito ang coffe table sa tapat nito. “Umupo ka rito.”

Umupo si Zai sa may coffee table. “So, anong nangyari, Claud?” tanong niya rito para maalis sa isip na isang dangkal lang ang pagitan ng mga tuhod nila.

“Nasa trabaho ako noong naka-encounter ako ng isang Vigilante.”

Napasinghap si Zai. Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil kahit sa pandinig niya ay nagmukha iyong totoo. “What? Iyong Vigilante na ibinabalita nila sa TV? Kaya ba may mga pasa ka sa mukha? Are you okay. Claud?”

Tumango ito. “I’m fine. Well bukod sa mga pasa ay wala naman daw akong malalang injury sabi ng doctor. Pagkagising ko kanina bigla akong napaisip. Paano kung namatay ako kagabi at hindi na kita makita? Kaya pagkagaling ko sa ospital ay pinuntahan kaagad kita rito.”

“Do you hate them?” mahinang tanong niya rito.

Mariin niyang nakagat ang ibabang labi nang magtagis ang bagang ng lalaki. “Those people who claimed to be Vigilantes are dangerous. They are murderers. Pumapatay sila ng mga walang kinalaman na tao.” Nakaramdam ng sakit sa dibdib si Zai nang marinig ang sinabi ni Claud.

VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon