Chapter 7: My Reason To Stay

1.9K 58 0
                                    

Chapter 7

                My Reason To Stay

"So because you were being comforted in a different way, that's why you like him. And because of the way he dance and play guitar and he was being cute?"
Tanong ni Psalm.

Napabuntong hininga ako. Napakamot sa ulo.

"Annnd because you felt that you were being supported by him and he encouraged you to join the dance troupe? "

Napatango tango ako.

"Wait— you told me it wasn't only the feeling of admiration. Pero Jesele, kung ganoon nga naman ang mga pinaramdam at ginawa niya sa'yo, I would only feel thankful. And yes, hanggang crush lang ang mararamdaman ko sa kaniya. I can't call it love. "

Napabuntong hininga ako,
"We are different. Yes, alam kong masyadong maliit na rason iyon para mainlove ako sa kaniya. But that was what I feel. "

Hindi nagsalita si Psalm. Tinignan niya ako sa mata. Napakunot noo ako ngunit ganoon din ang ginawa ko. Tumingin rin ako sa kaniyang mga mata. Mga ilang segundo ay pumikit siya pagkatapos ay muling tumingin sa'kin.

"You have to tell me everything. Alam kong may sapat na rason para mainlove ka sa taong iyon. Masyado siyang pafall—"

"No he's not. "
Kontra ko.

"Yes he is. Kung hindi siya pa fall, bakit ganoon ang mga pinaggagawa niya sa'yo? Why is he so pafall—"

"He is not pafall."

"Then why did he gave you water when you were feeling down, why did he comforted you? Why does he smile at you whenever your eyes meet? "

"He is just being him. He does that to other girls too—"

"Exactly."

Napatikom ako ng bibig.
Nakatingin lang si Psalm sa akin. Iyong tingin na see?

Ngunit umiling ako,
"He is not pafall. "

"Paano mo nasabi? "
Agad na tanong niya pagkasabi ko na hindi pafall si Leo.

"Kagaya ng sinabi ko, ganoon lang talaga siya. He treats girls the way he treats me. Normal lang iyon para sa kaniya. Pero para sa'tin. Sa'ting mga babaeng may gusto sa kaniya, iniisip nating nagpapakita siya ng motibo kahit wala naman talaga. Binibigyan natin ng meaning iyong mga sweet gestures niya kahit para sa kaniya ay wala naman talagang meaning. "
Paliwanag ko.

"I also thought na pafall siya. Na may motibo siya, ngunit inoobserbahan ko din siya. He is just being him. Kung ano siya sa'kin ganoon din siya sa iba. He is also sweet to other people,he is kind to other people, he smiles to other people kasi ganoon talaga siya. Not because pafall siya. Naiisip nating pafall ang tao kasi tayo 'yong nagbibigay meaning sa mga ginagawa  ng tao kahit wala namang meaning talaga. "

Dagdag ko pa.

Napatango tango si Psalm.

"Gets? "
Tanong ko.

"Yes, I get it. Pero sabihin mo sa'kin kung bakit na in love ka sa kaniya. Because you can't call it love just because you saw him dance, smile and play guitar. "
Sabi niya.

And then, bumalik ako sa pagkuwento.

________

Beep beep.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Makailang ulit ng bumubusina si nanay sa mga sasakyan na nasa harapan namin ngunit hindi pa rin kami umuusad dahil sa trapik.

Together Under The Stars (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon