Chapter 6
Talented and Cute
Inilagay ko ang bag sa tabi ni Alisha na mukhang maagang dumating. Tinignan niya ako at nginitian.
"Paniguradong hindi mo pa nakita sa school's bulletin board. "
Panimula niya.Nang makaupo ako ay hinarap ko siya,
"Anong mayroon? "Ngumisi siya,
"Natanggap ka sa dance troupe. Yieee, congrats! "
Naitaas ko bigla ang dalawa kong kilay. Nakakagulat. Natanggap pa ako sa lagay na 'yon? I mean, sure naman akong para akong tanga n'ung audition. Oo at kada audition ay natatanggap ako, pero nakakagulat pa rin lalo na't alam kong hindi naman ako magaling sa pagsasayaw."Pati si Ailee. "
Sabat ng bagong dating na si Stacy.Hindi na ako nagulat pa nang sabihin ni Stacy 'yon. Talagang matatanggap naman kasi si Ailee.
Nagsimula nang nagsidatingan ang mga kaklase namin. Lumingon lingon ako. Na saan ba 'yon? Nadismaya naman ako ng hindi ko mahanap si Leo. Mukhang malelate na naman 'yon.
"Sinong hinahanap mo? "
Biglang sabat ni Psalm.Umiling iling ako,
"Wala. "Tumaas ang kanang kilay niya saka naupo sa tabi ni Stacy.
"Magsinungaling ka pa. Alam ko na kung sino. Sinabi mo sa'min kahapon 'di ba? "
"Ahh, hinanap. Sinong hinanap? 'Yong pinakamalakas pumalakpak. "
Sabat ni Alisha."Pumalakpak? Kailan? Ahh, 'nong audition. Oo. "
Napabuntong hininga na lamang ako dahil pati si Stacy ay nakisaling tuksohin ako."Bakit mo ba hinanap? "
Tanong ni Psalm.Umiling ako,
"Wala. ""Talaga? "
Tumango ako.
Ang totoo niyan hinanap ko siya dahil isa 'yon sa nagkumbinsi sa'king sumali sa dance troupe. Ngayong natanggap ako ay napaisip ako sa kaniya bigla. Wala naman akong planong sabihin sa kaniyang natanggap ako dahil paniguradong magkikita kita rin naman kami kapag may practice. Isa pa, kung lalapit ako sa kaniya bigla at ibalitang natanggap ako ay baka magmukha akong feeling close. Magmumukha rin akong tanga gayong hindi naman siya nagtanong.
Oo. Nasabi ko na kina Psalm na may crush ako kay Leo. Hindi na sila nagulat. Sabi nila, napakarami rawng nagkacrush kay Leo kaya hindi na nakakagulat kung pati ako ay may crush rin sa kaniya.
Dumating si Leo, tumayo ang mga kaibigan niya.
"Happy Birthday bro. "
Bati nina Carlo.Nag fist bump sina Leo at Harson. Bumati din si Harson at iba pa niyang mga kaibigan.
"HAPPY BIRTHDAY!"
Sigaw ni Mike sa tainga ni Leo kaya napatakip ito ng tainga."Birthday pala ng crush mo, Ele. "
Sabi ni Psalm.Agad akong napalingon kay Psalm at nilakihan siya ng mata. Nashock kuno siya pagkatapos ay nagkunwaring nagzip sa bibig. Napailing na lamang ako. Paano ba naman, pagkasabi niya niyon ay napakalaki ng boses niya, buti na lamang ay walang taong malapit sa amin kaya walang nakarinig sa sinabi niya.
Naupo na ang lahat dahil biglang dumating ang teacher namin sa first subject.
________________
Vacant namin sa unang subject ngayong tanghali.
Hindi kagaya nang mga nakaraang vacant namin, nakaupo lang ang mga dancerous naming mga kaklase. Ngunit ang kaibahan, nakaform sila ng circle. Sa gitna nila ay si Leo na may hawak na gitara. At si Mike na sinabing siya ang kakanta."Grabe. Ang talented naman niyang crush mo Ele. Sarap bigyan ng hakot awards. Ang galing sumayaw, pati gitara marunong din siya? Gwapo tapos with honors. Ano pa? Bigyan ng award 'yan. "
Pabirong sabi ni Psalm.Biglang lumapit sa'min si Kerth. Hindi napansin ni Psalm na lumapit pala ang boyfriend niya sa'min. Napansin kong medyo nakabusangot ang mukha ni Kerth habang nakatingin sa kaniyang girlfriend na hindi siya napansin. Napailing na lamang ako, paniguradong narinig niya ang sinabi ni Psalm na gwapo si Leo. Nagselos siguro.
Tinapik tapik ko si Psalm na agad namang tumingin sa'kin. Napansin niya si Kerth sa likuran ko. Nagawa pa niyang ngumiti, hindi niya ata alam kung anong nangyari sa boyfriend niya. Biglang hinigit ni Kerth si Psalm. Paniguradong mag-uusap silang dalawa.
Hindi ko na lamang sila pinansin at pinagtuonan na lamang nang pansin ang grupo nila Leo.
"Anong kakantahin? "
Tanong ni Leo.Sinabi ni Mike ang kakantahin niya at nagsimula namang maggitara itong si Leo. Kinanta niya 'yong kanta ng One Direction, 'yong What Makes You Beautiful. At kahit maganda ang boses ni Mike, kay Leo lang ako nakatingin.
Ang cool niyang tignan. Mayroon siyang black na bracelet na panlalaki, suot niya ito sa kanang kamay niya. Mas lalong naging cool siyang tignan dahil dito habang naggigitara siya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang naggitara siya. Alam ko sa sarili ko na kinikilig ako at ang sarap lang sumigaw sa kilig ngunit pinipigilan ko.
Isa sa gusto ko kasi sa lalaki ay iyong marunong maggitara. Talagang dumagdag ang pagkacrush ko sa lalaking ito. Kumanta din 'yong mga kaibigan niya animo'y mga second voice ni Mike. Si Francis ay gumagawa ng beat sa beatbox o cajon. Ang ganda nilang pakinggan na pati ako ay napapakanta na rin.
Nakailang kanta pa sila bago nagpatugtog si Carlo sa bluetooth speaker niya. Dahil mga dancerous nga, agad na nagsitayuan sila at pumwesto sa harap para sumayaw. Pati si Leo na may hawak na gitara ay agad na inabot kay Joshua ang gitara dahil nakaupo lang naman siya.
Sumayaw sila, halos magsapakan na dahil hindi sila nagkasya sa harapan. Kaya ang ginawa nila ay nilagay nila sa tabi ang mga upuan at sa gitna sila pumwesto. Nakapwesto sa tapat ko si Leo. Napatingin ako kay Alisha na tinapik ako at nginisihan ako. Inismiran ko na lamang siya at muling tumingin sa mga kaklase naming nasa gitna.
Hindi ko tinitignan si Leo. Nakakahiya, baka mahuli pa akong nakatingin. Ngunit nang magsimula silang sumayaw ay sa kaniya na ako nakatingin.
Paulit ulit kong sinasabi ito sa tuwing sumasayaw siya. Pero ang gwapo niya talagang tignan. Ang galing niya. Sa tuwing sumasayaw siya ay napapahanga talaga ako. At minsan ay inuuna kong tignan ang buhok niyang sumasayaw rin.
Ang weird pero 'yon talaga ang ginagawa ko minsan. Dumadagdag kasi ang kagwapohan niya kapag sumasabay ang buhok niya sa tuwing sasayaw siya. Agad akong napahinto sa pag-iisip kung gaano siya kagaling sumayaw. Bigla kasi siyang tumingin sa'kin.
Anong gagawin ko?
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngunit tumingin rin ako pabalik. Ngumiti siya sa'kin. Saka pabirong sumasayaw. Ngumiti at tumawa siya. Hindi ko rin namalayan ay napapangiti at napapahagikgik na rin ako sa pinaggagawa niya.
Nakakahawa ang ngiti at pagtawa niya. Parang nadagdagan ata ulit ang pagkagusto ko sa kaniya. Masyado kasi siyang talented at idagdag mo pa ang pagiging cute niya ngayon habang pabirong nagsasayaw sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
Together Under The Stars (Completed)
Short Story(Tagalog-English) ( E D I T E D) Every love stories with happy endings has its own main characters. Cinderella with her Prince Charming, Ariel with her Prince Eric, and all the other princesses with their princes. Jesele Benedict has always her e...