DAY TWO

2.6K 45 13
                                    

DAY 2

DAX

AKO ang unang nagising sa 'ming dalawa. Bumangon ako sa kama na may morning hard-on, parang may tent sa shorts ko. Na-conscious ako, inisip na tinitingnan ako ng kasama ko, pero nang marinig kong naghihilik siya ay iiling-iling na nagpunta ako sa banyo.

Maliit ang banyo. May shower area at may toilet bowl. Malinis naman. Mabango.

Isinara ko ang pinto at umihi. Doon lang walang camera sa buong silid. Dahil nga medyo matigas pa, hindi ko ma-shoot ng maayos ang ihi ko sa toilet bowl. Nang matapos ay nagflush ako, tumingin sa salamin.

Relax lang, dude. Hindi ka naman sisilipan ni Oreng. Hindi naman lahat ng bakla katulad ni...

Hindi ko naituloy ang iniisip ko. Naghilamos ako, nag-toothbrush at lumabas ng banyo.

Natutulog pa din sa sofa si Oreng--Oreng ang pangalan niya. Nalaglag na ang kumot niya sa sahig, natanggal na ang wig niya at nakanganga siya, may laway na umaagos sa gilid ng baba.

Naawa ako sa kanya kaya minabuti kung magpunta sa lutuan namin. Ipagluluto ko na lang siya para makabawi man lang sa naging reaksyon ko sa pagpares sa 'ming dalawa. Pagpunta ko sa refrigerator, may nakadikit na dalawang envelope doon.

TASK NO. 1

Iyon ang nakasulat sa envelope. Bukod doon ay mga pangalan namin, tig-isa kami ng sobre.

Nagsisimula na ang eksperimento.

Hindi ko muna kinuha ang envelope, binuksan ko muna ang ref na punong-puno ng pagkain. Kumuha ako ng tocino at sisipul-sipol na nagluto.

__________

ORENG

Nagising akong masakit ang likod, masakit ang ulo, masakit ang balakang. Nagising din ako sa amoy ng nilulutong tocino at tinitimplang kape.

"Good morning," narinig kong bati sa 'kin ng kasama ko.

Tiningnan ko siya. Nakangiti siya sa 'kin, pero alanganin. Para bang nag-aalalang bigla ko na lang dadakmain ang birdie niya na medyo bakat nga sa...

'Wag kang tumingin, sabi ko sa sarili ko. Feelingero 'yang lalaking 'yan, 'wag lang titingin. Eh ano kung mukhang ready na manuka ang birdie? Ignore, ignore.

Hindi ko ginantihan ang pagbati niya, diretso ako sa banyo. Naghilamos ako, umihi. Paglabas ay diretso ako sa bag ko, kumuha ng makeup. Bumalik ako sa sofa, niligpit ang kumot at unan. Umupo din ako doon para magmake-up. Ramdam kong pinanonood ako ng Feelingero.

Pagbukas ko pa lang ng foundation ko, narinig ko na siyang magsalita.

"Mamaya na 'yan, kumain ka na muna," sabi niya.

Ibinaba ko ang hawak kong salamin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Baka lumamig ang kape," sabi niya.

Bumuntong-hininga ako, tapos ay lumapit nga sa kanya. Tama naman siya. Sabay kaming dumulog sa mesa. Nakahain na ang pagkain ko. Nakahain na ang pagkain niya.

Pag-upo ko ay susubo agad ako ng tocino kung hindi ko lang siya nakita na nagsalikop ng kamay.

"Hindi ba kayo nagdadasal bago kumain?" sabi niya.

Pinigilan kong magpaikot ng mga mata at pinagsalikop din ang kamay ko. Daming cheche!

Si Danilo ang nag-lead ng prayer. Nang matapos kami ay saka niya sinabi, "Kain na."

Tahimik kaming kumain. Tunog lang ng kalansingan ng kutsara, tinidor at pinggan ang maririnig. Si Danilo ang bumasag ng katahimikan.

"Pasensiya na sa reaksyon ko kagabi," sabi niya. "Hindi lang ako..."

The Room (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon