Chapter 5: Felt Supported

2K 55 1
                                    

Chapter 5

Felt Supported


Pati pag-uwi ko ay ang ngiti lang ni Leo ang naiisip ko. Pati kung kanino siya tumingin o kung sino ang nginitian niya ay iniisip ko.

Ano ba, Jesele?

Masyado na akong nagiging malandi. Talagang nagkakaganito ako sa isang lalaki. Pero 'di ba natural lang naman iyon? Papaano ko ba magagawang hindi kiligin kung ganoon 'yong nangyari? Ahh, ewan.

Nagpagulong gulong ako sa kama. Sinubsob ko pa ang aking mukha sa unan. Napapabuntong hininga rin ako. Ano ba iyan.

Natulog na lamang ako at pinilit na huwag nang isipin ang ngiti ng lalaking iyon.

Kinabukasan, masaya akong kumakain sa ulam na inihanda ni nanay. Talagang bumabalik na siya sa dati. Sana naman ay makakalimutan na niyang lumihis sa tamang landas.

"Ito ang baon mo. Sinobrahan ko na rin 'yan para kung may nahiram ka sa kaklase mo ay mababayaran mo na. "
Inabot ni nanay ang baon ko. Sobra naman talaga.

Ngumiti ako kay nanay saka nagpasalamat. Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako, nagmano kay nanay at pumunta na sa paaralan.

______

Isang linggo ang lumipas.

"One two three four, "

Sabay kaming umikot ni Ailee. Muntikan na akong ma out of balance kaya napahinto kami sa pagpapraktis.
"Ulitin natin. Medyo namali ka rin sa pag-ikot. Ganito dapat 'yong paa mo pag-iikot ka. "

Napatango na lamang ako. Pinipilit na ipinapasok sa isipan ang mga aksyong itinuturo niya. Bukas na ang audition sa dance troupe kaya nagpapraktis kaming dalawa. Sana naman ay hindi ako mapapahiya bukas.

____

Hingang malalim Jesele. Huwag kang kabahan, kaya mo 'yan.

"My name is Denise Montes. I am a fourth year student from section Hermes. "

Nasa harapan ang babae, naka dance attire. Nang matapos siyang magpakilala ay agad na ipinatugtog ni Leo ang music. Siya kasi ang nag-ooperate sa bluetooth speaker. Habang katabi niya si Mike na nakaupo sa isang upuan.

Nang magsimula ang musika, sumayaw rin ang babae. Unang galaw pa lang, napapasigaw na ang mga manunuod na kagaya namin ay mag o-audition rin. Magaling siyang sumayaw. Kagaya ni Leo ay sumasabay rin ang katawan niya sa musika. Napapasayaw rin ang iba sa pwesto nila habang nakatingin kay Denise dahil nakakahawa ang vibe niya habang nagsasayaw.

One minute na dapat kang magsasayaw sa harapan. Nang matapos ang isang minuto, puro palakpakan ang mga tao. Pawisan na umalis si Denise sa harapan.

"Ailee Raymundo."
Tawag ni Mr. Manansala sa susunod na mag o-audition.

Agad kong naramdaman ang kaba at paninindig ng aking mga balahibo.
Ako na ang susunod.

Nakatingin ako kay Ailee na tumayo  mula sa pagkakaupo sa sahig. Ngumiti siya sa akin ngunit kahit ganoon ay nakikita ko ang kaba sa kaniyang mukha.

"Ako si Ailee Raymundo from grade 10 section Juno. "

Kampante akong makukuha sa dance troupe itong si Ailee. Alam ko namang magaling siya sa pagsasayaw. Nakita ko na kung paano siya sumayaw. Kinailangan niya lang kasing ipakita ito para hindi masayang ang kaniyang talento. Ipinatugtog na ni Leo ang musikang 7 Rings ni Ariana Grande.

Sumeryoso ang mukha ni Ailee. Pagkasimula ng kanta ay agad ding gumalaw ang katawan niya. Fierce lang ang mukha niya. Paminsan minsan ay ngumingiti. Napapasabay rin siya sa pagkanta.
Talagang magaling siyang sumayaw. Hindi mo nga maipagkakailang kinakabahan.

