"CLAUD?"
Napatuwid nang tayo si Claud nang makita si Nessie dela Vega - Santiago. Ang kapatid ng boss niyang si Keith dela Vega at asawa naman ng Head Security nila na si Cole. Minsan na siya nitong naging bodyguard noong magkaroon ito ng stalker.
"Yes, Miss Nessie?" tanong niya rito.
Siya ang naatasan ni Cole na bantayan si Nessie sa isang boutique para mamili ng damit na isusuot nito sa birthday party ng mama nito. Dahil walong buwang buntis ay masyadong naging paranoid ang boss niya pagdating sa asawa nito. Katakot-takot na habilin ang ginawa nito bago sila umalis. Nagkataon lang na mayroon itong importanteng pinuntahan kasama si Keith sa araw na iyon.
"Ano sa tingin mo ang maganda sa dalawa?" Ipinakita nito sa kanya ang dalawang dress na hawak.
Tumikhim siya. "Sa tingin ko, Miss Nessie, kahit ano ang isuot ninyo, ma-appreciate pa rin 'yon ni Boss."
Lumapad ang pagkakangiti nito. "Know what? You are really good with words. Hindi na ako magtataka kung marami kang girlfriend, Claud."
Pakiramdam ni Claud ay namula ang mukha niya. "Actually wala pa po."
"Then, gusto mo bang ipakilala kita sa mga kakilala kong models?" Malapad ang pagkakangiting sabi ni Miss Nessie. Dati itong modelo pero pagkatapos nitong maikasal kay Cole ay medyo nabawasan ang modeling gigs nito at nagconcentrate sa family business ng mga ito na DL Airlines.
Biglang sumagi sa isip ni Claud si Zai. "Thank you, Miss Nessie pero kailangan kong tanggihan ang offer ninyo."
"So, may special girl ka na ba, Claud?"
Napakamot siya sa batok at naramdaman ang pag-iinit ng tainga niya. "Actually, yes. Kaya lang ipinapakita ko pa sa kanya na hindi masama ang intensiyon ko."
Hindi maipaliwanag ni Claud pero may kakaibang connection siyang nararamdaman sa pagitan nila ni Zai. Kaya naman kahit noong sabihin nito na wala siyang mapapala rito ay hindi pa rin niya ito tinigilan. Ipapakita niya rito na hindi siya basta basta susuko. May pakiramdam din siyang may rason kung bakit pilit siyang itinataboy ng dalaga.
Paniguradong tatawanan siya ng mga kaibigan niya kapag nalaman ng mga ito ang nasa isip niya.
"Aww... That is so sweet, Claud. Alam ko na makikita rin niya that you're definitely worth it. Sinubukan mo na ba siyang bigyan ng bulaklak?"
"I intended to." Malapad ang ngiting sabi niya. Hindi na siya makapaghintay na makita ulit si Zai.
"ARIANE, tatapusin ko lang ito. Palabas na rin ako," sabi Zai nang maramdaman ang presensiya sa may likuran niya. Kasalukuyan siyang nasa stock room ng Sweet Pages at nagiimbentaryo.
Marahas siyang napalingon nang makarinig nang pagtikhim. "Claud!" Zai wanted to cursed at herself for sounding breathless. Tumikhim siya para kalmahin ang sarili. "Huwag mong sabihing napadaan ka lang dito sa loob ng stock room, dahil hindi ako maniniwala."
Napakamot ito sa batok. "Sorry, pinaderetso na ako rito ni Ariane. Gusto ko lang ibigay ito sa iyo."
Napatingin si Zai sa hawak nitong paper bag. Inabot niya iyon at ilang beses na napakurap nang makita ang laman. Inilabas niya iyon at muling nilingon si Claud. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon niya. "So, pinuntahan mo ako rito para lang bigyan ako ng... cactus?"
He flashed his sexy smile. "Actually, I planned on giving you roses pero naisip ko na masyado ng common kung iyon ang ibibigay ko sa iyo. So I thought of giving you something different. Cactus are low maintenance. Bumili rin ako ng tulad niyan para pareho tayo. Puwede mo siyang pangalangang Claud and I will name my cactus 'Zai'. Sabi nila talking to plants relieves stress so isipin mo na lang na ako ang cactus kapag kailangan mo ng kausap."
"Hindi ako makapaniwala na papangalanan mo ang mga halaman."
"Why not?" seryosong sabi nito na lalong nakapagpatawa sa kanya. "Naniniwala ako na lahat ay kailangang magkaroon ng pangalan, even plants. At aminin mo, cute siya."
Hindi na napigilan ni Zai ang sarili at tuluyan nang natawa ng malakas. Hindi niya matandaan kung kailan siya huling tumawa ng ganito. How was he able to break her walls so easily? Nabura ang pagkakangiti niya nang makita itong nakatitig sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin?"
"Ngayon lang kita nakitang ngumiti and you're really beautiful when you smile, Zai."
Tumikhim si Zai nang mag-umpisang magwala ang tibok ng puso niya. Damn! She had to stop this feeling that is slowly creeping inside her system. Nagpakawala siya nang malalim na hininga. "Claud-"
Bago pa man matapos ni Zai ang sasabihin ay mabilis na lumapit sa kanya si Claud at tinakpan ang bibig niya. Kayang-kaya niyang makawala mula rito but she just stood there and looked into his eyes.
"Alam ko na ang susunod mong sasabihin, Zai. Na wala kang panahon sa anumang relasyon ngayon. Alam ko rin na ang sabi ko noon na okay lang sa akin ang pagkakaibigan mo but I don't want to pretend that I only want friendship from you because we both know that I like you... a lot. I know it's too fast but I want to be honest. Just give me a chance, Zai. Just one chance. I know that there is something between us. A connection that even you can't deny. This friendship thing is not working in my favor so I will elevate my moves. Zai. Liligawan kita. Sa ayaw at sa gusto mo. Hindi ako humihingi ng permiso sa iyo, Zai. Sinasabi ko lang kung ano ang gagawin ko. So be prepared."
Ilang beses na napakurap si Zai sa mga sinabi ni Claud. Nang makabawi sa pagkagulat ay inalis niya ang kamay nito sa bibig niya. "Ilang linggo mo pa lang akong kilala, Claud. What if ang nakikita mo ay hindi naman pala ang totoong ako? Paano kung hindi mo magustuhan ang mga malalaman mo tungkol sa akin?" My secrets will only hurt you, Claud.
"Hayaan mo akong kilalanin ka pang mabuti, Zai. Let me in."
Ikinulong nito ang mukha niya sa palad nito at hinalikan siya sa noo. Ipinikit ni Zai ang mga mata at ganoon na lang ang pagpipigil niyang huwag tumulo ang luha niya. He was so gentle and sweet. "Papasok na ako sa trabaho. See you around, Zai." Parang may sumipa sa dibdib niya nang kindatan siya nito bago sumisipol na lumabas ng stock room.
Nang makaalis si Claud ay nanghihina siyang napasandal sa pader. Ano na ang gagawin niya? Tuluyan nang natitibag ni Claud ang pader na nakapalibot sa puso niya.
Claud: One day, friendship and love met... Love asked, 'why do you exist if I already exist?' Friendship smiled and said. 'to put a smile where you leave tears.' Love asked, 'Well if that's what you do, how come there are still many people crying?' Friendship answered, 'It's my fault, instead of doing my job, I end up doing yours.'
Zai smiled after reading Claud's message. She knew from the bottom of her heart that she doesn't deserve him. Pero may isang parte ng puso niya ang bumubulong na ang lalaki ang kailangan niya. He was her salvation. Nasapo niya ang noo at nasabunutan ang sarili.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ace: Hello, guys! Sorry mabagal ang update, nalunod ako sa revisions ng Gluttony. :) Pero 'kinulit' ako ni Claud na i-update na ang story niya kaya nandito na ang Chapter 7. Sana magustuhan ninyo. :) feel free to leave your comment/s :)
*group hug!*
BINABASA MO ANG
VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPER
RomanceIsa sa trabaho ni Zai bilang miyembro ng VIGILANTE ay ang siguraduhin na ligtas ang mga kasama niya. As the sniper, she had to be calm and patient. Pero hindi siya naging handa sa biglang pagsulpot ni Claude sa buhay niya. Ginulo ng lalaki ang nana...