DAY SEVEN

1.8K 37 9
                                    


DAY 7

ORENG

Sa ikapitong araw, ang task namin ay maglaro ng "Never Have I Ever."

ITO NA ANG HULING TASK N'YO PARA KILALANIN ANG ISA'T-ISA. MAGLARO KAYO NG NEVER HAVE I EVER. BINIGYAN RIN KAYO NG MGA SOBRE NA MAY LAMANG TANONG N'YO PARA SA ISA'T-ISA.

ANG SUSUNOD NA MGA TASK AY MAS MAGIGING PISIKAL AT EMOSYONAL NA. SANA AY MAPAGHANDAAN N'YO ITO.

HANGAD KO LAMANG ANG PAGTATAGUMPAY N'YO SA MGA HAMON NG SILID. MABUHAY KAYO!

UMAASANG HIGIT N'YO NG KILALA ANG ISA'T-ISA,

YOUR ROOM MANAGER

"Simulan na natin para makatulog na," sabi ko. Dahil halatang masama na talaga ang loob ni Dax sa mga nangyayari. Madalas na lang siyang tulala sa bintana. Siguro ay nami-miss na niya ang girlfriend niya.

Namimiss ko na rin naman si Tito Regal Shocker. Gusto ko ring malaman kung kumusta na siya. Iba pala ang pakiramdam ng isolation. Nakakapraning.

"The rules are simple," sabi ko. "Kapag nagawa mo na ang sasabihin ko... magtataas ka ng kamay."

Parang hindi siya interesado sa mga sinasabi ko. Kaya nagsimula na kong magtanong.

"Never have I ever... nakipagsex in public?" Nagtaas ako ng kamay.

"Don't you think it's disturbing na halos lahat ng ipinapatanong sa 'tin, tungkol sa sex?" sabi ni Dax, salubong na salubong na ang mga kilay.

"Arte mo," sabi ko. Iwinagayway ang nakataas na kamay. "Ano? Nakipagsex ka pa in public?"

"There's something fishy," sabi ni Dax, umiling.

Agree naman ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit puro tungkol sa sex ang ipinapatanong nila sa sa 'min. Pero hindi ako magrereklamo. Nandito ako para maipagamot ang tito ko. Kung may kakaiba man akong napapansin, magpapatay-malisya na lang ako.

"I never had sex in public," sabi ni Dax. "And did you?" Tiningnan niya ako na parang nakakadiri ako, umasim ang mukha niya.

"Ang judger ng tone mo, ah," sabi ko sa kanya. "Mahal ko naman kasi 'yong lalaki."

Hindi ko na tuloy mapigilang mapa-throwback sa mga alaalang itinapon ko na. Si Jak. Si Jak ang first and only boyfriend ko. Naging kami for two and a half years. Si Jak ang nagpakilala sa 'kin ng mga emosyong sobra. Sobrang libog. Sobrang galit. Sobrang pagmamahal.

Nawala ang virginity ko dahil kay Jak. Inubos ko ang sarili ko kay Jak. Hanggang sa hindi ko na makilala ang sarili ko, ang natira sa 'kin.

"Sa sinehan 'yon," sabi ko. "Sa sinehan 'yong public place na--"

"I'm not asking."

Pero pinagpatuloy ko ang pagkukuwento.

"Sabi niya, gawin ko daw sa kanya. Madilim naman daw," sabi ko, nagkuwento pa rin. "Sabi ko no'n sa sarili ko, putang-ina, Oreng, dati wala kang kalokohan sa katawan. Dati hinuhusgahan mo 'yong mga kakilala mong bakla. Pero ngayon, eto ka na. Sumusubsob ka na rin sa sinehan." Kinagat ko ang mga labi ko dahil naramdaman kong parang piniga ang dibdib ko. "Minsan, ginawa namin sa apartment ko. Kinailangan pa niya kong takpan ng kumot habang sinusubo ko siya. Naisip ko, nagagawa lang ba niyang ibigay ang sarili niya sa 'kin kapag hindi niya ako nakikita? Hindi ba ako jowa o tao sa harap niya? Bibig lang ba ako? Kasi ayoko na maging bibig lang. Gusto ko, maging tao ako sa paningin niya."

Natigilan si Dax. Nawala ang pagsasalubong ng kilay niya. Nakatitig siya sa 'kin na parang binabasa ang isip ko. Nakatitig na parang naaawa sa 'kin.

"Putang-ina," sabi ko, bahagyang natawa. Hindi napigilang kumawala ng mga luha. "Kaya ayokong nagto-throwback, eh."

Hinila ni Dax ang kumot at iniabot iyon sa 'kin.

"Salamat," sabi ko. Tinanggap iyon at pinunasan ang luhaang mukha. "Sorry, nag-emote ako." Dinampot ko ang papel, binasa ang kasunod na tanong, gustong magkunwari na parang hindi ako nagbahagi ng parte ng pagkatao ko kay Dax. "Never have I ever had a sexual experience with someone from the same sex?"

Sa tanong na iyon ay si Dax naman ang natigilan.

_____________

DAX

NAGTAAS ako ng kamay. Tingin ko, hindi ako dapat magdeny. Oreng revealed herself--himself to me, his wounds, his hidden softer side. I think it's only fair to reveal a part of me that I kept from him. Gusto ko na ring aminin sa kanya kung bakit hindi ako komportable sa presensiya niya.

"Meron ka?" sabi ni Oreng. Namilog ang kanina lang ay luhaan niyang mga mata. "Seryoso? Naging jowa mo?"

Umiling ako. "Teacher ko."

Natahimik si Oreng. Nagkaroon ng concern sa mga mata niya.

"Math," sabi ko. "Fourth year ako no'n. Stat."

Humugot ako ng malalalim na hininga, dahil ayaw ko nang maalala iyon. Pero gusto kong maihinga, gusto kong makawala mula sa kuko ng malulupit na alaala.

"Panghapon kami. Naiwan ako kasi cleaner ako," I said. "Naiwan din si sir. Pinapanood niya kami. Nang matapos kaming maglinis, sabi ni sir, maiwan daw ako."

Tutok na tutok ang atensyon ni Oreng sa 'kin.

"Pinakita niya sa 'kin 'yong class record niya. Ang sabi niya... ang sabi niya bagsak daw ako. Sabi ko, bakit sir, nagpapasa naman ako. Sabi niya, basta raw, bagsak ako."

Katahimikan. Hugong na lang ng aircon ang maririnig.

"Naisip ko no'n, mga magulang ko. Proud sila sa 'kin, eh. Pinagmamagaling nila na matataas ang grades ko. Sinasabi kahit sa kapitbahay. Parang nakikita ko na iyong mukha ng mama ko kapag nakita niyang bumagsak ako. Kaya... kaya nagtanong ako. Nagtanong ako kung ano'ng puwede kong ipasa o gawin."

Malinaw sa isip ko ang lahat. At napapakuyom ang kamao ko kapag naalala ko.

"Sabi niya isang gabi lang daw, sandali lang daw," pagpapatuloy ko. "Tataasan daw niya grade ko."

And I couldn't tell it anymore. Napapikit na lang ako, nakikita ko sa isip ko lahat ng ginawa niya sa 'kin.

Dinala niya ako sa bahay niya na puno ng mga santo. Amoy kandila at sampaguita ang lugar.

Pinaghugas muna niya ako ng katawan. Pinaupo niya ako sa sofa. Binuksan niya ang TV. Tapos ay lumuhod siya sa harap ko. Tulala lang ako sa malaking imahen ni Mama Mary habang ginagawa niya ang gusto niyang gawin. Binilang ko ang sampaguita na nakasabit sa kamay ni Mama Mary. Limang tali.

Hindi ko na iyon nakalimutan kahit kailan.

"Hindi mo kailangang ikuwento, Dax," sabi ni Oreng. "I'm sorry."

Tumango-tango ako, pinunasan ang luhang sumibol sa sulok ng mga mata ko. "Okay na. Matagal na 'yon." Ngunit ang sugat ay naroon pa rin, nasaling at muling dumugo. Muli akong naiyak.

Si Oreng naman ang nag-abot sa 'kin ng kumot. Tinanggap ko iyon at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Nang matuyo ang mukha ko ay napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa 'kin ng may pag-aalala, na parang siya ang may kasalanan, na parang siya ang umabuso sa 'kin. Na parang gusto niyang magsorry sa 'kin in behalf ng mga bakla.

Doon ko naisip na mabuti ang puso ni Oreng. Brutal siya magsalita na parang ang tapang tapang, palagi siyang may make-up, pero tingin ko ay maskara niya iyon. Sugatan din siyang tulad ko.

Sa unang pagkakataon ay binigyan ko si Oreng ng isang tunay na ngiti.

At sa unang pagkakataon din ay binigyan niya ako ng tunay niyang ngiti.

The game changed after that.

The Room (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon