Chapter 11: Mike

1.2K 43 4
                                    

WARNING:

This is a new chapter that I added after editing the story. To those readers na nakapagbasa na sa kalagitnaan ng storya at hindi alam kung sino si Mike, I don't really think it would be necessary for you to read it again from the beginning. But I am sure na medyo maguguluhan kayo.

Chapter 11

                                Mike

"But you're not telling me something."
Wika ni Psalm.

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya,
"Anong something?"

Napataas siya ng kilay at tinuro ako,
"Mike."

Napakamot ako ng ulo,
"Anong Mike? Bakit, anong mayron kay Mike?"

Tinignan niya ako ng parang hindi makapaniwala sa akin,
"I know that you know what I mean, Ele."

Napabuntong hininga ako. Alam ko na kasi na kahit na ilihis ko 'yong topic ay ipagpipilitan pa rin ni Psalm na magsalita ako. Kaya wala akong choice kung hindi ay nagsalita,
"Ayokong pag-usapan si Mike, okay?"

"Pero nanotice ko noon. He always stares at you, do you know that?"

Umiwas ako ng paningin.

Ugh.

Ayoko talaga pag-usapan si Mike.

"He clearly has feelings for you. Nakakagulat nga na hindi na siya sumasama kay Leo gayong parang magkambal 'yong dalawa. Some of us noticed na palagi siyang tumitingin sa'yo. Nagselos nga si Kerth sa kaniya kasi inakala niyang sa akin tumitingin si Mike when in fact sa'yo siya tumitingin. Tell me, Ele. Anong nangyari? I know may nangyari, and you have to tell me."

________

Matapos nang mga nangyari simula noong dumating si Ruby, napapansin kong lumalapit na si Mike sa akin. Palagi siyang nauupo katabi ko, palagi niya akong pinapansin sa tuwing nadadaanan niya ako. Palaging,

"Hi Jesele."

O hindi kaya'y,

"Jesele good morning."

At napapansin na rin ito halos lahat ng mga kaklase namin. Hindi ko siya maintindihan at hindi ko alam kung bakit niya ako pinapansin ng ganoon kung noon ay lagi lang siyang nakadikit kay Leo at hindi ako pinapansin araw araw. Binabati niya naman ako minsan ngunit hindi kagaya ngayon.

Na kapag nakikita niya ako ay binabati niya ako.

Uwian na n'un at plano ko sanang maglakad pauwi kasabay sina Alisha na pareho lang ang daan na tatahakin namin pauwi ngunit hindi kami same ng subdivision kung saan kami nakatira. Kasama namin si Sam at May na kaklase rin namin at kapitbahay ko lang din. Nasa daanan na kami nang biglang may kumalabit sa akin kaya napalingon ako sa likuran ko.

Nanlaki ang mga mata ko at halos matumba dahil bigla kong nilayo ang sarili dahil muntikan ng magtama ang mga mukha naming dalawa ni Mike na ngumisi lang. Mabuti nalang ay napakapit ako kay Alisha na nakahawak din sa akin dahil muntikan na akong matumba.

"M-Mike.. "
Tanging nasabi ko.

Umayos ako ng tayo at inayos rin ang bag kong muntikan na ring mahulog.

"Hi Jesele!"
Masiglang bati niya sa akin.

"Hello."
Sabi ko.

Muli kaming naglakad nina Alisha habang sumasabay sa amin si Mike.

"Sabay ako sa inyo ha? Pareho lang naman tayo ng daan na tatahakin."
Sabi niya.

Tumango na lamang ako at hindi na narinig ang pagsangayon nina Alisha dahil naging abala siya sa pagaasaran nina Sam at May. Nasa harapan namin sila at natatawa akong pinagmasdan sila dahil ang kukulit nilang tignan.

Together Under The Stars (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon