RECAP: NABUNOT NG LALAKING SI DANILO SI ORENG BILANG PARTNER SA KWARTO SA LOOB NG ISANG DAANG ARAW. MAGSISIMULA ANG UNANG ARAW NILA SA PAGHATID SA KANILA SA KUWARTO.
DAY 1
ORENG (THE BEKI)
Hinatid kami ng mga poker-faced na staff (na nakaitim lahat, uniform?) papunta sa silid namin. Doon din sa building na 'yon ang kuwarto, parang condo unit pero walang bintana. At hindi namin mabubuksan ang pinto.
Cold ang partner kong si Danilo habang naglalakad kami papunta sa kuwarto. Kinakausap ko siya, pero puro "hmm" lang ang sinasabi. Di kaya pipi? Leche, pipi pa yata ang kasama ko sa kuwarto. Baka mabaliw ako kasi wala akong makausap.
"Dito na kayo. May buzzer sa tabi ng pinto. Pindutin n'yo kung may kailangan kayo o may emergency," sabi ng staff.
"Thank you po..." sabi ko with enthusiasm.
Hindi man lang ngumiti ang staff. Sumara ang pinto at tumunog. Hindi na kami makakalabas.
Paglingon ko, nakita ko si Danilo, iniikot ang mata sa kuwarto.
Kasinglaki nga lang iyon ng condo unit. May maliit na sala. May sofa, may mga cushions. Sa harap ay may malaking TV pero duda ko kung may mapapanood kami doon. May table din na maliit sa tapat ng sala, may patong-patong na board games doon. Katabi na halos ng sala ang maliit na kusina at dining area.
Aircon naman ang silid, malamig. Mabango din.
Sa dulo ng silid, naroon na ang tulugan. Naroon ang kama. Isa lang, pero malaki. Punong-puno ng mga unan. Nagpunta ako doon, dinama ang comforter. Makapal.
"Masarap matulog dito," sabi ko, tuwang-tuwa. Sumampa ako sa kama. Muntik na akong mahulog. Water bed. "Ang taray, first time kong makahiga sa water bed."
Masarap kayang makipagsex sa water bed? Hindi ka kaya masubsob sa sahig pag nagperformance level ka?
As if naman may sex na magaganap sa kamang iyon. Humiga na lang ako doon, nagpagulong-gulong. Tapos ay tumihaya. Pagbaling ko sa kaliwa, naroon na rin pala si Danilo, hila ang maleta niya. Nakatayo siya sa tabi ng kama, nakatingin sa 'kin ng salubong ang mga kilay.
"Kama," sabi ko, bumangon paupo. Dinahan-dahan dahil baka nga deafmute. "Tulog." Inunan ko ang gilid ng ulo ko sa magkadikit na mga kamay. Umarteng pumikit.
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Danilo.
"Ikaw... pipi?" sabi ko, tinuro ang dila ko, tapos ay umiling-iling. "Eeeh, eeh?"
Namula ang magkabilang pisngi ni Danilo. "Hindi ako pipi."
"Ayy!" Napapalakpak ako. "Yes, akala ko pipi ka! Kasi 'di mo ko kinakausap, eh!"
Hindi siya kumibo. Hinila niya ang maleta niya palapit sa aparador sa sulok ng silid. Binuksan niya ang malaking aparador. Binuksan ang maleta niya at nagsimulang maglagay ng mga gamit doon.
Suplado!
"Oy, tirhan mo ko ng space, ah?" sabi ko. "Lagayan ng gown ko saka wig."
Walang response.
"May drawer din 'diyan, sa 'kin 'yong sa ibaba, lagayan ng panty."
Wala pa ring response.
"Alam mo, 100 days tayo dito, dapat kausapin mo ko--"
"Ayokong kausapin ka," madiing sabi niya.
Nagulat ako. At mayamaya, bumigat na ang dibdib ko sa inis. Namaywang ako habang nakaupo sa kama. "At bakit?"
Lumingon siya sa 'kin. "You're annoying."
"Wow, ako pa daw ang annoying. Eh, ikaw ang ayaw makisama."
Napailing siya. Tumitig sa 'kin. Matagal. "Hindi ako matutulog sa tabi mo."
Parang sampal sa pisngi ko ang mga salitang iyon. Natigilan ako. Tapos ay lalong nainis. Umalis ako sa kama, lumapit sa kanya. "At bakit, ha? Bakit ayaw mong tumabi sa 'kin?"
"Alam mo ang dahilan," sabi niya.
Nagsusukatan na kami ng titig. Nagtatagis na ang mga bagang niya. Nag-iinit na ang mukha ko sa inis.
"Hindi ko alam," sabi ko, umiling.
"Lalaki ako," sabi niya. "Bakla ka."
"Oh, eh, ano?" sabi ko, tumaas ang tinig.
"'Wag ka ngang mag-maang-maangan," sabi niya.
Kumuyom ang kamao ko. Dumiin ang kuko ko sa palad ko. "Sinasabi mo bang momolestiyahin kita, ha?"
"Hindi ko sinabi 'yan."
"'Yon ang pinaparating mo--"
"Hindi lang ako komportable, okay?" sabi niya na parang iritang-irita. "Hindi lang ako komportable."
"Alam mo, ganyan kayong mga lalaki," sabi ko. "Akala n'yo porket bakla kami, at lalaki kayo, may balak na kaming masama sa inyo. Wake up. Hindi ako interesado sa 'yo. Hindi ka nga guwapo sa paningin ko."
Not exactly true. Guwapo si Danilo. Matangkad, malapad ang dibdib at balikat na hindi naitago ng gray na T-shirt na suot niya. Itim na itim ang buhok na makapal at alun-alon. Malalantik ang pilikmata, deep brown ang mga mata. Matangos ang ilong. May kakapalan ang namumula-mulang mga labi. May konting bakas na pimples sa mukha, at uneven siya mag-shave, pero nakadagdag lang ng appeal niya. May kamukha siyang artista eh... parang Rayver Cruz, pero Rayver Cruz na walang budget.
Hindi siya perfect, he's just like everyone else, but not quite like everyone else.
"Hindi lang talaga ako komportable sa bakla," sabi niya, umiiling-iling.
"So, paano ha? Paano? Paano natin malalaman kung sino ang matutulog sa kama?" may gigil na sabi ko. "At sino ang matutulog... somewhere else?"
Tumitig siya sa 'kin. Bumuka ang bibig, sumara. Tapos ay bumuka uli at sinabi kung paano namin maayos ang problema namin sa pagtulog.
"Buwisit! Nakakainis! Buwisit!" sabi ko bago magtalukbong ng kumot, at umayos ng higa sa sofa. Maliit ang sofa, nakalawit ang paa ko. Buwisit!
Inis na inis ako. Bakit ba kasi ako pumayag sa suggestion niya na magbato bato pik para malaman kung sino ang matutulog sa kama? Dapat nagmatigas ako, eh. Karapatan kong mahiga sa kama, eh. Imagine, bato bato pik? Nag-bato bato pik kami!
"Nakakainis!" sabi ko. Nagsisipa. Muntik na akong mahulog sa sofa.
Pero wala na akong magagawa. Gusto ko mang tadyakan ang mokong na hilik nang hilik habang natutulog sa water bed, hindi ko na lang gagawin. Ninety-nine days pa kasi. Ninety-nine days pa kaming magkasama.
SA DAY TWO, MAGAGANAP NA ANG FIRST TASK NILANG DALAWA! <3 <3
BINABASA MO ANG
The Room (R-18)
General FictionIsang lalaki. Isang bakla. Magsasama sa isang kuwarto sa loob ng isang daang araw. Isang daang libo ang kapalit nito, basta magawa nila ang mga task na ipapagawa sa kanila. The tasks were simple at first. And then the tasks became revealing, intimat...