CHAPTER 17 (ang wakas...)

1.3K 70 20
                                    

Ace: nagulat kayo no? ^_^ nag-eedit kasi ako nung nabasa ko ang ilang comments na nagrerequest ng updates, at dahil natapos ko rin siya, heto na po ang last Chapter ng Vigilantes Book 2: Zai.

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa story nina Zai at Claud mula pa noong una ko siyang pinost. :) sorry at medyo mabagal ang update. :) Kaya salamat sa matiyagang paghihintay.

Actually, pagkatapos kong basahin ulit ang Chapter 15, bigla akong na-guilty kung bakit ko sinaktan ng bongga si Claud. Di bale babawi naman ako sa kanya. :)

Sana po ay magustuhan ninyo ang chapter na ito. At sana rin ay suportahan din ninyo ang mga susunod pang stories ng iba pang VIGILANTES.

Enjoy reading!!!!

*power hug!*

------------------------------------------------------------


"SIGURADO ka na ba, Claud?" kinakabahang tanong ni Zai kay Claud nang iparada nito ang sasakyan sa likod ng building ng gym na pagmamay-ari ni Hunter kung saan sila nagpapark.

Nakangiting lumingon ito sa kanya at ginagap ang mga kamay niya at marahan iyong pinisil. "Zai, don't worry. Wala akong balak tumakbo. Now let's go so I can meet your family."

Hindi niya mapigilang ngumiti in Zai dahil sa sinabi ni Claud. Bumaba ito ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto at inilahad ang kamay sa kanya para alalayan siyang bumaba ng sasakyan. Kapag kasama niya si Claud ay nararamdaman niyang babae siya dahil para siyang isang babasaging kristal kung ituring nito.

Napansin ni Zai ang sasakyan ng mga kasama niya sa may parking lot. Parang tinatambol ang dibdib niya habang naglalakad sila papasok. Bigla niyang naalala ang huling meeting nila at ang dahilan kung bakit kasama niya roon si Claud.

Katatapos lang ng meeting nila nang tumikhim si Zai para kunin ang atensiyon ng mga kasamahan. Parang iisang tao na natahimik ang mga ito at napalingon sa kanya.

"May gusto akong sabihin sa inyong lahat."

Hindi alam ni Zai kung bakit parang tatalon ang puso niya sa sobrang kaba. Iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng nerbiyos sa harap ng mga kasama.

"I just want to inform you that Claud and I are a couple."

Daig pa niya ang bibitayin habang hinihintay ang sasabihin ng mga ito.

"Paano kung magkaroon ulit tayo ng engkuwentro sa grupo nila? Who would you choose?" natigilan siya sa tanong ni Hunter.

Mariin niyang naikuyom ang mga palad. "I'll just cross the bridge when I get there, but rest assured that I will always choose the right thing."

Tumikhim si Archer at seryosong tumingin sa kanya. "Do you think he's worth it?"

"Yes. He loves me and he never fails to make me feel that I am special. Marami akong naging kasalanan sa kanya pero tinanggap pa rin niya ang pagkatao ko." Hindi niya mapigilang mapangiti ng maalala si Claud. "He is the most loving man I have ever met."

"Paano kung patigilin ka niya bilang Vigilante?" tanong ni Hunter. Ito at si Archer lang ang nagsasalita habang ang iba pa nilang kasama ay matamang nakatingin sa kanila at nakikinig.

"Don't worry, hindi mangyayari iyon."

"Are you sure?"

Nilabanan niya ang tingin nito. "Handa akong umalis sa grupo kung mangyayari man iyon."

Ilang segundo silang nagsukatan ng tingin ni Archer nang mula sa sulok ng mata niya ay napansin niya ang pag-alog ng balikat ng katabi niyang si Earl. Matalim niya itong tiningnan at pakiramdam niya ay tumaas ang presyon niya nang makitang pinipigilan nito ang pagbunghalit ng tawa. Sa sobrang inis niya ang sinipa niya ang paa nito kaya muntik nang bumaliktad ang kinauupuan nito.

VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon