DAX
Pagpasok ko sa sala ay nakita ko ang girlfriend kong si Maricel, nagtutupi ng mga damit ko habang luhaan. Panay ang singhot niya, panay ang punas ng luha. Tumakas na ang ilang hibla ng buhok niya mula sa panali, kumalat sa mukha niya.
"Babe..."
"I can't believe you have to go," sabi ni Maricel. She was born with a silver spoon in her mouth. Anak siya ng isang conservative na businessman. Nagtrabaho ang papa ko sa kanila bilang driver. Doon ko siya nakilala.
Siya ang una ko. Ang unang babaeng nakasex ko, ang unang babaeng minahal ko, ang unang babaeng ipinaglaban ko.
Nabuntis ko siya at pinalayas siya ng magulang niya sa bahay. Tumira kami sa isang apartment, nagpapakahirap akong magtrabaho para sa kanya. Hindi lang talaga sapat. Nagkabaon-baon kami sa utang ng malaglag ang sanggol at sumailalim siya sa gamutan. Mahirap, kasi gusto ko mang ibigay sa kanya kung ano ang nakasanayan niya, hindi ko magawa. Hindi ako nakapagtapos.
And then came the opportunity of the room.
"Hindi natin alam kung sino ang gumagawa niyan. I think he's a sick rich son of a bitch."
Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan siya sa balikat. "100 k din 'yon. Hindi ko 'yon kikitain sa kahit anong kompanya in 100 days."
Hindi siya nakasagot. Isinalansan niya ang damit ko sa maleta, isinara iyon. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya. Inayos ang magulong buhok.
"I love you, babe," sabi niya. "I gave up everything just to be with you. Hindi ko kailangan ng pera, maniwala ka sa 'kin."
Tumango ako. "Alam ko," sabi niya. "But I love you too, and I need this. I need to give you the best that I can. That is what would make me happy, to know that I tried."
Tumitig sa 'kin si Maricel. Tumango. Hinawakan ako sa balikat, paakyat sa batok. Hinila ako para halikan.
____________________________
ORENG
"Bakla, hindi ka ba afraid diyan? Baka scam 'yan, baka kuhanan ka ng kidney," sermon sa 'kin ni Mama Ru, ang may-ari ng comedy bar na pinagtatrabahuhan namin ng tito ko sa loob ng ilang taon.
"Ginawa na ang experiment noon, Mama Ru. Legit daw." Sige ako sa pag-empake ng make-up ko. 100 days ako sa isang kuwarto, aba dapat 100 days akong maganda.
"Diyos ko, baka mabalitaan ko porn star ka ng bakla ka, baka pagawin kayo ng sex video ng kung sino man 'yang baliw na 'yan," sabi pa ni Mama Ru, umupo sa kama, sa tapat ko. Natahimik ng ilang sandali. "Bakla, kung tito mo ang iniisip mo, makakagawa naman tayo ng paraan."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Dinampot ko ang maliit kong salamin, tiningnan kung maayos ang pagkakalagay ng yellow-green kong wig. "Ganda ko, 'no?" sabi ko.
"Oo," sabi ni Mama Ru. "Kamukha mo si Solenn."
"Heusaff?"
"Hindi, 'yong LPG."
"Solane 'yo, 'tang ina ka."
Natawa si Mama Ru. Nagseryoso. "Makakagawa tayo ng paraan."
Ang Tito kong si Regal Shocker ang tinutukoy niya--stage name ni Tito Armand ang Regal Shocker, stand-up comedian na siya bata pa lang ako. Siya na rin ang nagpalaki sa 'kin, dahil ayaw akong tanggapin ng tatay ko ng malamang bakla ako. Mahal na mahal ko si Tito Regal Shocker. At ngayong nadiagnose siya na may AIDS, kailangan namin ng pera.
Kaya papatulan ko ang "Room" experiment.
"Mama Ru, makakagawa naman talaga tayo ng paraan," sabi ko. "Kasama na ito sa mga paraang iyon." Pinantay ko ang lipstick ko gamit ang daliri. Nang makuntento ay tumingin ako sa kanya. "Ayokong maupo lang, Mama," dagdag ko, nanliit ang tinig. "Ayokong maupo lang habang kinukuha sa 'kin ng AIDS ang tito ko."
Nalukot ang mukha ni Mama Ru. Niyakap ako. Sige sa paghagulgol si Mama Ru, sumubsob sa balikat ko. Pinigil ko namang umiyak. Ayokong masira ang make-up ko.
BINABASA MO ANG
The Room (R-18)
General FictionIsang lalaki. Isang bakla. Magsasama sa isang kuwarto sa loob ng isang daang araw. Isang daang libo ang kapalit nito, basta magawa nila ang mga task na ipapagawa sa kanila. The tasks were simple at first. And then the tasks became revealing, intimat...