Chapter 3
Comforted In A Different Way
Padabog na isinirado ko ang pintoan ng bahay. Nang buksan ko ang ilaw ng bahay, agad nag init ang aking ulo. Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig, napatakip pa ako ng aking ilong sa mabahong amoy ng sinuka sa sahig. Minasahe ko na lamang ang aking ulo.
Inis na pinulot ko lahat ng bote ng alak at inilagay ang mga ito sa trashbag.Pagkatapos na maitapon ang mga bote ng alak, pumasok ako sa kusina, tinignan ang lamesa at nakita itong walang kahit anong pagkain man lang. Tinungo ko ang ref, binuksan ito na nagbabakasakaling kahit sa gabing ito lang ay makakain man lang ako. Ngunit wala. Ni tinapay lang,wala talaga. Napabuntong hininga ako.
Kinuha ko ang mop, tinungo ang salas at nilinis ang sinuka sa sahig. Napaiyak ako sa prustrasyon, sa gutom, sa pagod, sa galit. Pagkatapos malinis ang sahig, naihagis ko ang mop sa banyo. Napaiyak ako. Dumagdag pa ang tiyan kong tumutunog.
Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Ingay ng mga taong nagtatawanan. Pagbukas ng pinto. At mga sapatos.
"Ang linis ah. Mukhang dumating na anak mo,Luisa."
Sabi ng isang lalaki."Oo. Eh tara na't mag inuman. Ano pa ba kasi ang inaantay mo diyan. "
Naikuyom ko ang aking kamao.
"Teka lang at kukuha ako ng malamig na tubig sa ref. "
Narinig ko ang yabag ng takong ng sapatos patungo sa aking pinaruruonan. Bagamat nakatalikod ako ay alam ko kung sino ang taong iyon.
Narinig ko ang pagbukas ng ref, at ang padabog na pagsara nito.
"Bakit wala na namang laman itong ref, Jesele? "
Inis na tanong niya.Narinig ko rin ang pagbukas ng mga cabinet. Halos mapatalon ako sa gulat nang natumba ang upuan.
"Ano ba 'yan? Gutom na nga ako dito ah, tapos wala pang pagkain na nakahanda? "
Inhale. Exhale.
Kumalma ka Jesele. Walang patutunguhan ang iyong galit kung magpapadala ka.
Kaya, imbes na sumagot sa nanay ko ay tinungo ko na lamang ang kwarto ko. Ayoko. Ayokong makipagtalo. Kahit pa magsalita ako ay alam kong wala ni isang salita ko ang papasok sa isipan niya. Kagaya nang nakagawian, natulog akong walang laman ang tiyan.
Jesele, kalma. Sanay ka na.
"Ayan. Walang laman ang pitaka ko. Kung may pera ka, 'yan nalang pambaon mo. "
Nagsalubong ang aking kilay, ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo,
"Wala na rin akong pera. "Pinipilit kong huwag magtaas nang boses kahit pa gustong gusto ko. Oo, ang sarap sumagot. Ngunit walang saysay ang pagsagot ko. Ako pa rin naman ang magiging mali kung sasagot ako. Kahit alam kong tama ako.
"Anong magagawa ko diyan? May mga importante pa akong mga bilhin. Manghiram ka nalang muna sa mga kaklase mo. Saka mo na bayaran 'pag may pera na ako ulit. "
Jesele, kalma.
Ilang ulit akong nagbuntong hininga.
"Hindi pwede, ma. May babayarin kami. Baka walang pera ang mga kaklase ko. "
Sagot ko.
Halata na sa boses ko ang panginginig nito. Bakit? Galit. Dahil sa galit."Eh ano nga ang magagawa ko diyan? Sabi nang may bibilhin pa akong importante!"
Boom.
Ayon. Bigla nalang sumabog ang galit na naramdaman ko. Na kahit kinailangan kong pigilan ay hindi na kinaya. Nanginginig na ako sa galit. Parang gusto ko nalang magmura.
BINABASA MO ANG
Together Under The Stars (Completed)
Cerita Pendek(Tagalog-English) ( E D I T E D) Every love stories with happy endings has its own main characters. Cinderella with her Prince Charming, Ariel with her Prince Eric, and all the other princesses with their princes. Jesele Benedict has always her e...