Chapter 10: Not Mine

1.7K 47 0
                                    

Chapter 10

Not Mine

"Ohhh selos si Jesele. "

"Sene intersecting lines nalang tayo."

"Beket? "

"Para lagi tayong nagmimeet. "

Hindi ko pinapansin sina Psalm, Alisha at Stacy na isang araw na akong tinutukso patungkol sa nangyari noong nakaraang araw. Ayoko. Nakakainis na.

Alam ko naman sa sarili kong nagseselos ako. Alam na alam ko 'yon. Napakasakit nga eh. Pero binabalewala ko.

Patuloy lang ako sa paggunting gunting ng kung ano ano. Wala akong pakealam kung malalaki ang mga boses nila, kami lang naman kasing apat ang nasa room dahil lunch break na at nasa canteen ang ibang mga kaklase namin. Sinamahan ako nina Alisha para huwag daw akong madepress sa nangyari noong nakaraang araw. Naggugunting gunting ako dahil may project na ipapass bukas. Ginawa ko na ngayon para hindi mapansin sina Alisha na panay ang panunukso sa'kin.

"Alam mo kasi Ele, aminin mo nang nagseselos ka talaga. Wala namang masama d'un eh. "
Wika ni Stacy na binabalewala ko pa rin.

"Oo nga. Nagkukunwari ka pang 'di ka affected. "
Dagdag ni Alisha.

"Maghanap ka nalang kasi ng ibang crush, Ele. Alam mo naman at kitang kita mo rin kung paano naging close sina girl at boy. "
Wika ni Psalm na sina Ruby at Leo ang ibig sabihin.

Napahinto ako sa paggunting gunting at tinignan silang tatlo,
"Aminin mo na kasi Ele, nyenyenye. Pinagsasabi niyo diyan? "
Sabi ko.

Muli akong bumalik sa ginagawa ko nang sabay sabay nila akong pagtawanan.
Napa iling iling na lamang ako.
Nagtaka ako sa kanila nang bigla silang huminto sa pagtawa. Kaya ay nilingon ko silang tatlo na sa harap naman nakatingin. Tinignan ko kung ano ang tinitignan nila at ayon.

Bigla na naman akong nakaramdam ng kirot sa puso.

"Weh? 'Di nga? Hahaha. "

Pinapanuod namin sila Ruby at Leo na nagtatawanan. Naupo si Leo sa upuan niya at si Ruby naman ay sa upuan ni Psalm.

"Oo nga kasi. "

Nagkulitan silang dalawa. Bago pa tumingin sina Psalm sa akin ay muli na lamang akong bumalik sa paggunting gunting.

________

Isang linggo ang nakalipas.

"Mapapaaga ang intramurals natin kaya magkakaruon tayo ng practice araw araw. Igugrupo ko kayo at ako na ang mag-aassign ng lider ninyo. "
Wika ni Mr. Manansala.

Sabado ngayon at may practice kami. Kagaya nga ng sinabi ni Sir, napaaga ang intramurals namin.

"Ngunit bago 'yan, iwelcome muna natin ang bago nating miyembro. "

Biglang lumapit si Ruby kay Sir. Ngumiti siya sa amin. Panay bulungan naman ang mga kasama ko. Pati na si Ailee.

"Ang ganda naman niya. "
Hindi na lamang ako nagsalita.

Nilingon ko si Leo na ang laki ng ngiti. Ngiting naabot na ang mga mata.

"Teka sir, since bago natin siyang miyembro. Baka pwede pasampol naman ng sayaw? Lahat kami ay kaniya kaniyang sumayaw n'ung audition. Ang unfair naman kung natanggap siya ng hindi namin nakita kung paano siya sumayaw. "
Nagsangayonan ang mga kasama namin.

Together Under The Stars (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon