Chapter 1
The Reason Why
"Gusto ko siya, Psalm. "
Napapalunok na sabi ko.
"Bakit? Ano ba ang meron siya at bakit gustong gusto mo siya?"
Hindi ko siya matignan sa mata. Kagat kagat ko ang aking labi sa kahihiyan. Hindi ko magawang magsabi sa kaibigan ko.
"Ele? Please tell me. "
Napabuntong hininga ako.
Bakit? Bakit ko nga ba siya nagustuhan? Ha. Gusto lang ba talaga?
Ipinikit ko ang aking mga mata, at saka nagsimulang ikuwento ang dahilan.
____
Taas, baba. Inhale, exhale.
Paulit ulit akong huminga nang malalim. Paulit ulit at ramdam ko ang tagaktak nang pawis sa aking noo.
Pinagmamasdan ko ang aking mga kaklase na abala sa pagdidribol ng bola. Ang iba ay abala sa pagsoshoot nito sa ring."Ikaw na Ele, kapagod. "
Ani Letesia.Kagaya ko ay hinihingal rin siya. Ngunit hindi kagaya ko ay kanina pa siya gumagawa sa performance task nang subject naming PE. Agad akong tumayo at kinuha ang bola sa kamay niya. Mapababae o lalaki man ay kanya kanyang gumagawa sa performance task. Medyo istrikto kasi ang adviser namin.
Lumapit ako sa lider naming si Christina, hawak niya ang isang papel kung saan nakasulat ang mga pangalan naming mga miyembro niya.
"Start. "
Nagdribol ako in place, tapos makailang segundo ay nagtakbo ako habang nagdidribol patungo sa ring. Shinoot ko ang bola sa ring, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko nashoot. Kinuha ko ulit ang bola at nagshinoot ulit ito. Para akong timang, hindi naman kasi ako marunong mag basketball. Ngunit para sa grado ay bahala nang magmukhang timang.
Nakahinga ako nang maluwag nang mashoot ko na ang bola. Nakakapagod. Nagpasalamat ako kay Christina na siyang nagsoscore sa'min, saka ako nagtungo sa pinaruruonan ni Letesia.
"Grabe. "
Hinihingal na sabi ko.Inabot ko sa bag ang tubig ko at tinungga ito.
"Kahit pa tomboy ako ay hindi ko talaga gusto ang sport na 'to. "
Wika ni Letesia.Napatawa na lamang ako ng mahina.
Pagkatapos nang klase, sumakay ako ng tricycle at umuwi na sa amin. Pagkauwi, nadatnan kong wala ang sasakyan namin. Napakadilim nang bahay, halatang walang katao tao. Napabuntong hininga ako at kinuha ang susi sa bulsa at binuksan ang bahay saka pumasok. Binuksan ko ang ilaw at pagod na tumungo sa kusina.
Nilagay ko sa upuan ang bag ko. Saka ko tinungo ang kwarto ni mama, na kahit alam kong ako lang ang tao ay nagbakasakali pa rin ako. Ngunit wala talaga. Naiiyak na ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pagod ako, at kahit pa nagugutom ay nagpunta ako sa silid ko at doon ay natulog na lamang ako.
Kinabukasan ay nakarinig ako ng mga tawanan sa salas. Nagising ako at sinilip ang salas at doon nakita ko ang nanay kong masaya sa kausap niyang lalaki. Nagkalat na naman ang bote ng alak sa sahig. Napailing na lamang ako at sa inis ay isinara ang pintoan ng kwarto ng padabog. Niyakap ko ang unan ng mahigpit.
Naiiyak na ako sa sama ng loob. Dumagdag pa ang kagutuman. Kung ano anong pumapasok sa isipan ko, hindi ko na alam ang gagawin. Sa halip na magmukmok ay kumilos na lamang ako upang hindi malate sa paaralan.
Pagkarating, nilagay ko agad ang bag ko sa silid aralan at muling lumabas. Mayroong program ang school. Sinimulan ang programa,nag greet 'yong host. Hindi ko na pinakinggan ang mga pinagsasabi ng host. Nakita ko si Psalm na kumakaway sa'kin.
Nilapitan niya ako at agad kong napansin ang pagkabagot sa mukha niya.
"Napano ka? "
Tanong ko at binaling ang tingin sa stage. Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko masyadong makita ang taong nasa stage. Nasa gilid kasi ako at wala sa harapan."Ang aga aga ko tapos may program pala. Eh sana nakatulog pa ako ng maayos. "
Naiinis na wika niya.Hindi na ako nakapagsalita pa dahil biglang nagsigawan ang mga kababaihan. Sumilip kami ni Psalm kung ano ang nangyayari at nakita naming naglalakad patungo sa stage ang mga miyembro ng dance troupe.
Hindi na sana ako manunuod pa dahil hindi ko naman masyadong nakikita sa dami ng taong nanunuod. Ngunit nang tumugtog ang kanta,bigla akong hinawakan ni Psalm sa braso at nagtalon talon pa ang gaga. Sumayaw ang dance troupe.Puro sigawan ang mga manunuod. Halos mga kpoper ang mga nagsisigawan at nakisabay sa kantang mukhang sa isang K-pop group.
"Ele, lika! Dito tayo sa harapan! "
Hinila ako ni Psalm sa harapan. Isa itong dakilang kpop fan kaya naman nang marinig ang kantang ito ay agad akong hinila.Bagot akong sumama na lamang sa kaniya. Napunta nga kami sa harapan. Pinanuod ko ang mga nagsasayawan sa harapan, puro magagaling. Mayroong mga babae ngunit mas marami ang mga lalaki.
"Teka, si Leo at Mike ba 'yan? Ahh! Ang galing naman nila! "
Puro tili ng mga babae ang naririnig ko. Puro sigawan sa kilig at saya. Nakakarindi sa pandinig ngunit nang magsimula ang chorus ng kanta, napasulyap ako sa isang taong kabilang sa mga nagsasayawan sa harap. Tila parang nagslow motion lahat. Parang nasa mga palabas, kumbaga.
Dalawa silang pinagkakaguluhan ng lahat. Ngunit isa lang ang napagtuonan ng pansin ko.
Iyon nga ang nangyari, ni mga nakakarinding tili ng mga kababaihan ay parang na mute. Ang taong ito lang ang nakikita ko. Tila parang nagblur lahat ng nasa paligid at sa kaniya lang naka focus lahat. Sumasabay ang katawan niya sa musika, nasa gitna siya at parang isa talagang K-pop idol. Pati buhok niya ay sumasayaw.
Hindi ko alam, pero pati ako napapatili na rin. Sa pagkanta ng iba, ako ay napapasabay na rin. Kahit pa hindi naman ako sigurado kung tama ba ang lyrics na kinakanta ko. Ni hindi ko nga maintindihan. Basta, bigla nalang kumilos ang bibig ko at kumanta.
Hindi ko alam,ano ba ang nangyayari sa'kin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ngayon ko lang ito nararamdaman kung kaklase ko naman ang lalaking nagsasayaw sa harapan? Paminsan minsan nga ay nilulubayan ko lang.
Bakit ngayon pa?
Nagkacrush ata ako sa lalaking ito.
Ano ulit pangalan niya?
Bakit ko nakalimutan,kaklase ko nga 'di ba?
Ah oo nga, Leo nga pala pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Together Under The Stars (Completed)
Historia Corta(Tagalog-English) ( E D I T E D) Every love stories with happy endings has its own main characters. Cinderella with her Prince Charming, Ariel with her Prince Eric, and all the other princesses with their princes. Jesele Benedict has always her e...