DAY TEN B (Porn Challenge)

3.6K 42 12
                                    

RECAP, PLEASE READ: ANG TASK NI BEKI AT NI GUY, MANOOD NG PORN NG MAGKASAMA...

DAY 10-B

ORENG

I remember the first time I watched porn. First year high school yata ako. VHS pa 'yon. Playboy, ang star si Anna Nicole Smith. Yong video, puro si Anna Nicole Smith lang. Wala siyang kasamang lalaki. Pa-pose pose lang siya, pa-cute nang pa-cute.

Natakot ako! Ang laki ng suso niya, puwedeng gawing sandata kapag naholdap siya or something. Pwede ding pandikdik ng bawang at sibuyas.

At alam mo, wala akong naramdaman. Hindi ko naramdaman 'yong sinasabi ng mga classmate kong lalaki na maninigas daw kapag nakakita ng babae. Walang nanigas.

In fact, ang ginawa ko, ginaya ko 'yong mga pose ni Anna Nicole Smith. Ginaya ko 'yong paraan niya ng pagtitig, iyong parang lagi siyang may pinapalapit. Nakahiga ako sa banig no'n. Humahawak sa flat kong dibdib na para bang may suso ako doon.

Nakita ako ng tatay ko. Natigilan siya saglit, tapos ay pinagmumura ako. Kasunod niyon ay masasakit na mga latay at mas masasakit na salita ang natanggap ko.

The second time I watched porn, third year high school na ako. VCD na 'yon. Binili ng tatay ko at naiwang nakasalang sa player. This time, hindi na lang babae. May lalaki na. At ang mga mata ko, nakatutok lang doon sa lalaki. Hindi nilubayan ang lalaki. Nagpakasawa sa lalaki.

Doon ko rin naramdamang nag-iinit ang katawan ko, doon ako unang tinigasan ng bongga talaga, doon ko nalaman kung ano ang gusto ko, doon ko nakilala ang sarili ko.

At ngayon... seryoso? Manonood ako ng porn? Na may kasamang lalaki?

"Bakit?" wika ni Dax na parang nafu-frustrate. Nakatitig siya kay Marco. "Bakit porn?"

"Oo nga," salo ko. "Bakit 'di na lang... Disney?"

Sunod niyon ay nag-pose ako ala Elsa, na keri naman since full drag ako (May wig at naka-blue na gown) Kakanta sana ako ng "Let It Go" pero nagsalita na si Marco.

"That's the task," sabi niya, kay Dax nakatingin. "Hindi pa ba kayo nanonood ng porn?"

"Hindi 'yon ang issue," sabi ni Dax. Salubong na ang kilay nito.

"Bakit may issue?" sabi ni Marco, umangat ang isang sulok ng labi. "Guys, they watch porn with one another. Dumaan ka din sa pagiging high school at college, alam mong nangyayari 'yon."

"Oo nga, 'no?" singit ko, tumingin kay Dax. "Bakit ang boys, nanonood ng porn ng magkakasama?"

Hindi ako pinansin ni Dax.

"Iba 'to," sabi niya.

"Dahil bakla ang kasama mong manood?" sabi ni Marco, umangat ang isang kilay.

Umawang ang bibig ni Dax, tapos ay itinikom niya. Naglayo na lang siya ng tingin at hindi nagsalita.

Bigla ay naging concern naman ako. Alam ko ang nakaraan ni Dax kaya gets ko kung bakit hindi siya komportable. Kaya natagpuan ko ang sarili kong nagsasalita. "Dax... wala akong gagawing masama."

It sucks. It sucks that because of that gay teacher, I had to apologize. Dahil sa nakaraan ni Dax, ako ang kailangang mag-ingat.

"Alam ko," sabi ni Dax. Tumingin siya sa 'kin, binigyan ako ng matamlay na ngiti. "Alam ko. I'm sorry."

Naglayo na lang siya ng tingin. Tumitig na kay Marco. "Just play the damn thing."

Mayamaya pa nga, pinatay na ni Marco ang mga ilaw at in-operate ang DVD. (Shet ha, ayaw na lang I-stream sa Pornhub? La budget?) Nag-flash na sa malaking flat screen TV ang isang magandang babae na nagpapa-gas ata or something. May kumakausap ditong isang lalaki, hindi nakikita sa screen, siya ata may hawak ng camera. Nilakasan ni Marco ang volume.

The Room (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon