DAY FOUR

2.1K 37 8
                                    

APAT NA ARAW NA SINA DAX AT ORENG SA SILID... ARE THEY READY FOR THE THIRD TASK?

DAY 4

TASK NO. 3

NGAYONG GABI AY MAGKAKAROON TAYO NG MALIIT NA PAGSUSULIT. NAGPADALA AKO NG ISANG TAO NA MAGTATANONG SA INYO TUNGKOL SA ISINAGOT NG KAPARTNER N'YO SA TASK KAHAPON. KAPAG NAKASAGOT AY MAGKAKAROON NG ISANG PUNTOS. BIBIGYAN NAMIN NG ISANG LIBONG PISO ANG INILAGAY N'YONG TAO SA PINIRMAHAN N'YONG WAIVER.

KAPAG HINDI NAKASAGOT, BUBUNOT KAYO NG PAPEL SA BOWL AT GAGAWIN ANG CHALLENGE NA NAKASULAT DOON.

HANGAD KO LAMANG ANG PAGTATAGUMPAY N'YO SA MGA HAMON NG SILID. MABUHAY KAYO!

HOPING THAT YOU ALREADY KNOW EACH OTHER,

YOUR ROOM MANAGER

DAX

Hindi ako makapiwala sa note na ipinakita sa 'min ng isa sa mga staff na kumatok pagsapit ng alas-siyete sa ikaapat naming araw sa silid. Dumaan na ang buong maghapon na wala kaming nakikitang note kaya naisip namin na wala kaming gagawing task ng araw na iyon.

Hanggang sa dumating nga ang staff na ang pangalan ay Marco. Matangkad siya kaya medyo overwhelming ang presensiya niya. Nakasuot siya ng puting long-sleeved na polo at itim na tsaleko na uniform ata ng mga lalaking staff. May dala siyang isang glass bown na may mga papel sa loob.

"So, Marco, you mean to say... kapag nasagot namin ang questions, makaka-receive ng 1k 'yong mahal namin sa buhay?" sabi ni Oreng. Nang mapagbuksan ko kanina si Marco at makita ni Oreng ang lalaki, nag-panic ang bakla. Dumiretso sa banyo, may dala-dalang gown, make-up at wig. Paglabas niya ng banyo after ata ng thirty minutes ay ayos na ayos na siya, akala mo sasagala.

Ngumiti si Marco at tumango. "Opo."

"'Wag mo naman akong I-po, Marco. Principal ba ko sa school n'yo?" Tumawa si Oreng, bahagyang hinampas ang balikat ni Marco. "May number ka?"

"Hindi mo siya matetext, bawal dito ang cell phone," sabi ko. Bumaling sa 'kin si Oreng, tiningnan ako na parang naiirita sa 'kin. "Puwede ba kitang kausapin saglit?"

Hindi nakapagsalita si Oreng.

"Marco, kakausapin ko lang saglit si Oreng, ah," sabi ko. Bago pa siya makasagot ay hinila ko na ang kamay ni Oreng patungo sa tulugan.

Nang makarating kami doon ay hinila niya ang kamay niya. "Tsansing ka."

Para akong inakusahan na aswang ako kapag bilog ang buwan. "Hindi kita tsinatsansingan!"

"O, ano ba'ng gusto mong sabihin at gusto mo pa ng privacy?"

"Hindi ko tinandaan ang mga sagot mo sa slumbook kahapon," mahinang sabi ko, tarantang nahihiya.

"Ha?" sabi ni Oreng. "Patay kang bata ka."

"Hindi kasi ako interesado sa mga sagot--"

"So, wow, interesado ako sa 'yo, gano'n?"

"'Di ko sinabi 'yan."

"Wow ka pala, eh. Sino ka para pagkainteresan? Nakatapak ka na ba sa buwan? Sa Mt. Everest?"

Umiling ako para sabihing hindi ko siya naiintindihan.

"Excuse me," biglang sabi ni Marco na nilapitan na pala kami.

The Room (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon