CHAPTER 4

1K 52 16
                                    

“ZAI, there was a hit on your records.”

Napatuwid nang upo si Zai nang marinig ang sinabi ni Marjayrie. Maging ang mga kasama nila sa conference table ay naging alerto. Kasalukuyang nagaganap ang meeting nila sa may 20th floor ng isang building na pag-aari ng kasama nilang si Marjayrie. Mahigpit ang security sa building na iyon kaya doon nila napagdesisyunang ilagay ang headquarters ng VIGILANTES.

Okupado nila ang buong 20th floor. Kadalasan ay madaling araw sila nagpupunta para sa meeting nila para walang makakita sa kanila. Dahil sikreto ang grupo nila, hindi puwedeng malaman ng kahit na sino ang ugnayan nilang anim.

May isang malaking monitor sa may harapan ng conference table at may katabi iyong isang white board kung saan may mga nakasulat na pangalan at nakadikit na mga pictures ng mga targets nila.

“What do you mean there’s a hit?” kunot-noong tanong ni Earl.

“May nagprompt sa akin na mayroong naghanap ng records ni Zai sa database ng NBI.”

Malakas ang pakiramdam ni Zai kung sino ang tinutukoy ni Marjay.

“Nalaman mo ba kung sino?” tanong ni Hunter.

“Ivan Ortega and upon tracing, I found out that he is also from the NBI. Pamilyar ba sa iyo ang pangalan niya?”

Nahilot ni Zai ang sentido nang marinig ang pangalang binanggit nito. “Yes. Nakita ko siya sa firing range kahapon.” Gustong pagsisihan ni Zai kung bakit pinatulan niya ang paghahamon ng lalaki.

“Ito ang unang beses na may naghanap ng anumang impormasyon sa mga records natin kaya kailangan natin ng dobleng ingat,” paalala ni Marjayrie.

“Just be careful, Zai,” dagdag pa ni Charity. “Mainit ang mga mata ng mga tao sa grupo natin ngayon. Delikado para sa iyo na may mga tumitingin sa records mo. Lalo na at pinagbibintangan din tayo na pumapatay ng mga criminal.”

Nagpakawala nang malalim na hininga si Zai. Their group will never hurt anyone intentionally, kahit na mga criminal pa. Puwera na lang kung wala na silang mapagpipilian o kung nakasalalay na ang mismong buhay nila. Dahil para sa kanila mas gusto nilang pinagdudusahan ng mga kriminal ang mga kasalanan ng mga ito.

“Don’t worry, kaya ko ang sarili ko,” aniya sa mga ito. “I will be more careful, promise.”

Malakas ang kutob niya na si Claud ang nasa likod ng paghahanap sa record niya. She knew he was trouble. Hindi na ulit siya babalik sa firing range na iyon kaya nasisiguro ni Zai na hindi na magkrus ulit ang landas nilang dalawa ni Claud, but she was in for a big surprise.

PALABAS na ng simbahan si Claud nang makita niya ang babaeng nasa may pinakadulong pew na nakaluhod at taimtim na nagdarasal. Napahinto siya at hindi maalis-alis ang tingin dito. Nakaramdam ng excitement si Claud nang masigurong si Zai nga ang nakikita niya.

Parang may sariling isip ang mga paa niyang lumapit sa babae. She must’ve sensed his presence because she opened her eyes, and when their eyes met, he was lost.

Natauhan lang si Claud nang may makasagi sa balikat niya. Tumikhim siya at lumapit kay Zai. Umalis ito sa pagkakaluhod at umupo. Ang puwestong iyon ang madalas niyang puwesto kapag nagpupunta siya roon. Pero sa araw na iyon ay saglit siyang napunta sa may altar at pagbalik niya ay nakita niya si Zai na nakaupo roon. Was this a coincidence?

“Hi, Zai! Hindi ko akalain na makikita kita rito,” nakangiting sabi ni Claud sa babae.

Hindi maipaliwanag ni Claud pero parang hinuhukay ang sikmura niya sa sobrang kaba. Damn ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganito. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. “I’m sorry, ako nga pala si Claud. Nagkakilala tayo sa shooting range noong isang linggo.”

VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon