DAY ELEVEN: DIRTY DANCE TASK

2.9K 31 16
                                        

HELLO! RECAP KASI BAKA LIMOT MO NA!

SI DAX ANG LALAKING NAKULONG SA SILID. NALAGLAG ANG ANAK NILA NG GIRLFRIEND NIYANG SI MARICEL.

SI ORENG ANG BAKLANG NAKULONG SA SILID. GINAGAWA NIYA ITO PARA SA TITO NIYA NA MAY AIDS.

DAY 11

ORENG

SA UMAGANG ITO AY IKAW LANG ANG MAY TASK, ORENG. BASE SA MGA PANAYAM NAMIN SA MGA MAHAL MO SA BUHAY, ISA KANG MAHUSAY NA PERFORMER SA COMEDY BAR. MARUNONG KANG KUMANTA, MAGPATAWA AT HIGIT SA LAHAT, SUMAYAW. ISA RAW SA MGA MADALAS MONG ROUTINE SA COMEDY BAR ANG PAGSAYAW MO SA HARAP NG MGA LALAKING PAROKYANO.

KUNG MAARI AY IPAKITA MO KAY DAX ANG TALENTO MONG ITO. MANGYAYARI ANG PAGTATANGHAL MONG ITO MAMAYANG ALAS-SIYETE NG GABI.

HANGAD KO LAMANG ANG PAGTATAGUMPAY N'YO SA MGA HAMON NG SILID. MABUHAY KAYO!

SINCERELY,

YOUR ROOM MANAGER

MAASIM ang mukha ni Dax nang ipakita ko sa kanya ang note na kinuha ko mula sa refrigerator. Ako ang naatasang magluto ng almusal kaya ako ang unang gumising. Nang magising siya at dumulog sa mesa ay ipinakita ko agad ang note. At nakita kong naalarma siya sa nabasa.

"Ano'ng klaseng sayaw ba 'to?" sabi ni Dax. "Folk dance?"

"Tanga lang?" sabi ko. "Comedy bar, may pa-folk dance? Ano kami, sectarian school?"

Nagsalubong ang kilay ni Dax. Ibinaba ang note sa mesa. "Eh, ano'ng klaseng sayaw nga?"

"Folk-folk dance," sabi ko.

"Ha?"

"Pokpok dance."

Natigilan siya saglit. Tapos ay parang nawalan siya ng gana, ibinaba niya ang kutsara at tinidor sa plato niya. Humugot siya ng malalim na hininga at umiling.

Hindi na siya nagsalita hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihing ang galing ko kaya!

DAX

MAY paraan ang mga lalaki na iraos ang libog kahit mag-isa lang. Natuklasan ko iyon noong trese ako. Nasa loob ako ng banyo at pinaglaruan ang ari ko, na sinasabing ginagawa raw ng mga nagbibinata. Kapag di raw ginawa iyon ng lalaki, bakla raw. Kaya ginawa ko. Noong una ay tatawa-tawa ako, tumataas ang balahibo sa ginagawa. Inisip ko na laro lang iyon, katuwaan.

Tapos nagulat ako!

May lumabas!

Nang lumabas ang semilya ko, nawala ang ngiti ko. Galing ba talaga yon sa kin? Madulas-dulas na parang Cream Silk. Ano'ng... ano 'yon? At bakit masarap?

A door was opened inside of me. At ginawa ko na iyon sa kung saan-saan—sa banyo, sa kama, sa bahay ng kaibigan. I think once that door swung open, men can never ever close it again.

Nang marinig ko ang task na ipinapagawa sa 'min, alam ko na gusto talaga ng room manager naming na maakit ako kay... Oreng. Alam ko na gusto niyang may mangyari sa 'min. O gusto niyang magkaroon ako ng reaksyon habang sinasayawan ako ni Oreng.

Hindi ako papayag.

So I entered the door again.

Nang maliligo na ako ay sinabon ko ang buong katawan ko. Hinawakan ko ang mabulang ari ko at sinimulang hagurin iyon. Napasandal ako sa malamig na tiled wall, ang mainit na tubig ng shower ay nag-iiwan ng mapupulang marka sa maputi kong balat. Bumiling-biling ang ulo ko hanggang sa makita ko ang nakasampay na T-shirt ni Oreng sa di kalayuan.

The Room (R-18)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon