Ace: So hayun, ang akala ko last Chapter na ito pero humabol pa ang isang Chapter. Kaya naman makakasama pa ninyo ng ilang araw sina Claud at Zai. ^_^ Maraming salamat sa mga nagrerequest ng updates at excited na sa mga susunod na mangyayari. So sa susunod na chapter na lang ako mag-speech. ^______________^
Enjoy reading!
-------------------------------------------------------------
KASALUKUYANG NAGEEMPAKE ng mga importanteng gamit si Zai nang makarinig ng kaluskos sa labas ng bahay niya. Dalawang araw matapos silang magkausap ni Claud ay nagpasya siyang bumalik ng para ayusin ang ilang gamit niya. Uupa na lang siya ng mga kukuha ng iba pa niyang gamit. Siniguro rin niya na sa mga oras na iyon ay nasa trabaho ang lalaki para na rin maiwasan na makita niya ito.
Dahan-dahan siyang tumayo at pinakiramdaman ang paligid. Tahimik ang paligid pero narinig ulit niya ang kaluskos. Alam niyang hindi iyon galing sa mga alaga niyang pusa na nasa kabilang kuwarto.
Dahan-dahan niyang kinuha ang baril na nakatago sa ilalim ng frame ng kama niya at maingat na lumabas ng kuwarto. Namataan niya ang isang bulto na nasa labas ng pinto. Bumalik ulit siya sa kuwarto niya at gamit ang bintana ay lumabas siya at lumigid papunta sa may front door. Nang silipin niya ay may bulto ng lalaki na nakatayo sa may tapat ng pinto niya at nakatalikod sa gawi niya.
Itinutok niya rito ang baril. "Sino ka?"
Nang lumingon ito ay parang nalaglag ang puso ni Zai. "Claud?" hindi makapaniwalang bulalas niya. "Ano ang ginagawa mo rito?" Nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay nito kaya ang akala niya ay nasa trabaho ito.
"Hello, Zai."
Nanatili lang siyang nakamata rito. Dahil sa ilaw na nasa tapat ng front door niya ay malinaw niyang nakikita ang mukha nito. Pumayat ito at may mga balbas sa panga.
"Sorry, nagising ba kita?"
Parang may humaplos sa puso ni Zai dahil hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin sa kanya ni Claud matapos ng huling naging pag-uusap nila. Ano ang nangyari at wala na ang galit na nasa mata nito?
Napatingin ito sa baril niyang nakatutok pa rin dito. Mabilis niyang inalis ang daliri sa gatilyo at ibinaba ang kamay.
"Ano ang ginagawa mo rito, Claud?"
"Puwede ba tayong mag-usap sa loob?"
Ilang segundo niya itong tiningnan bago kinuha sa ilalim ng paso sa may gilid ng front door ang isang spare key. Pagpasok nila ay muli niya itong pinagkrus niya ang muli niya itong hinarap. "Sasagutin mo na ba ang tanong ko kung ano ang ginagawa mo rito, Claud?"
Isinuksok nito ang mga palad sa bulsa ng suot na jeans. "Ibebenta mo ang bahay mo?"
Nagpakawala siya nang malalim na hininga. "Yes." Mayroon nang nakapaskil na FOR SALE sign sa labas ng gate niya.
"Why?"
"Because I had to."
"Saan ka pupunta?" kunot-noong tanong nito. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito.
Nagkibit-balikat siya. "Somewhere." Sa totoo lang ay wala pa siyang naiisipang puntahan. Pero base na rin sa huling napag-usapan nila ng mga kasamahan ay mayroon ng mga potential properties na nahanap si Marjay para sa kanya.
"Paano na ang business mo?"
Hindi alam ni Zai kung saan papunta ang pag-uusap nilang iyon ni Claud. "Imamanage ko pa rin naman siya kahit hindi na ako regularly magpunta roon. Then eventually ibebenta ko rin siguro ang shop."
BINABASA MO ANG
VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPER
RomanceIsa sa trabaho ni Zai bilang miyembro ng VIGILANTE ay ang siguraduhin na ligtas ang mga kasama niya. As the sniper, she had to be calm and patient. Pero hindi siya naging handa sa biglang pagsulpot ni Claude sa buhay niya. Ginulo ng lalaki ang nana...