Chapter 2: Inspiration

3.5K 60 1
                                    

Chapter 2

                         Inspiration

Nakatitig lang ako kay Psalm. Inaantay ang magiging reaksyon niya. Kumunot ang noo niya, tapos itinaas ang kanang kilay.

"Dahil d'un kaya mo siya nagustuhan? I mean, is it really only a mere 'crush' or it's already something deeper than that? "

Ngumiti ako.
Napabuntong hininga,
"You know it's not only a feeling of admiration. "

Napanguso ako nang marinig ko siyang tumawa,
"Dahil lang sumayaw siya? Oh my God, Ele. He did not even do something to comfort you. Ni hindi nga niya alam na ganoon ka kaproblemado in life. Plus, you're not even close! "

Nalunok ko na lamang ang sariling laway.

"Look, I know that you still have many reasons  why you fell in love with this guy. Kaya ikuwento mo na sa'kin. "

Nakagat ko ang labi, ngunit kahit na ganoon ay muli akong nagkuwento.

_____

Dasma High Dance Troupe is now looking for new members!

Are you interested to join?
Auditions will start on July 5.
Please approach Mr. Manansala if you're interested to join.

"Interesado ka, Jesele? "

Napalingon ako sa aking likuran at doon ay nakita ko si Shaina.

"Ah,hindi."

Napanguso siya saka inilagay ang kaniyang kamay sa aking balikat.

"Sayang naman, bumalik ka na sa dance troupe, please? Priority ni Mr. Manansala ang mga fourth year."

Napailing iling ako. Oo, dati akong miyembro nang dance troupe. Hindi naman ako magaling sumayaw, sa katunayan nga, ako lang ata ang pinakapangit sumayaw. Minsan nga napapaisip ako, papaanong natatanggap ako 'pag sumasali ako sa auditions? Sumali lang naman ako kasi gusto kong mag improve.

Kaso, nakakarinig ako ng mga negatibong komento patungkol sa'kin.
Kaya nag quit ako. Ayoko nang mapahiya o maback stab. Aminado naman ako na hindi ako magaling sa pagsasayaw. So no, ayoko nang bumalik pa 'dun.

"Sayang naman. Pag-isipan mo sana, Jesele. Sige na, mauna na ako. "

Nagpaalam din ako sa kaniya at nagtungo na sa room. Maiingay na naman ang mga kaklase ko. Mayroong mga kaniya kaniyang grupo. Sa kabilang banda, puro mga nagtatawanan at nagkukulitan. Sa kabila din, puro mga nagkakantahan, nagjajam.

Tapos sa tapat ko lang din, puro mga nagsasayawan. Mas marami ang mga nagsasayawan. Halos puro miyembro ng dance troupe ang mga kaklase ko.

Pumasok ako ng room, naglakad ako patungo sa upuan ko. Ngunit bago ko naabot ang upuan ay nalagpasan ko pa muna ang grupo nila Leo na nagsasayawan. Napasulyap ako sa gawi niya. Ayan, ayan na naman siya sa sayaw na 'yan. Bakit ba kapag sumasayaw siya, ang gwapo niya tignan?

Kahit may mga katabi siya sa pagsasayaw ay sa kaniya lang talaga nakapokus ang aking paningin. Kahit katabi niya rin si Mike Enriquez na ang galing ring sumayaw, idagdag mo pang napakagwapo rin ay kay Leo lang ako nakatingin.

Ang landi.

Naisip ko sa sarili.

Napailing na lamang ako at hindi na tumingin sa gawi nila. Naupo na ako sa aking upuan. Vacant namin ngayon kaya ganiyan kaingay ang mga kaklase ko.

"Ang galing talaga nila sumayaw 'no? "
Wika nang katabi kong si Alisha.

"Especially sina Leo at Mike. Ang gagwapo nilang sumayaw 'no? "
Dagdag pa niya.

Muli akong napasulyap sa gawi ng mga nagsasayaw.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hay, ayan na naman kasi 'yang nakakaattract na pagsasayaw niya. Ayokong madistract sa ginagawa ko—may ginagawa ba ako?

Napapailing na lamang ako.

"Huwag kang magtaksil kay Rodgen, Alisha. Magselos 'yon. "
Wika ko.

Inalis ko na ang paningin sa kanila. Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa.

"Anong Rodgen? Manahimik ka, Jesele. Hindi si Rodgen ang crush ko. "
Napapairap na sabi niya.

Si Stacy na nakarinig sa pag-uusap namin ay biglang sumabat,
"Hindi ba? So si Freddie? Parang crush ka rin n'un eh. Yieeee! "

"Manahimik kayong dalawa, nako! Lubayan niyo nga ako. "

Natawa ako nang mahina.
Chineck ko kung anong oras na sa cellphone ko. Malapit nang pumasok ang teacher sa susunod na subject.

"Ay oo nga pala, may audition sa dance troupe sa July 5. May plano ka ba? "
Tanong ni Stacy matapos tuksuhin si Alisha.

Binalik ko sa aking bulsa ang cellphone. Napa isip ako. Pangalawa na si Stacy sa nagtanong sa'kin. Panigurado akong kukumbinsihin na naman ako nitong sumali ulit sa dance troupe.

"Hindi ko alam. "
Nagkibit balikat ako.

"Sayang naman kung hindi ka babalik d'un. You must live your life to the fullest. Bahala na kung anong pinagsasabi ng iba sa'yo."

"Live your life to the fullest talaga? "
Natatawang tanong ko.

"Oo, minsan ka lang maging high school 'no. Magiging senior na rin tayo next year, paniguradong hindi na tayo makakasali sa mga ganitong clubs dahil sa dami ng gagawin. Well, kung kaya mo naman, edi sumali ka 'pag senior ka na. "

"Stacy has a point. Sure ka ba talagang hindi ka na sasali? Last na natin 'to as juniors. Look, kung may mga negatibong pinagsasabi man ang iba sa'yo, just ignore them. "
Sabi ni Alisha.

"Pero—"

Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang may biglang sumabat sa usapan namin. Sabay kaming tatlo na napalingon sa taong nagsalita.

"Sasali ka sa dance troupe, Jesele? "

Hindi ko alam kung bakit pero natameme ako bigla. Paano ba naman, ikaw kaya tanungin ng crush mo?

Napatikhim ako,
"E-ehem. Hindi ko din alam. "

Ano ba Jesele?!

Sa tono ng boses ko, nagmukha tuloy akong mataray. Ngunit parang hindi naman niya iyon napansin.

"Sumali ka na. Wala naman sigurong mawawala kung sasali ka, 'di ba? "

Tapos ngumiti siya.

AHHH!

Umalis siya sa harapan namin, bumalik siya sa upuan niya.
Nagsalita sila Stacy at Alisha, ngunit natulala ako.  Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin, nababaliw na ba ako? Anong nangyayari sa'kin?

Ngumiti siya.

Iyong ngiti niyang umabot sa mga mata niya.

Peste naman oh.

Oh, ano na Jesele?

Sasali ka ba ulit sa dance troupe ngayong sinabihan ka ng crush mo?
Kaya mo ba? Kaya mo bang makarinig ulit ng kritisismo mula sa ibang tao?

Siguro?

Napalingon ako sa gawi nila Leo. Nagpatuloy sila sa pagsasayaw. Ang galing niya talaga. Flawless 'yong pagkasayaw. Sumasabay talaga ang katawan niya sa musika.

Hindi, parang kabilang siya sa musika. Parang gusto ko nalang tuloy sumali sa dance troupe. Nakaka-inspire 'yong mga galaw niya.

Ang galing niya.

Together Under The Stars (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon