DAY FIVE AND DAY SIX

2.2K 38 6
                                        


DAY 5

ORENG

Sa ikalimang araw, our task was to create a chore schedule. Schedule ng kung sino ang maglilinis ng bahay. We did it. No sweat.

DAX

I miss Maricel. Kapag gabi na at nakahiga ako sa sofa (dahil isang linggo si Oreng sa kama) naalala ko si Maricel. Yayakap ako ng unan at iisipin na si Maricel iyon

__________

DAY 6

ORENG

Ang task namin ng araw na iyon ay maglaro ng "Would You Rather." Muli, binigyan kami ng tig-isang envelope na may lamang mga tanong para sa isa't isa.

Magkatapatan kaming nakaupo sa kama, nakatingin sa mga papel namin.

"Ako ang mauunang magtatanong, ha?" sabi ko na. Kasi mukhang tulala siya. Two days na siyang gano'n. Dahil ba sa sofa na siya natutulog? Arte naman niya.

"Would you rather... makalipad o maging invisible?" tanong ko.

"Makalipad," he answered.

"Ay, ayaw mong maging invisible?" sabi ko, pakialamera talaga. "Masisilipan mo lahat ng gusto mong silipan."

Tiningnan niya ako ng masama.

Okay, you have to understand na... na hindi naman ako manyak. Pero kasi, bored na bored na ko dahil wala na akong magawa. Walang mapanood. Walang makausap. Kaya kaninang tanghali, hindi ko matiis na...

Well, ganito kasi ang nangyari. Natatae kasi ako. May gata kasi 'yong pagkain na iniluto ko kagabi. Nag-abang ako sa tapat ng CR, kasi naliligo si Dax. Paglabas niya, malay ko bang topless? Dati naman, paglabas nya ng CR, nakarobe pa. Kuntodo takip pa akala mo sisilipan.

E nakalimutan siguro ang robe. Ayun, walang suot pang-itaas. Shorts lang. Boxers pa, di pa kasi nakapaglaba.

E ako naman, hindi baklang marupok. Baklang bored lang.

Napatitig ako.

Inpeyr.

Maganda naman ang katawan pala. Malapad ang dibdib. Mukhang matigas. Brown na brown ang maliit na utong. Ang tiyan, may abs, pero hindi malalim. Kaya hindi nakakatakot. Saka may karug! Eh, weakness ko ang karug eh. Para sa mga di alam, ang karug 'yong buhok sa ilalim ng pusod. Pero di ko sure. Search mo.

So ayun, napatingin ako sa karug niya. Manipis naman, 'di naman mukhang may carpet siya sa puson. Nagsimula sa ilalim ng pusod, dumiretso pababa, pero pinutol ng waistband ng boxers. Saan kaya nagtungo ang karug? Saan ang destinasyon ng karug? Saan ang hangganan ng karug?

Tunog teleserye 'yon ah. Saan ang hangganan ng karug?

Chour.

Tapos siyempre nasa waistband na ang mga mata ko, eh saan pa pupunta? Lalo pang bababa. Sa tapat ng boxers niya, sa umbok doon.

Doon ako nahiya, nag-angat ako ng tingin. Matalim ang titig niya sa 'kin.

"Sorry."

Iiling-iling siya na parang disappointed sa 'kin tapos ay naglakad papunta sa closet. Gusto kong depensahan ang sarili ko, pero ano namang sasabihin ko?

Bored kasi ako, sorry?

"Ask another question," sabi ni Dax.

"Okay..." sabi ko. "Makipagsex sa babaeng saksakan ng pangit o makipagsex sa magandang bakla?"

Parang bahagyang nanlaki ang butas ng ilong ni Dax dahil sa sinabi ko.

"Frienny, relax ka lang, ha. Nakasulat talaga 'yan."

"I only want to make love with my girlfriend," mariing sabi ni Dax.

"Wala siya sa choices," sabi ko. "Not unless saksakan siya ng pangit?"

"No, she's beautiful," sabi ni Dax.

"O eh di wala siya sa choices," inis na sabi ko. "It's just sex, Dax. Hindi tinanong ang making love. Kasi, 'di ba, ang making love... may love? Kaya nga making love. Sex lang, frienny. Tawag lang ng katawan. Dikta lang ng laman."

Sa totoo lang, curious din kasi ako sa sagot niya. Kaya naglecture na ako.

Mukhang nafrustrate naman si Dax.

"I'd rather be with an ugly woman," sabi ni Dax. Namumula na pati tainga. "Than with a guy."

"Eh di ugly woman," sabi ko, pinigilang magkaroon ng bitterness sa tinig.

So, nganga talaga ako. Mabuti pang maghanap na lang ako ng ibang mapaglilibangan. Kaysa umasa na titigil sa pagiging homophobic 'tong si Dax.

_______

DAX

Hindi ako makatulog. Tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, naalala ko si Maricel. How soft her body was against mine. Whenever we're making love, I would collapse on top of her. I can feel her heartbeat. I would usually count them.

Napaungol ako nang makitang nakaumbok na ang boxers ko. I am obviously aroused. Pabiling-biling ako sa higaan, hindi alam ang gagawin.

Kailangan kong makaisip ng ibang bagay--iyong bagay na magpapawala ng libog ko.

Oh yeah. I can think of my pesky roommate.

Kanina, si Oreng, tumitig sa 'kin. Paglabas ko ng banyo, tinitigan niya ang katawan ko. Pababa. I know he stared cause I was staring at her--him.

It's weird. It's awkward. It's a little bit disgusting.

Yes, alam kong kapag inisip ko nang inisip ang nangyari kanina, mawawala ang erection ko. Kailangan ko lang isipin nang isipin ang ginawa ni Oreng, kailangan lang...

It didn't work.

I'm still hard.

Fuck.

The Room (R-18)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon