Ace: maraming salamat po sa mga nag-aabang sa every update ng story nina Claud at Zai. :* ito na po ang bagong chapter. Enjoy reading!!!
---------------------------------------
NAHILOT NI Zai ang sentido nang mapansin na flat ang isang gulong ng sasakyan niya. Hindi niya iyon napansin kahapon pag-uwi niya.
Wala na siyang oras para palitan iyon dahil kailangan niyang magpunta sa bookstore para kunin ang mga librong ibebenta nila sa isang unibersidad para sa National Reading Month celebration ng mga ito, at nagpaalam si Ariane na malelate dahil kailangan nitong ipa-check up ang ina.
Wala ng choice si Zai kundi ang mag-GRAB. Pagbukas niya ng gate ay napansin niya ang pagbaba ni Claud para naman buksan ang gate ng bahay nito. Mukhang kadarating lang nito galing trabaho dahil nakasuot pa ito ng itim na long sleeves polo na nakarolyo hanggang braso ang manggas, gray na slacks at itim ring leather shoes. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ito na ganoon ang suot and he looked good.
Tsaka lang niya naalala na nasa labas siya ng gate at parang estatwa na nanatiling nakatitig sa lalaki. Bago pa man niya maalis ang tingin dito ay lumingon ito sa direksiyon niya. Lumapad ang pagkakangiti nito ng makita siya. "Hello, Zai, good morning!" bati nito na lumapit sa kanya.
"Hello, Claud." Sana lang ay hindi nito napansin ang pamumula ng mukha niya.
"Papasok ka na? Nasaan ang sasakyan mo?"
"Hindi ko napansin na flat ang gulong kahapon pag-uwi ko. May importante lang akong kailangang gawin sa shop." Napatingin siya sa wrist watch at nagpakawala nang malalim na hininga nang makitang malelate na siya. Hindi pa pala siya nakakapagbook ng GRAB.
"Halika na ihahatid na kita."
"Hindi na kailangan, Claud. Mukhang kadarating mo lang galing trabaho kaya alam kong pagod ka na. Mag-GRAB na lang ako."
Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib habang seryosong nakatingin sa kanya. "C'mon, Zai ihahatid na kita, at huwag kang mag-alala dahil hindi naman abala sa akin ang ihatid ka sa shop mo."
"May nakapagsabi na ba sa iyo na ang kulit mo?"
Imbis na ma-offend ay mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti nito na para bang pinuri niya ito. "It's actually part of my charm."
Napailing na lang si Zai habang pasakay sa sasakyan ni Claud.
"Maaga ka yatang magbubukas ng bookstore mo ngayon?" basag nito sa katahimikan habang nagdadrive.
"Kailangan kong kunin ang mga stocks na ibebenta naming sa isang university malapit sa bookstore. Kasama kasi kami sa in-invite nila para sa National Reading Month Celebration nila."
"Gaano na katagal ang bookstore mo?" puno ng interes na tanong nito.
"Five years na actually."
Napasipol ito. "Impressive. I'm just curious kung ano ang dahilan bakit naisipan mong magtayo ng bookstore?"
"Bata pa lang ako, hilig ko na ang pagbabasa ng mga libro. It's just amazing how you can go to many places and experience different things just by reading. Pansamantala mo ring nakakalimutan ang mga problema mo kapag nagbabasa." Natigilan siya nang marealize na nagiging madaldal na siya. Tumikim siya nang maramdaman ang pag-iinit ng mukha. "Sorry. Pagdating sa mga libro hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Bukod sa pagiging miyembro ng VIGILANTE ay may kanya-kanya silang pinagkaabalahan. Si Archer ay may-ari ng isang restaurant, si Earl ay busy sa stock market, si Charity ay isang jewelry designer. Nagmamay-ari naman ng gym si Hunter habang si Marjayrie ay abala sa computers nito at sa ilang businesses na iniwan ng mga magulang nito nang mamatay.
BINABASA MO ANG
VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPER
RomanceIsa sa trabaho ni Zai bilang miyembro ng VIGILANTE ay ang siguraduhin na ligtas ang mga kasama niya. As the sniper, she had to be calm and patient. Pero hindi siya naging handa sa biglang pagsulpot ni Claude sa buhay niya. Ginulo ng lalaki ang nana...