A/N:
I edited the story and added a character and a chapter (chapter 11).
Chapter 12
Enough
Normal na araw lang ngayon. Well, hindi masyadong normal para sa'kin dahil naaalala ko 'yong mga nangyari noong pauwi na kami nina Alisha na sumabay sa'min si Mike. Hindi na ako binabati ni Mike simula noon. Expected ko naman na kasi 'yon kasi nga tanging 'I'm sorry' lang ang sinabi ko sa kaniya. But I know na tama ang ginawa ko. Pero ang hindi ko maintindihan ay hindi ko na sila nakikita ni Leo na magkasama.
Ayokong mag assume na ako ang dahilan. Kaya iisipin ko na lang na baka dahil palagi nang sumasama si Leo kay Ruby.
Napakaraming balloons na nakatali sa upuan ni Psalm na ngayon ay upuan na ni Ruby. May box ng chocolate din.
"Birthday ni Ruby. "
Wika ni Alisha nang magtanong si Stacy."Sinong naglagay nang mga 'yan, diyan? "
Tanong ni Stacy."Eh sino pa ba, edi si Leo. "
Sagot ni Psalm.How sweet.
Napalingon kaming lahat sa pintuan nang dumating si Ruby. Nakakunot ang noo niya nang makita ang mga balloon at kahon ng tsokolate sa upuan niya. Nilapitan niya ito. May kung anong note sa kahon na naging dahilan ng pagngiti niya.
Biglang dumating si Leo.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari dahil hindi ko na sila pinagtuonan ng pansin.
______
Weekend.
Nasa isang beach resort kaming lahat na section Zeus. Inimbitahan kami ni Ruby dito upang magcelebrate sa birthday niya noong nakaraang araw. Dahil mayaman naman siya, sa isang magandang beach resort kami nagpunta.
"Grabe, ang yaman niya talaga eh 'no?"
Sumang ayon si Alisha sa sinabi ni Stacy. Habang tahimik lang kami ni Psalm.
Pagkakita ng dagat, agad na nagsitakbuhan sina Alisha at Stacy. Nag uunahan sila sa dagat. Dahil mainit, nakatayo lang kami ni Psalm sa ilalim ng isang palm tree.
"Hi everyone. Nagrent na po ako ng cottages. Pwede tayong sumilong doon. "
Wika ni Ruby.Nagpunta kami sa mga cottage. Sa cottage nina Ruby kaming dalawa ni Psalm dahil inaya kami ni Ruby sa cottage nila. Medyo awkward dahil hindi naman ako close nila kahit pa magkaklase naman kami. Tanging si Psalm lang ang close sa mga dancerous naming mga kaklase dahil naging seatmate niya rin kasi ang mga ito.
Nagkukulitan silang lahat. Habang ako ay tahimik lang. Nasa isang sulok ako at pinagmamasdan silang nagkukulitan. Nasa tapat namin sina Ruby, Leo, Francis at Carlo. Katabi ko si Psalm na katabi si Kerth at Rizza.
Masyado na ata akong masama dahil sa isipan ko ay nagpapasalamat akong hindi sumama si Mike. Dahil kung hindi ay mas lalo lang akong makakaramdam ng awkwardness at baka lilipat nalang ako ng cottage o hindi kaya'y umuwi na lang.Dahil hindi nga ako makarelate sa kanila ay kinuha ko na lamang ang cellphone ko at naglaro laro ng games.
Nagbihis ang mga kalalakihan at iba naming mga kaklaseng babae. Naligo sila sa dagat. Pati na si Psalm na iniwan ako sa cottage. Ako lang ang tao sa cottage kasama ang natutulog na si Rizza. Hindi kasi ako pwedeng maligo dahil red days ako ngayon.
Nasa dalampasigan lang ako at pinagmamasdan silang masayang naliligo sa dagat.
Sumapit ang pananghalian. Ngunit bandang alas kwatro na kami nakakain dahil masyado silang naaliw kaliligo sa dagat. Kumain kaming lahat sa cottage. Pero bago kumain ay kinantahan muna namin si Ruby ng happy birthday.
Pagkatapos kumain ay napagpasyahan nilang magvideoke. Aayaw na sana ako ngunit hinila ako ni Ruby na napansin pala ako na kanina pang nasa cottage.
Nauna silang kumanta. Nang kumanta si Leo ay napatawa ang lahat sa boses niya.
Mayroon naman palang hindi alam ang lalaking 'to. Akala ko ay lahat alam niya.
Bigla akong inabutan ni Ruby ng mic. Hindi kami close pero ginagawa niya ang lahat para hindi ako mabagot. Dahil nakakahiya naman kung tumanggi ako ay tinanggap ko ang alok niyang kumanta.
Habang kumakanta ako, napasulyap ako kay Leo na nakatingin pala sa'kin. Bigla niya akong nginitian na naging dahilan ng pagtibok ng aking puso. Ngingiti na sana ako sa kaniya nang lumapit si Ruby sa kaniya at naputol ang pagtinginan naming dalawa. Tinapos ko na lamang ang kanta bago umalis doon.
Nasa dalampasigan ako. Pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw. Napapasinghap ako sa ganda ng tanawin.
Ang sarap sigurong panuorin ang tanawing ito kasama ang boyfriend mo 'no? Ngunit mas maganda kung nakatingala kayo sa langit habang pinagmamasdan ang kumikinang na mga bituin.
Kumuha ako ng isang bato saka ito inihagis sa dagat.
Sino kaya?
Sino kaya ang makakasama kong titingala sa madilim na kalangitan habang nagmamasid sa mga bituin?
Kumuha ulit ako ng bato. Akmang ihahagis ko na ito sa dagat ngunit napansin kong hugis puso ito.
"Ang ganda 'no? "
Napalingon ako sa biglang nagsalita.
Nakatingin lang siya sa lumubog na araw. Habang ako ay nakatingin sa kaniya. Napalingon siya sa hawak ko, kinuha ito mula sa kamay ko. Pinagmasdan ang batong hugis puso.
"Heart. "
Wika niya.Dugdug
Ilang ulit kong tinry na isteady ang ang pagtibok ng puso ko ngunit—
Dugdug
Wala talaga.
Ngumiti siya, kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang bato.
Saka siya umalis.Ah.
Pinagmasdan ko siyang bumalik sa cottage. Habang ako ay napahawak sa dibdib ko.
Napabuntong hininga ako. Tinignan ko ang dagat. Madilim na. Tinignan ko ang bato, saka ito inihagis sa dagat.
Bumalik ako sa cottage.
Pagkabalik, kumakain na sila ng hapunan. Inaya ako ni Psalm ngunit tumanggi ako. Naupo na lamang ako. Iniiwas ko ang paningin ko sa kanila ni Ruby at Leo na nagseshare ng pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpipicture silang lahat sa dalampasigan. Habang ako lang ang natira sa cottage. Nasa likuran ako ng cottage at nagmamasid sa kanila na nagpipicture.
Napabuntong hininga ako.
Ayoko na.
Naisip ko.
Ayoko na sa ganito. Tama nang nasasaktan ako sa isang taong hindi naman ako gusto. Tama na. Ayoko na.
A/N:
Some of you might be asking who is Mike? I actually edited the story and added a character and a chapter. So if gusto ninyong malaman kung sino si Mike, you can read the story all over again if you want. Or just nah.
![](https://img.wattpad.com/cover/217678212-288-k508994.jpg)
BINABASA MO ANG
Together Under The Stars (Completed)
Short Story(Tagalog-English) ( E D I T E D) Every love stories with happy endings has its own main characters. Cinderella with her Prince Charming, Ariel with her Prince Eric, and all the other princesses with their princes. Jesele Benedict has always her e...