CHAPTER 10

915 47 12
                                    

MA: Hi, guys!!! Sa mga naghihintay po kina Zai at Claud, heto na po ang Chapter 10. =)

🔫⚖️⚔️🗡🔫⚖️⚔️🗡🔫⚖️⚔️🗡

ILANG BESES na pinasadahan ni Zai ng tingin ang paligid gamit ang binoculars na may night vision bago niya pinindot nag wireless headset na suot.

“There are no one on site, the coast is clear,” aniya habang nanatiling nakasilip sa hawak na night vision binoculars.

“Copy,” narinig niyang sabi ni Charity sa kabilang linya. Mula sa bakanteng lote na pinagtataguan niya ay nakita niya ang walang kahirap-hirap na pagsampa nito sa bakod ng bungalow ni Julius Montez. Ayon sa impormasyong nakuha nila ay kasama ito ni Congressman Moreno sa Singapore at dahil wala silang nakuhang mga ebidensiya sa bahay at ibang properties ng Congressman ay naisipan nilang i-check ang bahay ni Julius lalo na at ito ang kanang-kamay at mukhang in-charge sa ilegal na aktibidad ni congressman.

Siya ang nagsisilbing back-up ni Charity habang si Marjayrie naman ay kasama ni Earl at kasalukuyang chinecheck ang isa pang property ni Congressman Moreno. Dahil gahol na sila sa oras ay kailangan nilang mag-double time.

Nakapuwesto siya sa isang bakanteng lote sa may tapat ng bahay ni Julius na mayroong konkretong bakod na na may five feet ang taas. Nasa isang subdivision ang bahay ni Julius. Aapat pa lang ang nakatayong bahay sa block na iyon na nasa may bandang dulo ng subdivision kaya naman madali niyang naitago ang dalang motor. Mahimbing na natutulog ang bantay ng subdivision dahil sa kinain nitong balut na ‘inilako’ kanina ni Charity nang magdisguise itong isang balut vendor.

“Status,” narinig niyang tanong ni Charity sa wireless headset.

Muli niyang pinasadahan ng tingin ang paligid. “Still clear,” sagot niya.

Narinig niya ang kaluskos mula sa kabilang linya. “Hindi na ako magtataka na iniwan si Julius ng asawa niya,” narinig niyang sabi ni Charity. “Ang kalat ng lalaking iyon Hindi ko alam kung ano ang malinis at marumi sa mga damit dito.”

Umangat ang sulok ng mga labi ni  Zai, pero kaagad din iyong nawala nang may mapansing isang sasakyan na huminto sa may dulo ng block na kinaroroonan nila. Lumabas ang isang lalaki na tulad niya ay nakasuot ito ng itim mula ulo hanggang paa. Lumilingon ito sa paligid habang napapunta sa gawi nila.

“Cha, I can see someone going on your direction,” bulong niya habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki. “What’s your status?”

“May nakita akong safe sa loob ng cabinet niya. I need ten minutes to open it.”

“Copy,” ani Zai. Mukhang hindi lang sila ang nagbabalak na pasukin ang bahay ni Julius sa araw na iyon.

Nakita niyang huminto ang lalaki sa tapat ng gate ng bahay. Tulad niya ay nakasuot ito ng itim na jacket, itim na pants, combat boots at ball cap. Itinaas niya ang kuwelyo ng suot niyang jacket at tinakpan ang bibig at ilong niya. Isinuot din niya ang goggles na may night vision. Ang buhok niya ay nakapusod at pinatungan niya ng sombrero. Kinuha niya mula sa holster na nasa hita ang baril at maingat na lumapit sa lalaki. Huminto siya isang dipa ang layo mula rito at itinaas niya ang hawak na baril at itinutok iyon sa lalaki. Akma na itong tatalon ng magsalita siya.

“Freeze!”

Dahil sa suot na goggles ay kitang-kita niya nang mapapitlag ang lalaki at maharas na lumingon sa gawi niya. Nahigit ni Zai ang paghinga nang makita ang mukha nito at parang huminto ang tibok ng puso niya nang makita ang mukha ng lalaki. Napahigpit ang hawak niya sa hawak na baril na nananatiling nakatutok dito.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon