MA: So, ayun hindi na ako nakatiis. Ipopost ko muna ang unang part ng Chapter 9 then after ko iedit yung kalahati naman. Ewan ko ba hindi na ako makapaghintay kasi excited na akong mabasa ninyo ang part na ito. Sa totoo lang hindi maalis-alis ang ngiti ko habang i.-edit ang part na ito. Sana magustuhan din ninyo. :* Stay safe!
💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖ZAI FELT refreshed after sleeping for ten hours straight. Pagtingin niya sa cellphone ay pasado alas dos na ng hapon. Kaya naman pala nagrereklamo na ang sikmura niya.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Zai nang makita ang mga messages ni Claud.
Claud: Naglalakad tayo ng biglang may nakasalubong tayong Devil at kukunin daw niya ang isa sa atin! Niyakap kita nang mahigpit sabay sabing ‘handa na po siya! Go friend! Mamimiss kita! Ingat ka!’
Claud: Ang buhay ay mahirap at puno ng lumbay at pagsubok. Pero kapag ikaw ay nadapa, bumangon ka at buong tapang mong sabihin… ‘Sino ba tumulak sa akin?! Patay ka kapag nalaman ko!’Hindi mapigilang matawa ni Zai matapos basahin ang mga messages ni Claud. His messages are becoming the highlight of her day. Nang muling tumunog ang tiyan niya ay nagpasya siyang magpunta nang kusina, para lang manlumo nang makitang puro tubig lang ang laman ng ref niya. Mukhang kailangan niyang mag-grocery. Pagkatapos pakainin ang mga alaga niya ay naligo si Zai bago lumabas.
Pagbukas niya nang gate ay napansin niya ang isang babae na sa tingin niya ay nasa fifties na pinupulot ang ilang mga gulay na nasa buhangin. Mukhang nabutas ang dala-dala nitong plastic bags.
Mabilis niya itong nilapitan at tinulungan itong magpulot ng mga gulay at kung ano-ano pa. Mabuti na lang at dala-dala niya ang eco bag.
Nakangiti siya nitong nilingon. “Maraming salamat, hija. Biglang nabutas ang plastic bag na dala ko.”Gumanti nang ngiti si Zai. “Wala pong anuman. Tutulungan ko na po kayo,” aniya nang mailagay nila ang lahat ng mga pinamili nito sa eco bag.
“Maraming salamat, hija.” Ilang beses siyang napakurap nang dumeretso ito sa bahay ni Claud. Walang salitang sumunod siya rito hanggang sa umabot sila sa kusina ng lalaki.
“Ako nga pala si Clarita, ang mama ni Claud. Tita Clarita na lang ang itawag mo sa akin.”
Mabilis niyang tinanggap ang kamay nito. “Zai po.”
Hindi alam ni Zai kung guni-guni lang ba niya pero parang nagningning ang mga mata nito. “Maraming salamat ulit sa pagtulong sa akin, Zai.”
“Walang anuman po. Sige po mauna na po ako.” Pero bago pa man siya makaalis ay bigla namang tumunog ang tiyan niya. Pakiramdam ni Zai ay namula ang buong mukha niya sa pagkapahiya.
“Naglunch ka na ba, hija?” tanong ni Tita Clarita.
Muli niya itong nilingon at alanganing ngumiti. “Actually papunta pa lang po ako sa grocery.”
She waved her hand. “Naku, ang mabuti pa ay maupo ka na muna, Zai. Ipaghahanda kita kahit sandwich muna habang nagluluto ako ng palabok. Para naman mapasalamatan kita sa pagtulong mo sa akin”
Magpoprotesta pa sana siya pero muling nag-ingay ang tiyan niya. Wala na siyang nagawa kundi ang umupo sa tapat ng dining table.Mabilis niyang iginala ang tingin sa kabuuan ng kusina. In fairness malinis iyon at hindi aakalaing isang lalaki ang nakatira roon. Hindi naman nagtagal ay inilapag ni Tita Clarita ang sandwich sa harap niya.
“May maitutulong po ba ako sa inyo?” tanong niya matapos kumain.
Malapad itong ngumiti. “Kung okay lang sa iyo na pakigawa ang mango grahams? Favorite kasi yan ni Claud.”
Kinuha ni Zai ang mga gagamitin at sinimulang magtrabaho. “So, Zai. Gaano ka na katagal sa lugar na ito?”“Five years na po.”
“So, kumusta naman kayo ni Claud? I mean bilang magkapit-bahay? Hindi ka ba niya kinukulit?” sunud-sunod na tanong nito.
Napangiti si Zai nang maalala ang pangungulit ni Claud sa kanya pati na ang mga corny na text messages nito. “Medyo makulit nga po siya.”
Malakas itong natawa. “Nakuha niya iyon sa papa niya, sa tingin ko part na iyon ng charm nila.” Natawa siya nang maalala ang sinabi noon ni Claud.
“Nasa trabaho pa rin po ba si Claud?”
“Sa tingin ko natutulog pa ang isang iyon. Actually hindi niya alam na pupunta kami rito ng papa niya para isurprise siya,” she gave her a conspirational wink. “Gusto naming icelebrate ng papa niya ang birthday niya at ang paglipat niya rito.”
Natigil si Zai sa ginagawa at hindi makapaniwalang napatingin dito. “Birthday po ni Claud?”
“Ma?”
Napaawang ang mga labi ni Zai nang makita si Claud na pumasok sa kusina an boxers lang ang suot. Kinukusot nito ang mga mata na halos nakapikit pa at nakataas dina ng buhok na halatang galing pa sa kama.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang malapad nitong dibdib at ang flat nitong tiyan. Hindi pa nakuntento ay kinamot ni Claud ang tiyan. Napahigpit ang hawak niya sa graham crackers at naramdaman niya ang pagkadurog ng mga iyon. She saw Archer, Hunter and Earl almost naked pero bakit iba ang reaksiyon ng katawan niya sa lalaking nasa harap?
“Claud!” hindi mapigilang bulalas ni Tita Clarita. “Nakakahiya sa bisita natin, bakit ganyan ang hitsura mo?”
“Bisita?” inaantok pa ring sabi nito at lumingon sa kanya. Ilang segundo itong nanatiling nakatingin sa kanya na parang pinoproseso kung sino siya.
Itinaas niya ang kamay. “Hello, Claud.” Mariing nakagat ni Zai ang ibabang labi para pigilan ang sarili na matawa nang malakas nang manlaki ang mata ni Claud. Narealize siguro nito na nandoon siya.“Zai?” gulat na sabi nito. “How?” marahas nitong naisuklaya ng daliri sa buhok. “Ano ang ginagawa mo rito?”
“Claud!” nakapamaywang na sabi ni Tita Clarita. “Tinulungan niya ako kanina kaya inimbitahan ko siya rito, at please lang, magbihis ka nga.”
Napatingin si Claud sa hitsura nito at nakita niya ang pamumula ng mukha at tainga nito ng marealize sigurong boxers lang ang suot nito. Mabilis nitong tinakpan ng magkabilang kamay ang pagitan ng mga hita nito at nagmamadaling tumakbo paalis ng kusina. Dinig na dinig pa nila ang bawat hakbang nito sa hagdan.
“Sorry, Zai. Minsan hindi ko alam kung tama ba ang pagpapalaki ko sa batang iyon,” naiiling na sabi nito. Hindi na napigilan ni Zai ang sarili at napabunghalit na siya ng tawa.
-tbc-
BINABASA MO ANG
VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPER
RomanceIsa sa trabaho ni Zai bilang miyembro ng VIGILANTE ay ang siguraduhin na ligtas ang mga kasama niya. As the sniper, she had to be calm and patient. Pero hindi siya naging handa sa biglang pagsulpot ni Claude sa buhay niya. Ginulo ng lalaki ang nana...