DAY 3
DAX
Pagkagising namin ni Oreng, may dalawang malaking white board na may stand na sa sala. Nagkatinginan kami, pareho pang magulo ang buhok mula sa pagkakatulog. Sabay kaming lumapit sa white board.
May nakasulat sa white board. Ginawa iyong parang isang pahina sa slumbook na nauso noong mga bata pa kami.
Name:
Nickname:
Favorite Food:
Favorite Actress/Actor:
Favorite Sex Position:
Ambition:
Happiest Moment:
Most Embarassing Moment:
Weirdest Place You Had Sex:
What is love?
Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit may tungkol na naman sa sex?"
Hindi nagkomento si Oreng. Nilingon niya ang refrigerator at may nakita siya roon. Nilapitan niya iyon, kinuha ang papel na nakadikit doon. Naglakad ako palapit sa kanya. Binasa ko kung ano ang nakasulat sa papel.
TASK NO. 2
BINABATI KO KAYO! KAHIT PAANO AY NAKILALA N'YO ANG ISA'T-ISA KAGABI AT NATUTUWA AKO DOON. PERO HINDI IYON SAPAT. MATAGAL PA KAYONG MAGKAKASAMA SA SILID AT MABUTING MAS MAKILALA N'YO PA ANG ISA'T-ISA. KAYA KO IPINADALA SA STAFF ANG MGA WHITE BOARD.
PAMILYAR BA KAYO SA SLUM BOOK? MAIHAHALINTULAD SA PAGSAGOT NG SLUM BOOK ANG GAGAWIN N'YO MAMAYANG ALAS-SIYETE NG GABI. SAGUTAN N'YO ANG MGA TANONG NA NAKASULAT SA WHITE BOARD SA HARAP NG ISA'T-ISA. MAKABUBUTI KUNG PAG-UUSAPAN N'YO ANG INYONG MGA SAGOT.
HANGAD KO LAMANG ANG PAGTATAGUMPAY N'YO SA MGA HAMON NG SILID. MABUHAY KAYO!
SINCERELY,
YOUR ROOM MANAGER
Nagkatinginan kami ni Oreng. Pinaikot niya ang mga mata, saka niya sinabi, "Ako naman ang magluluto ng almusal today."
_________-
ORENG
Ang boring. Ang boring. Ang boring.
Hindi naman kasi ako palabasa, kaya ayokong magkunwari at kumuha ng libro. Ayokong mag-attempt, di bagay sa 'kin! Gusto ko mang maglaro ng board game, di ko naman mayaya si Feelingerong Guwapong Suplado. Alangan namang maglaro ako mag-isa?
Kaya nagmake-up na lang ako para malibang. Kapal ng make-up ko, drag kung drag. Sinuot ko 'yong gown kong masikip, 'yong makikita ang kurba ko. May slit sa legs, kita ang likod. Nagsuot ako ng brown na wig na sabug-sabog, pero magandang tingnan. Kuntodo project ako sa salamin. Kembot ako nang kembot, kumakanta pa.
"Cover girl, put the bass in you walk. Head to toe... let your whole body talk."
Nakapikit pa ako, habang gumigiling pababa ang katawan. Feel ko, sex symbol ako.
BINABASA MO ANG
The Room (R-18)
General FictionIsang lalaki. Isang bakla. Magsasama sa isang kuwarto sa loob ng isang daang araw. Isang daang libo ang kapalit nito, basta magawa nila ang mga task na ipapagawa sa kanila. The tasks were simple at first. And then the tasks became revealing, intimat...