Chapter 8: Slowly

1.8K 48 3
                                    


Chapter 8

Slowly

Sabado ulit ngunit nasa paaralan ako. Mayroon kaming practice sa dance troupe dahil may papalapit na program sa school.

"One two three and one two three! "


"Oh, lunch na muna tayo! Be sure to be back at 1pm. "

Huminto na kami sa pagsasayaw pagkasabi ni Mr. Manansala niyon. Siya kasi ang nagtuturo sa aming sayaw.
Hinihingal na lumapit ako sa bag ko. Pagkakuha ko sa tubig ay nanlumo ako nang makitang wala na itong laman.

"Bili nalang tayo ng tubig sa labas. "
Aya sa akin ni Ailee.

Kagaya ko ay pinagpawisan rin siya.
Naglakad kami patungo sa labas. Bumili kami sa pinakamalapit na tindahan. Hindi kasi open ang canteen namin kaya sa labas kami bumili.

"Isang tubig nga po. "

Agad akong napasulyap sa taong nakasabay kong magsabi n'un.
Nakatingin rin siya sa akin at saka ngumiti.

Dugdug.

Ayan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako at dali daling nilingon si ateng nagtitinda,
"T-tubig po. Isa. "

Binigay ni ate sa akin ang tubig saka ako nagbayad. Dahil hindi pa naman nakabili si Ailee, inantay ko pa siya. Uhaw na uhaw na ako kaya dali dali kong binuksan ang tubig na binili ko ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko ito mabuksan.

"Akina. "

Nagulat ako ng kinuha ni Leo ang tubig at saka binuksan ito. Muli niya itong ibinigay sa'kin. Nginitian niya ako.

"S-salamat. "
Ang tanging nasabi ko.

Napainom na lamang ako ng tubig dahil uhaw na uhaw na talaga ako. Pagkatapos bumili ni Ailee ay bumalik na kami sa loob ng school.

"Yieee, ikaw Jesele ah? "
Panunukso ni Ailee sa akin.

"Bakit? "
Kunwaring tanong ko pa kahit gusto ko na talagang magsisigaw sa kilig at saya.

"May pa, akina. Tas sabay bukas ng tubi—"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla kong tinakpan ang bibig niya. Bigla kasing dumating si Leo kasama si Mike. Tumingin si Leo sa'kin at nginitian ako.

Ahhh!

Siniko ako ni Ailee at inalis ko na ang pagkatakip sa bibig niya.

"Sana all nginitian. "
Itinaas baba pa niya ang kaniyang kilay pagkasabi niya.

Inismiran ko na lamang siya at hinalungkat ang bag para kuhanin ang lunch box. Inilabas na rin ni Ailee ang lunch box niya. Nasa gym kami ng school at nakaupo kami sa bench. Ganoon din ang ibang miyembro ng dance troupe, may mga lunch box din sila.

Magsisimula na sana kaming kumain ng biglang lumapit sa'min si Leo.

"Tatabi ako ah? "
Wika niya at tumabi nga sa'min— sa'kin.

Umusog ako papalapit kay Ailee ngunit ang bruha ay tinulak ako sa deriksyon ni Leo. Muntikan na akong mahulog kung hindi ako nahawakan ni Leo sa balikat. Napalunok ako.

"T-thank you. "
Tanging nasabi ko saka ako umayos sa pagkaupo. Patago kong sinipa sa paa si Ailee na humagikgik lang.

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami. Sa totoo lang. Ang sarap sumigaw sa kilig. Ikaw ba naman? Sa sobrang lapit namin sa isa't isa, nagtatama ang braso naming dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin. Na pati kung paano kumain ay nakalimutan ko bigla. Ewan. Para akong tanga.

Biglang tumayo si Ailee. Nagulat ako kasi ang bilis niyang natapos kumain.

"Bili lang akong tubig ah? "
Ngumisi siya.

Nagsalubong ang kilay ko,
"Pero kakabili lang nat—"

"Ubos na. "
Mas lalong lumaki ang ngisi niya.

"K-kung ganoon ay sasama nalang ak—"

"Wag na, kaya ko naman. "
Pinanlakihan niya ako ng mata. Wala akong nagawa kung hindi ay pagmasdan siyang tuksuhin ako gamit ang kaniyang mga mata habang umalis na siya para bumili 'daw' ng tubig.

Nanlulumong nagpatuloy ako sa pagkain habang nakakaramdam ng awkwardness sa pagitan namin ni Leo. Nahihiya akong gumalaw dahil baka nakatingin siya— ah ewan lang talaga.  Kapag talaga nasa malapit ang crush ko ay nakakalimutan ko na kung paano gumalaw— para talaga akong tanga. Ewan ko ba sa'kin.

Natapos na siyang kumain ngunit ako ay ngumunguya pa rin. Ni hindi ko pa naubos ang kalahati ng aking kanin.
Akala ko ay tatayo na siya ngunit nakaupo pa rin siya sa tabi ko kahit tapos na siyang kumain. Akmang isusubo ko na sana ang kanin nang bigla siyang lumingon sa'kin. Hindi ko naituloy ang pagsubo sa kanin, ngunit nakaangat lang ito at nasa tapat ng aking nakabukas na bibig.

Bigla siyang tumawa, halos maramdaman ko na ang pamumula ng aking pisngi dahil sa pagtawa niya.

Nakakahiya.

"Nahihiya ka ba sa'kin? "

Napayuko ako.
Ano ba kasing isasagot ko? Hiyang hiya ako na ayoko nang magpakita pa sa kaniya. Nakakahiya naman talaga. Ikaw kaya ang susubo na sana ng kanin nang bigla ka niyang tinignan? Mas nakakahiya pa ay 'yong nakabukas kong bunganga.

"Huwag kang mahiya sa'kin. "
Dagdag niya pa.

Huwag mahiya.

Eh sa nakakahiya nga eh.
Pinilit ko na lamang na kumain kahit pa nakakahiya talaga. Bahala siya diyan. Nang matapos akong kumain, uminom na ako ng tubig. Inilagay ko sa bag ang lunch box at ang tubig. Pagkatapos, muli akong naupo.

Tinignan ko si Leo na sa akin na pala nakatingin.

Kalma.

Tinaasan ko siya ng kilay,
"Ano? "
Mataray na tanong ko.

Ayoko nang mapahiya. Bahala siya diyan. Ngumiti lang siya pagkatapos ay tumayo.

"Mabuti naman at okay ka na. "
Sabi niya pagkatapos ay lumapit na sa mga kaibigan niya.

Napatulala ako.
Concern ba siya sa'kin?
Ayokong mag-assume. Pero inoobserbahan niya ba ako?

Pinagmasdan ko siyang nakipagkulitan sa mga kaibigan niya.
Ang gwapo niya talaga. Idagdag mo pang talentado at napakabait pa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pangalawang beses na akong nacomfort ng taong 'yan. Though in a different way. Pero kahit na.

Kokonti nalang ang mga lalaking kagaya niya.

Paniguradong napakaswerte nang babaeng maiibigan niya. Pero, sino kaya?

Bigla siyang lumingon sa gawi ko, nginitian ako. Napangiti rin ako ngunit hindi na niya iyon nakita dahil bigla siyang humarap sa mga kaibigan niya.

Crush ko siya. Oo. Ngunit aminado akong unti unti ay nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Sino ba ang hindi? Kung sa panahong down na down ako ay bigla bigla siyang susulpot. Bigla bigla siyang dadating. Binibigyan pa ako ng tubig. Binigyan niya rin ako ng rason para magpatuloy sa panahong nawawalan na ako ng rason para magpatuloy.

Is he an angel in disguise?

He is such a good person.

Right now, I know.
I know to myself that I am slowly falling.

Together Under The Stars (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon