BUNTIS ANG GIRLFRIEND NI DAX. HEHE. YON ANG RECAP.
DAY 12
DAX
NANG umagang iyon ay pinayagan ni room manager na matawagan ko si Maricel. Kaya para akong tanga habang palakad-lakad sa kusina, ngiting-ngiting hawak ang cell phone sa tainga ko.
"May suspetsa ka na bang buntis ka bago ako umalis diyan?" sabi ko.
"Oo," sagot ni Maricel. "Pero ayokong sabihin agad sa 'yo dahil hindi ko sigurado. Ayokong umasa ka."
"Hindi pa rin ako makapaniwala. Binigyan uli tayo ni Lord ng second chance. Makakapagsimula na tayo ng pamilya."
"Mahal kita," sabi ni Maricel. May bumakas na pangungulila sa tinig niya.
Nag-alala ako. "Ayos ka lang ba?"
Tumawa siya. "Ayos lang. Ayos lang. Emosyonal lang, kasi buntis nga. Gusto ko lang talagang sabihin. Mahal kita at masaya ako na may simulang pamilya kasama ka."
"Mahal din kita."
Pagkatapos niyon ay sinaway na ako ni Marco, na bumisita sa 'min nang araw na 'yon para iabot ang cell phone na gagamitin ko para tawagan si Maricel.
"Cel, kailangan ko nang ibaba," sabi ko.
"Sige," sabi niya. "Ingat ka. Hindi ako makapaghintay na makita ka uli."
Natapos ang tawag. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang braso bago iabot kay Marco ang cell phone. "Salamat," sabi ko.
"Congratulations," bati sa 'kin ni Oreng. Lumapit siya sa 'kin at tinapik ako sa braso. Siguro sobrang saya ko kaya di ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. Mahigpit. "Ninong ka, ah."
"'Tang-ina, gan'to hitsura, ninong?"
"Ninang. Whatever."
Tumawa siya, tinapik-tapik ang likod ko. Kumalas ako sa kanya at sabay kaming bumaling kay Marco.
"May task ba kami today?"
Ngumiti si Marco. May nakasukbit na backpack sa likod niya. Hinubad niya iyon at binuksan. And from there, he pulled out a huge doll. Lalaki ang manika, naka-jumper na asul. Mukhang Chucky na tinipid.
"So, what will we do?" tanong ko.
ORENG
ALAS-SIYETE ng gabi, nakaharap uli kami sa camera sa sala. Nakaupo kami sa sofa habang sa tapat ng couch ay nakaupo ang manyika.
Simple lang ang task. Kailangan naming magkunwari na anak namin ang manyika. Paano raw namin ipapaliwanag ang konsepto ng sex sa anak namin, kapag nagsimula na iyong magbinata? At paano raw kung maging bakla ang anak namin? Paghahanda raw iyon sa nalalapit na pagkakaroon ng anak ni Dax.
"Kalokohan na naman 'to," sabi ni Dax. "Bakit natin kailangang magpanggap na may anak tayo?"
"Gawin na lang natin," sabi ko. "Ikaw na mag-umpisa. Never namang ipinaliwanag sa 'kin ng tatay ko ang konsepto ng sex."
"Hindi rin naman ipinaliwanag sa 'kin," sabi ni Dax. "Hindi naman uso sa Pilipinas 'yon."
"O kaya nga. Kaya nga naisip ng room manager natin na ipractice na, para ikaw ang magpauso," sabi ko. "Pero ikaw, maging honest ka, ah. 'Pag bakla ang anak mo, isisilid mo ba sa drum na may tubig
"Uso pa ba ang drum?"
"Hehe, patawa," sabi ko. "Kasi, you never know, 'di ba? Paano kung bakla ang ipanganak ng asawa mo."
BINABASA MO ANG
The Room (R-18)
Fiksi UmumIsang lalaki. Isang bakla. Magsasama sa isang kuwarto sa loob ng isang daang araw. Isang daang libo ang kapalit nito, basta magawa nila ang mga task na ipapagawa sa kanila. The tasks were simple at first. And then the tasks became revealing, intimat...