This chapter is dedicated to:
diorchloe
Ace: Hello, guys! Maulang gabi sa inyong lahat! Sana magustuhan ninyo ang chapter na ito. :) enjoy reading!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"STATUS?" narinig ni Zai na tanong ni Archer sa wireless headset.
"Nothing is amiss. There are still four guards at every corner of the property. Ang dalawang bantay sa likod ay mahimbing na natutulog kaya mas madali na kayong makakapasok, Earl and Hunter." Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga nagbabantay sa may gate. Tulad ng napansin niya sa mga ito noong recon niya ay maluwag ang security sa mga oras na iyon. "Tatlo sa mga bantay ang nagsusugal sa may malapit sa gate so we can execute the plan," bulong niya at tiningnan ang suot na relo. Five minutes before the scheduled time. Sunud-sunod na sumagot ang iba pa niyang kasama na nasa puwesto na rin. Muli siyang sumilip sa night vision scope ng riffle at pinagmasdan ulit ang paligid dahil mahirap na kapag mayroon siyang na-miss na detalye.
Nakadapa si Zai sa damuhan habang natatakpan ng ghillie suit. It was a camouflage netting with attached twigs, vines and branches which concealed her presence. Nakapuwesto siya sa lugar kung saan siya nakapuwesto noong minamanmanan niya ang warehouse na iyon ni Congressman Moreno.
"Jay?" ani Archer.
"Na-freeze ko na ang mga cameras sa paligid ng property at tulad ng sabi ni Zai, busy sa pagsusugal ang tatlo sa kanila. Habang may dalawang bantay ang natutulog sa loob."
"Okay, guys, stand by," ani Archer. "Zai, we will wait for your signal."
Mariing pumikit si Zai at nagpakawala nang malalim na hininga bago inayos ang pagkakapuwesto. Muli siyang sumilip sa scope na may night optics. Their plan was plain and simple. Kailangan muna niyang i-eliminate ang tumatayong leader ng mga guwardiya at iisa-isahin nila ang mga bantay.
Muli niyang iginala ang tingin sa mga tao sa loob ng compound hanggang sa mapunta iyon sa leader ng mga guwardiya na isa sa apat na nagbabantay sa elevated platform. Ramdam ni Zai ang pagguhit ng pawis mula sa noo niya hanggang sa pisngi pati na ang mabilis na tibok ng puso niya. Huminga siya nang malalim at unti-unting bumuga ng hangin gamit ang bibig para kalmahin ang sarili. Umangat ang sulok ng mga labi niya nang tumayo ang unang target niya. Nag-inat ito bago kumuha ng sigarilyo. It was her cue to move. Zai took the aim and fired.
Kitang-kita niya ang pagbagsak ng lalaki na tinamaan sa dibdib. Now, without their leader, everything went to chaos. Kailangan nilang i-eliminate ang mga bantay sa buong warehouse dahil kapag isa man sa mga ito ang nakatawag ng backup ay malamang na mabulilyaso ang mission nila at mapahamak pa ang mga bata.
Nagsimulang magkagulo ang mga tao sa warehouse at maririnig ang mga sigawan ng mga bantay. Mabilis na inasinta ni Zai ang isa pang bantay na tulad nang nauna ay mabilis ding bumagsak.
Mula sa suot na headset ay dinig niya ang pagpailanlang ng sunud-sunod na putok ng baril tanda na nakapasok na ang mga kasama niya sa loob ng compound. Nasusunod ang nasa plano nila. She continued aiming for the guards and they were falling one after another.
Parang huminto ang puso niya nang mapansin ang isang bantay na nakatutok ang baril sa nakatalikod na si Charity. Walang pag-aalinlangang kinalabit niya ang gatilyo na tumama sa dibdib nito. Hindi na niya hahayaang may ma-injure pa sa mga kasama niya. Not on her watch.
BINABASA MO ANG
VIGILANTES BOOK 2: ZAI, THE SNIPER
RomanceIsa sa trabaho ni Zai bilang miyembro ng VIGILANTE ay ang siguraduhin na ligtas ang mga kasama niya. As the sniper, she had to be calm and patient. Pero hindi siya naging handa sa biglang pagsulpot ni Claude sa buhay niya. Ginulo ng lalaki ang nana...