Nagbow si Ailee matapos niyang sumayaw. Muli, tumindig na naman ang aking mga balahibo. Tumayo na ako dahil alam kong ako na ang susunod.

"Jesele Benedict. "
Tawag ni Mr. Manansala.

Napapalunok na pumunta ako sa harapan. Napasulyap ako kay Leo na sa akin rin nakatingin. Ibinalik ko ang aking paningin sa harapan at pilit na binabalewala si Leo. Baka madistract ako at mawala ako sa focus kapag sasayaw na ako. Mapahiya pa ako sa harapan niya, naku.

"Jesele Benedict, grade 10 from section Zeus. "

Tinignan ko si Leo at tinanguan. Tumango rin siya sa akin at saka ako ay nginitian.

Bwesit.

Pinilit kong huwag nang ngumiti sa kaniya pabalik. Basta. Ayoko lang na mawala ako sa pokus. Makalimutan ko pa ang steps, nakakahiya kung ganoon. Tinignan ko siyang pin-lay ang musikang gagamitin ko.

Kagaya kay Ailee, pareha lang kami ng action at music. Wala na kasi akong maisip na isasayaw para dito sa audition. Hindi naman ipinagbabawal ang magkakapareho.

Nang marinig ko ang pagkanta ni Ariana Grande, ay siyang pagkilos ko rin.

Bwesit.

Si Leo kasi. Nakita kong nakangiti habang nakatingin sa'kin.

Focus, Jesele. Huwag mo nalang pansinin.

Hindi ko alam kung tama ba ang mga galaw ko. Basta, galaw lang ako ng galaw kung ano iyong mga pinagpapraktisan namin ni Ailee na mga aksyon. Wala na akong ibang iniisip pa kung hindi ay ako lang mag-isa at walang nakatingin. Nanalangin na rin ako na sana ay hindi ako nagmumukhang timang habang nagsasayaw.

Ngunit mapapapeste ka nalang talaga kapag makita mong nakatingin sa'yo 'yong crush mo habang nagsasayaw ka. Talagang makaramdam ka ng pagkahiya. Bwesit. Ayoko na. Isang minuto lang naman ang musika pero bakit halos mag-iisang oras na?

Kailan ba matapos ito? Ayoko na.
Bahala na magmukhang timang basta matapos na ito. Ayoko na. Nakakahiya na. Paniguradong pinagtatawanan na ako sa isipan ni Leo.

Halos mapapikit ako ng dumating na ang aksyon na pinaka ayaw ko.
Iyong aksyon na para akong lulusong sa tubig. Ewan kung naiintindihan niyo ba. Basta 'yon. At alam kong hindi ako magandang tignan kapag ganoon ang gagawin ko.

Ngunit ginawa ko nalang. Bahala na.
Patapos na rin naman eh. Pero ansarap lang bumaba sa stage at huwag nang magpakita ni isa sa mga nanunuod. Ngunit buti nalang.

Natapos din.

Napahinga ako ng maluwag. Natapos na sa wakas. Nagsipalakpakan ang mga manunuod. Ngunit ang pinakamalakas na palakpak na narinig ko ay mula talaga kay Leo na nasa tapat ko lang.

"Woooh! "
Mahinang sigaw niya habang pumapalakpak.

Nakatingin siya sa'kin. Nakangiti.
Ngumiti lang ako sa kaniya at dali dali nang umalis doon. Nakakahiya.

Parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa. O hindi kaya ay bigla nalang lalaho ng parang bula. Paniguradong nagmumukha akong timang kanina. Baka nga naiisip na ng iba na napaka trying hard ko sumayaw. Pero muli akong napasulyap kay Leo, ayon.

Bumilis nalang bigla ang tibok ng puso ko. Ikaw ba naman bigyan ng thumbs up mula sa crush mo?

Tangina.

Nakaramdam ako ng suporta.

Together Under The Stars (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon