IBINABA ni Zai ang dalang bulaklak sa may bedside table sa kuwarto ni Archer. Nagpunta siya sa bahay nito para bisitahin ito at kumustahin na rin.
"Maraming salamat sa pagbisita, Zai. Hindi ka na dapat nag-abala pa," sabi sa kanya ni Archer nang makaupo siya sa upuang nasa gilid ng kama nito.
Nagkibit-balikat siya at mataman itong tiningnan. "Mukhang mabilis ang recovery mo, Archer. May kinalaman ba rito ang personal doctor mo?"
Tumikhim si Archer pero hindi nakaligtas kay Zai ang pinipigilan nitong ngiti. Lihim siyang napailing. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig sa isang tao. Hands on ang pag-aalaga rito ng girlfriend nitong si Fei na hindi umaalis sa tabi nito.
"Alam mong masamang damo ako kaya matagal pa akong mamamatay, Zai. Pero siguro nga ay mas mabilis ang paggaling ko dahil magaling ang doctor ko." Sumeryoso ito. "Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa inyo for saving my life."
Nagkibit-balikat si Zai kahit naramdaman niya ang pag-iinit ng tainga. "Hindi bagay sa iyo ang ganyan, Archer. Besides, it's my job to make sure that your back is guarded. I just did my job so no need to thank me."
Natatawang umiling si Archer. "Hindi ka pa rin sanay tumanggap ng pasasalamat, Zai. By the way, kumusta na pala ang susunod na misyon?"
"May mga sinend si Marjay na mga files. Earl is working on his new case, ganoon din si Charity. Uumpisahan ko na rin ang recon sa isang property ni Congressman Moreno na pinaniniwalaang hideout ng isang human trafficking syndicate. Ayon sa nahagilap ni Marjay, isa siyang phedophile." Isa sa trabaho ni Zai ay ang pag-aralan ang lugar kung saan possible silang magkaroon ng engkuwentro. She had to look for the exits, the terraine, kung gaano karaming tao ang nagpapatrolya sa area at kung ano ang schedule ng mga ito.
"Kung kailangan ninyo ng tulong ko, tawagan nyo lang ako."
Napailing si Zai. Si Archer na yata ang isa sa pinaka-workaholic na taong kilala niya. "Ang isipin mo ay kung paano ka gagaling, Archer. " Napatingin siya sa suot na wrist watch. "Well then, I have to leave. Pupunta pa ako sa firing range. Magpagaling ka, Archer."
Tumango ito. "Habang wala ako ikaw na muna ang bahala sa kanila."
Natawa siya sa sinabi nito. "Don't worry, sisiguraduhin ko na buhay pa rin sila pagbalik mo."Malaking kawalan sa kanila ang pagiging injured ni Archer, pero dahil na rin sa trainings nila ay nasisiguro ni Zai na hindi maapektuhan ang operasyon ng VIGILANTES kahit na kulang sila. Pakunsuwelo na lang na kasalukuyan ng nakakulong si Ronnie Zamora at nabawasan ang mga halang ang kaluluwa na sumisira sa buhay ng ibang tao dahil sa droga.
ISANG malalim na hininga ang pinakawalan ni Zai. Nang magmulat siya ng mata ay sunod-sunod niyang kinalabit ang gatilyo ng hawak na baril. Ramdam niya ang impact ng bawat putok ng baril niya. And it calmed her.
Nang kunin niya ang papel na nagsilbing target niya ay nasa puting bahagi ng papel tumama ang mga bala niya. Napatango siya sa sarili. Muli siyang naglagay ng target paper at muli iyong inasinta. Sa pagkakataong iyon ay diagonal naman ang ginawa niya.
Kapag gusto niyang mag-isip ay nagpupunta siya sa shooting range. Alam niyang weird pakinggan pero kumakalma ang pakiramdam niya kapag naririnig ang bawat putok ng baril at ang amoy ng gun powder. Yeah, she knew it was weird.
"Hi!"
Napalingon si Zai sa nagsalita sa likuran niya. Napakunot-noo siya nang makilala ang lalaki. Ito rin ang lalaking nakita niya sa bookstore noong isang linggo.
"May kailangan ka ba sa akin?" tanong niya rito. Hindi niya inaasahang makikita niya ito sa lugar na iyon.
Ibinulsa nito ang mga kamay. "Hindi ko lang akalain na makikita kita rito. Natatandaan mo pa ba ako? Nagkita tayo sa bookstore noong isang linggo."
BINABASA MO ANG
VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPER
RomanceIsa sa trabaho ni Zai bilang miyembro ng VIGILANTE ay ang siguraduhin na ligtas ang mga kasama niya. As the sniper, she had to be calm and patient. Pero hindi siya naging handa sa biglang pagsulpot ni Claude sa buhay niya. Ginulo ng lalaki ang nana...